Chapter 13

4.5K 47 0
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

*Epic fail.* first half

Ara's Point of View

"Busog na ako." sabi ko kay Kimmy na may kasamang dighay. Ang sarap kasi nung kinain namin eh. Hahha.

"'Yan lang ba?" sagot naman nito na may kasama pang mas malakas ng dighay.

Edi siya na ang busog. Di ko naman masisi si Kimmy eh. Haha. Sobrang sarap talagang magluto ni Justine! Out of this world ang peg.

"Huy! Ikaw maghugas ng pinggan! Hahaha." sigaw ni Kimmy sabay takbo papuntang sala.

"Hoy! Kimmy! Bumalik ka nga dito! Carmeeelaaaa Tunaaaay!" sigaw ko naman sa kanya mula sa kusina.

"Cheee! Thomaaaas Toooorreeeees!" bawi naman nito mula sa sala.

"Wow? Kelangang magsigawan?! Aba? Hiyang hiya naman ako sa inyo! Bakit kayo lang ang tao sa dorm na 'to?!" sita naman ni Cienne.

"Sorry naman! Arnoooold Vaaaan Opstaaaal!" sigaw ni Kimmy. Ang gaga talaga. Sabi ng wag sumigaw eh.

"Sabi ng huwag sumigaw eh!" sigaw naman ni Mika from somewhere. Ewan ko kung asan 'yun. Basta andito siya.

"Sorry talaga! Asawa ni Jerooooooooon Teeeeeeeeeng!" sigaw naman ulit ni Kim. Tanginis. Mababasag na ata 'tong pinggan na hinuhugasan ko.

Sensya naman. Kasalanan naman talaga ni Kimmy eh. Sabi niyang siya yung maghuhugas eh. Kahit kailan talaga.

Sinumulan ko na ang paghuhugas kahit na labag sa aking kalooban. Humanda ka talaga sa akin Kim Fajardo!

--

Thomas's Point of View

Pumasok na kami ni Jeron sa dorm nila Ara. Sana naman maging successful yung plano ko. Hayy. Napansin tuloy ni Jeron na kinakabahan ako.

"Tiwala lang, paps." sabi niya sa akin sabay ngumiti. This is it! Thomas!

"Hoy! Kimmy! Bumalik ka nga dito! Carmeeelaaaa Tunaaaay!" naring kong sigaw ni Ara.

"Cheee! Ikaw ang manahimik diyan! Asawa ni Thomaaaas Toooorreeeees!" sigaw naman ni Kim ba 'yun? Bahagya akong napangiti. Narinig ko ring tumawa si Ate Abi na katabi lang namin ni Jeron.

"Wow? Kelangang magsigawan?! Aba? Hiyang hiya naman ako sa inyo! Bakit kayo lang ang tao sa dorm na 'to?!" rinig kong sigaw nang isa pang Lady Spiker. I guess, it was Cienne Cruz?

"Sorry naman! Arnoooold Vaaaan Opstaaaal!" sagot na naman ni Kimmy.

Tahimik lang kami dito habang tinatanggal namin yung sapatos namin.

"Sabi ng huwag sumigaw eh!" sigaw ni Mika na halatang inis na inis na. Haha.

"Sorry talaga! Asawa ni Jerooooooooon Teeeeeeeeeng!" sagot ulit ni Kimmy. Ang kulit talaga ng mga 'to. Ngayon ako naman ang tumatawa.

"Naku, guys. Ganyan talaga kabaliw ang mga 'yan." sabi pa ni Ate Abi habang tumatawa. "Hali na kayo sa sala." imbita niya.

Pagdating namin dun, nakita namin si Kim Fajardo na tawa ng tawa. Bigla siyang natigil nung makita niyo.

"Jeron?! Thomas?! Narinig niyo?" sabi pa niya nang nine-nerbiyos.

"Oo, Kimmy! Haha. Sigawan ba naman? Sinong hindi makakarinig?" sagot ni Ate Abi.

Umupo kami sa couch nang biglang bumaba mula sa second floor si Mika.

"Jeron?!" sabi ni Mika na gulat na gulat. Si Jeron naman napakamot na lang ng batok.

"Hi Mika." bati ni Jeron.

"Kayo ah. Sunod kayo ng sunod sa amin." sabi naman ni Kim.

"Bakit ikaw ba ang sinusundan? 'Wag kang feeler Kimmy." sarkistikong sabi ni Carol na bumaba rin mula sa kuwarto niya.

"E sino naman? Ikaw?! Haha. Asa ka naman Carol." bawi naman ni Kim na may kasamang belat pa. Grabe! Laitan talaga ang mga tao rito. Hahaha.

"Bakit may sinabi ba akong ako?" sabi niya tsaka siya tumingin kay Mika "Obvious namang sina Mika at si Ara eh." dagdag pa nito.

Halos mamula na si Mika dahil sa sinabing iyon ni Carol.

"Oo na. Sila yung pinunta namin. Grabe naman Kim. Parang sinasabi mo na rin na stalker kami. Guwapo naman kami diba? Dapat Admirer. Haha!" sabi ni Jeron habang tumatawa.

"Wushuuu~! Ang hangin! Paki-close yung pintuan!" sabi naman ni Cienne na kagagaling sa banyo.

"By the way, where's Ara?" tanong ko sa kanila habang tumitingin sa paligid. Eh bakit ba? Namimiss ko na siya eh.

"Nandun siya sa kusina. Naghuhugas ng pinggan." sagot naman ni Cyd.

"Thanks!" tinignan ko si Ate Aby "Sabihin mo 'yung plano ah?" nag-wink ako sakanya at nagpunta na sa kusina.

Ara's Point of View

Ano ba 'to! Ang hirap namang tanggalin nung oil! Ugh! Ang sarap basagin nitong pinggan! Argh!

Pinipilit ko namang alisin 'yung oil. Nakakaimbyerna namang gawin 'to!

"Baka mabasag na 'yan." Nabitawan ko yung hawak hawak kong pinggan ng siyang naging dahilan upang mabasag ito.

"Araay!" bulalas ko ng maramdamang masugat ang aking mga kamay. Dumudugo na. Shucks!

"Ara, are you okay? God. I'm really sorry." sabi ni Thomas at dali dali niyang kinuha 'yung Medicine Kit mula dun sa ibabaw ng ref.

"Okay ka lang? Nasugatan ako tapos tatanongin mo kong okay ako? Hay." pa-galit kong sabi sa kanya. Eh sino na naman ba ang hindi magugulat, diba?

"Sorry, Ara." sabi niya ng may malungkot na tono sa boses niya. Nakako-konsensya tuloy ako. Ugh. I hate this. Ang cute niya talaga! Parang nanlambot yung puso ko!

Kinuha niya yung alchohol at bulak mula sa Medicine Kit at sinimulang pahiran ang kamay kong nasugatan.

"Aray!" sigaw ko sa sobrang sakit.

"Don't worry. Magiging okay rin yan." sabi niya at sinumalang ipahid yung bulak. Ang sakit! Pero tiniis ko na lang. Tinititigan ko lang siya. Oh ehm. Ang cute cute niya pag seryoso! The fudge. I can't believe that I'm drooling over him.

Nakita ko naman may namuong ngiti sa kanyang mga labi. "Baka matunaw ako niyan."

Halos maging kamatis na ako sa sobrang pula ng aking mga pisngi. Nakakahiya naman eh! Tsaka wait? Narinig kaya niya sinisigaw ni Kimmy kanina?

Waah! Grabe! Nakakahiya talaga!

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon