Chapter 26

3.8K 38 2
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* Volleyball court, Basketball court. *  

Ara

"Bilis! Ara!" sigaw ni Mika mula sa labas ng CR.

"Ano ba! Kumain ka muna! Matagal pa ako dito!" sigaw ko naman pabalik sa kanya.

"Aissh naman eh! Male-late na tayo oh!" reklamo niya. Agad agad akong lumabas ng CR dahil kanina pa atat ng atat na maligo 'yang Mikang 'yan. Pasensya naman! Eh sa ako ang nauna eh. Paglabas ko eh nakita ang mukha niyang nagngingitngit. Tss Imbes na pumasok na dun para makaligo eh.

Naglakad na ako papunta sa kanya ng biglang .. "Ay kalabaw!" muntik na akong madulas. Whew! It's a miracle!

No father, it's coat saver!

"Ano tatayo ka ba jan o gusto mong malate tayo?" eh nandun lang naman kasi siya eh nakasimangot. Tss.

Pumasok na siya sa CR at nagsimulang nag-shower. Ang dami pang arte eh pupunta rin pala. Pumunta na ako sa kusina at kumain ng almusal. Ang sarap! Sobra. May patingin tingin pa ako sa taas na nalalaman eh. AHHHM! Habang nilalasap ko ang almusal eh nakita ko rin 'yung orasan.

07: 25 AM! OMG!

Binilisan ko na ang pag-lafang sa almusal ko tutal wala naman si Thomas eh. T__T Tss. Bakit ba 'yun pa ang pumasok sa isip ko? Ang dami daming pwedeng maisip eh yun pa.

"MIKAAAAAAAAAA! BIIIIIIIIIILIIIIIIIIIIIS!" sigaw ko sa kanya mula sa kusina.

"ANOOONG OOORAAAAAAAAS NA?!"

"7:25!"

"F*CK!"

Tumakbo ako pa-akyat ng kuwarto ko at nagpalit na. Kinuha ko na rin yung mga damit ni Ye para dun na rin siya magpalit sa CR including our bags. Mygash! Hassle naman eh! Kasalanan 'to ni Kuya Peter! Aalis na sana kami dahil matra-traffic at maga-gabihan kami eh kaso mapilit! Ang umalis daw eh KJ kaya 7:30PM kami umalis at nakarating kami dito ng 10:25! Tsk! Bad Influence! Ayan tuloy napuyat kami.

"Waa! Etoo damit mo! Diyan ka na magpalit!" sabay bato ko sa kanya dahil papalabas na siya ng CR na naka-towel lang kaya bumalik uli siya.

"Tsk. Ayan kasi, sige next time umuwi naman kayo ng 12:00pm." sabi ni Ate Aby na nakatayo malapit sa Ref. Ano ba naman si Ate Aby. Imbes na mang-encourage eh. T__T

"Si Kuya Peter kasi! Sabi niya KJ daw pag umalis kaya nag-stay kami." pag-su-sumbong ko sa kanya.

"Ay. Nakasama n'yo siya?" nagtatakang tanong niya.

"Oo, nakita namin siya dun sa resort na tinuluyan namin." pag-eexplain ko sa kanya.

"Naku! Napaka- BI talaga ni Peter!"

"Huy! Nagawa pang makichismis eh! Halika na!" sigaw ni Mika. Walangya! Siya na nga 'yung hinihintay eh! Tsaka wala akong magawa habang hinihintay siya noh kaya nakipag-kuwentuhan muna ako. Hihi.

"Tss. Wow, IKAW ang BILIS BILIS MONG MAGPALIT." sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Woot! Ang daming alam halika na!" sigaw niya sa akin at hinila ako palabas.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Kaya kong maglakad!" sigaw ko sa kanya. Binitawan naman niya at tumakbo na kami papunta sa campus.

--

"HUH?! ANO?!" sigaw ko sa ka-classmate ko. Pano ba naman nag-absent daw 'yung professor namin. Deja vu eh. T__T Matapos kung mag-ala Usain Bolt wala pala 'yung professor?! Asdfghjkl! Gusto kong magwala! Litchi! Sayang epport! Bleh!

Wala na akong choice. As if naman may magagawa pa ako. Eh absent nga 'yung professor diba? As if naman meron talaga kaya naglakad na ako papunta sa canteen at kumain. Kulang 'yung kinain ko eh.

Pagdating na pagdating ko dun ay nag-order ako ka-agad. "Ate, pa-order ng dalawang mangkok ng Arrozcaldo tsaka isang coke." sabi ko sa may nagti-tinda. Nag-order ako nun kasi ang lamig eh. Perfect ang Arrozcaldo pag malamig eh. Yung Coke? Ewan ko. Haha. Basta may mainom lang.

Binigay na niya order ko at naghanap ako ng mauupuan. Syempre dun ako sa may gilid ng canteen para walang makakita sa kinakain ko. Haha. Tago tago rin pag may time.

Sinumulan ko nang kainan ang mainit na Arrozcaldo! Wooh! Tsaka wow! Ang laki ng meat!

"Ang dami naman n'yan. Akin na lang yang isa!" may nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako para tignan kung sino ito.

T___T

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy kong kainin 'yung dalawang mangkok ng Arrozcaldo na binili ko. Ang sarap talaga! Tsaka mainit init pa. Wooh!

Kanina pa siya dada ng dada pero hindi ko pa rin siya pinansin. Duh? Busy po akong kumakain noh. Manigas siya. No one disturbs an Ara Galang when she's eating.

"Mahal kita ARA GALANG! Makinig ka naman!" nagulat ako nung sinigaw niya 'yung pangalan ko. Maygash! Narinig pa ata nung mga nasa canteen eh. Malamang diba? Sinigaw nga niya eh. Tss.

"Huy! I-itigil mo nga 'yan! Nakakahiya ka!" awat ko sa kanya. Nakita ko namang nag-titilian at kinikilig 'yung mga tao sa canteen. Pssh. >//< Hinila ko siya at pina-upo ko sa upuan.

"Bakit ba? Ano ba kasi ang sasabihin mo?!" tanong ko sa kanya.

"Uh. I want to court you." Halos mabilaukan na ako kasi 'yung meat yung kinakain ko at halos punong puno na 'yung bibig ko.

"A-are you okay?" natataranta niyang sabi at tinapik tapik 'yung likod ko.

"O eto tubig!" sabay abot niya nung tubig. After kong maka-recover eh hinarap ko na siya.

"Huy! Wag naman! Ano?! Gusto mo akong maging court? Basketball court ba o Volleyball court?" ano ba kasi 'yun?

"Ara naman eh. I mean gusto kitang ligawan." sabi niya. Hindi naman siya makatingin sa akin ng diretso at nagkamot na lang ng batok. Ay naku! Siguro may kuto na 'to! at dahil dun sa pagsipsip nung dugo ng kuto eh nababawasan ang katinuhan kaya kung ano ano ang sinasabi. Sheesh.

"Huh? Sure ka? At bakit mo naman ako liligawan?" tanong ko sa kanya.

"Malamang kasi mahal kita." sabi niya habang nakangiti. Ako naman iniiwas ko 'yung tingin ko.

"Ano Ara? Are you going to let me court you?" tanong niya sa akin. Maygash. Ano ba ang dapat i-sagot? Ano ba! Nakaka-pressure naman 'to eh! T__T Parang one million question eh. Pwede bang mag-lifeline? Waa!

"S-sige." yan na lang ang nasabi ko.Leche! Ano ba 'yan! Iisang word na nga lang nautal pa. Ayan tuloy pa-obvious.

Bigla siyang tumayo at sumigaw "YEEEEEEEEEEEES!"

"Oy - oy! Umupo ka nga nakakahiya ka!" awat ko for the second time sa kanya. Nagpout naman siya na parang bata.

"Ikinahihiya mo ako?" nagkasimangot na sabi niya. Argh!

"Halika na nga kasi dito sa tabi ko." sabi ko sa kanya. Nag-shine naman bigla 'yung mata niya at excited na tumabi sa akin.

"Bakit iki-kiss mo na ako?"

T____T 

Binatukan ko siya. Tss.

"Aray! That's not how you should treat your future husband." sabi niya sa akin habang hinihimas 'yung ulo niya.

Aano raw? Future husband? Jeez. Why are you making me blush?! Ugh.

_________________

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon