Chapter 20

4.2K 44 6
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* Body Heat Procedure. *

Ara

"Bilisan mo magpalit ka na!" sigaw ni Mika mula sa may garahe kung saan nakaparada 'yung mga kotse. Yes! Buti naman hindi na ako mabo-bored dito. Hayy. Tumakbo na ako para pumasok kaso biglang humarang si Thomas sa daanan. Ano na naman ba ang problema nito?

"Oy, san ka pupunta?" tanong ni Thomas.

"Sasama malamang. Tsupi na!" sabi ko sa kanya sa ko nilampasan. Tatakbo na ulit sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Huwag mo naman akong iwan oh. Please?"

"E-eh?" hindi ko alam kung anong o papa-ano ako re-react sa sinabi niyang 'yon. What is he talking about? Goodness. Naramdaman ko na lang na biglang nagsitaasan na 'yung dugo ko papunta sa mukha ko.

"S-sige na nga. Fine." napa- yuko na lang ako dahil nagblu-blush ako. Urgh. Ilang beses na ba akong nagblu-blush ngayong araw na 'to?

"MIKAAAA! HINDI AKO SASAMAAAAH!" sigaw ko mula sa may pintuan para rinig niya at para na rin maalis 'yung kilig sa katawan ko. Waa! Kulang pa! More.

"Ganun ba?! Sige enjoy!" sabi niya sa akin. Effortless talaga siya noh? Ang lakas ng boses! Kahit na hindi sumisigaw dinig na dinig eh!

"LECHEEE!" sigaw ko sa kanya. Dadag-dagan ko pa sana 'yung sasabihin ko sana pero umalis na sila. Bastusing bata. Di pa ako tapos leche.

Cienne

Naglalakad ako papunta sa dorm ng biglang may humawak sa mga kamay ko.

"Holdap 'to." sabi nang isang lalaki na nakabonnet. Napakamalas naman oh! Bakit walang dumadaan na tao ngayon ha? Kahit tricycle driver o jeepney driver o kahit pusa man lang? Bakit wala?!

"Eh ano naman ngayon?" sumbat ko naman dito.

"Aba, matapang ka ah? Labas mo pera mo! Bigay mo na rin ang wallet mo! " sigaw niya sa akin. Arouch! Ang sakit naman sa tenga! Kinuha ko 'yung wallet ko sa bulsahan ko at tinignan ko 'yung laman. Wala! Bente lang!

"Oh ayan bente." sabay abot ko sa kanya nung bente. Kumunot naman 'yung noo niya.

"BENTE? ANONG MARARATING NITO?!" sigaw niya sa akin.

"EDI CORNETTO! Hindi ka ba nanunuod ng commercial sa TV? My Goodness! Ikaw na nga 'yung nanghihingi magrereklamo ka pa? At FYI lang ah, hindi ko kasalanan kung bakit ang isang dukha at gusgusing bata ang hinoldup mo. What do you expect?! Wala! NGANGA ka kaya wag ka ng magreklamo! Leche!" pagalit na sabi ko sa sobrang inis. Aba? Demanding ni Kuya ah? Sarap pektusan nako nako!

Bigla na lang siyang tumawa. Baliw rin ang isang to noh?! Tss. Mga walang kuwenta! Umalis na ako dahil sa pagka-badtrip. Pasalamat siya di ko siya ni-report sa pulis noh. Leche! Sayang 'yung bente pesos! Waa!

Ara

"Halika! Punta tayo dun oh? Sa may kakahuyan?" sabi niya sa akin at walang alinlangang hinigit ang kamay ko.

DUG.DUG.DUG.DUG.

My God, anong nangyayari sa puso ko? Shocks. Ang lakas ng tibok! Heart Attack na ba ito? Oh my. Wala naman akong naalalalang history ng heart attack sa pamilya namin ah?

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon