Chapter 21

3.9K 48 10
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

 * Stay * 

Ara

Argh. Argh. Argh. Argh to the nth power! Ampucha naman oh?! Gusto ko pong matulog! Waa! Tengeng Thomas 'yan oh? Ayaw umalis sa isipan ko!

1:30AM

Napatingin naman ako sa orasan ng di oras. Ano? 1:30 na. Okay matutulog na talaga ako.

"Thanks, Ara."

"Thanks, Ara."

"Thanks, Ara."

"Thanks, Ara."

"Thanks, Ara."

"Thanks, Ara."

"Thanks, Ara."

Tengene. Para sa isang thank 'you lang hindi na ako makatulog?! Ano bang nangyayari? Hayy.

Pumunta ako sa veranda para magpahangin.

Wow! Ang ganda naman! *__*. Ang ganda ng mga bituin at ang sarap ng simoy nang hangin.

"Ay kalabaw!" sigaw ko dahil may tumusok sa tagiliran ko.

"Sa guwapo kong 'to?" sabi niya sabay sumimangot.

"Ikaw naman kasi eh, nang-gugulat ka." sabi ko sa kanya sabay hampas sa dibdib niya.

"Diyan ka lang okay? May kukunin ako." at naglakad na siya papunta sa loob. Okay? Ano naman kaya 'yun.

Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating na siya dala dala ang isang airbed at pumper. Sinumulan na niyang i-inflate( otherwise lagyan ng hangin) yung airbed hanggang sa lumubo ito.

Umupo na siya dun sa airbed at tinawag ako.

"Halika, dito." pumunta ako dun at humiga na rin.

"Wait, may kulang" sabi niya at pumasok ulit sa loob. Okay ano na naman ba?

Dumating siya na may dalang unan at kumot. Kinuha ko 'yung unan at nilagay sa may ulo ko at humiga na at nagkumot na rin. Feeling ko masyado noh? haha. Feel at home eh. Humiga na rin siya at humarap sa akin habang ako nakatingin lang sa kalangitaan.

"Hi babe." sabi niya habang nakatingin sa akin at nakangiti ng malapad.

"Huh? Ano ka ba! Wag mo nga akong tawagin niyan. >//<" sabi ko sakanya habang nakatingin pa rin sa kalangitan. Hindi ko siya matignan kasi umm . nakakatunaw eh.

"Oy! Ayun oh may falling star!" sigaw ko sa kanya "dapat tinignan mo para nakapag-wish ka ng magandang bagay." dagdag ko pa.

"Ba't pa ako magwi-wish kung nasa harapan ko na ang hinihiling ko?" sabi niya habang nakangiti ng sobrang lapad.

O.o? Ano raw? Natameme naman ako sa sinabi niyang iyon. Sinubukan kong lumunok pero hindi ko nakaya eh. Ewan ko ba? Parang bigla na lang humirap ang paglunok ng laway. Mygoodness. Puso kumalma ka nga! Siguro magpapacheck-up na talaga ako bukas para malaman kung ano ba 'tong mabilis na tumitibok sa puso ko! >_<

Katahimikan lang ang bumungad sa akin. Wala ni kung ano mang tunog ang naririnig. Eh?!

Bakit naman siya nakatingin sa akin nang ganun? Kanina pa siya ah.

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon