Chapter 45

3K 41 6
                                        

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* Myco's Tale. *

-Ara's Point of View-

GUMISING ako ng maaga sa di malamang dahilan. Hindi naman dahil sa excited akong mag-klase. Duh. Sinong may gusto nun diba?

"Oh? Ara, ang aga mo ata ngayon ah?" bungad ni Ate Abi sa akin pagkababa ko sa hagdan.

Nakita ko namang nakangiti ng nakakaloko si Mika. "Excited kasi siya na makita yung bago niya. Haha" sabay tawa. Hindi ko tuloy maiwasang mamula sa sinabi niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Nang-bu-buwesit eh. Usually kasi, late akong nagigising. Mga 30 minutes before ng time namin eh dun na ako gumigising. Ngayon nga lang ako magigising nang maaga eh. Pssh.

"So ano? Kilala mo na siya?" nabalik naman ako sa realidad sa tanong na 'yun ni Mika. Come to think of it, hindi ko pa nga siya kilala. Hindi pa ako nakapag-research sa kanya. Paano ba naman kasi eh Myco lang ang alam ko sa kanya noh. Hindi ko pa nga alam yung apelyido kasi ayaw sabihin ni Mika.

"Hindi pa."

"Ngek? DaughterF naman eh." singit ni Ate Abi.

"Eh sorry naman! Eh kung sabihin niyo na kaya sa akin para malaman ko na diba?" Paano ko naman malalaman diba? Eh hindi nga nila sinasabi sa akin eh.

"Haha. Whatever. It's your obligation to know who he is." sabi naman niya. Inirapan ko na lang siya. Nakadagdag ng sakit ng ulo eh.

Who the hell are you?

--

"A-ara! H-huy!"

"Wait lang nilo-lock ko pa yung pinto." sabi ko kay Cienne na kanina pa ako kinukulit. Lecheng pintuan oh! Ang hirap i-lock ah? Nasira ata yung susi eh.

"H-he's here." nau-utal na sabi ni Cienne.

"Sino?!" napataas ang tono ko dahil naiinis na ako. Eh kanina pa ako nahihirapan at nakukulitan dito eh. Ang sarap niyang sapakin eh.

"S-si T-thomas." nung narinig ko yung pangalan niya eh agad agad akong napalingon. Nakita ko siyang nakatayo lang dun sa may gate habang titig na titig sa akin. Agad ko namang iniwas ang mga titig ko sa kanya.

Ano naman ang ginagawa niya dito, ha? The fudge eh. Tiningnan ako ni Cienne with the anong-gagawin-natin look.

"Easy, iwasan natin siya. Halika na." sabi ko sa kanya.

It's the only thing that's right to do, ya'know. Talking to him will only trigger the memories of the broken 'us'. And ayokong mangyari yun. Isipin ko pa lang eh maiiyak na ako.

Hinigit ko si Cienne papunta sa may gate.

"Ara, mag-usap tayo." sabi niya nung nakarating na kami dun.

"Wala na tayong pag-uusapan pa, Thomas." casual na sabi ko. "Halika na Cienne." sabi ko sa kanya at nagsimula nang maglakad papalayo sa kanya.

Bago pa man ako makalayo eh. Hinigit niya ako at iniharap sa kanya. "I still love you, Ara." sabi niya. Tinitigan ko lang siya ng ilang sandali at iniwas ang mga tingin ko.

"I don't love you anymore." sabi ko sa kanya habang naka-yuko.

"Really?"

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon