Chapter 34

3.5K 37 2
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* Star City. *  

Ara

"Can you go out with me on a date?" sabi niya habang hawak hawak 'yung kamay ko at naka-yuko.

"Eh?" naiilang kong sabi. Hinihintay ko na bawiin niya 'yung sinabi niya pero wala eh, hawak hawak niya pa rin 'yung kamay ko habang nakayuko.

"I said, can you go out on a date with me?" tanong niya habang naka-yuko pa rin.

"Ah?" ayokong ulitin yung eh kaya ah naman. Pero 'yung totoo? Baka nan-jo-joke time na naman kasi siya eh. Alam mo naman ang lakas ng saltik.

"ARE YOU DEAF? SABI KO CAN YOU GO OUT ON A DATE WITH ME?!"


"BAKIT MO BA AKO SINISIGAWAN HA?!"


"EH KANINA PA AKO DITO. EH AT AH KA LANG NG AH!"


"SIGE NA OO NA! OO NA!"

"EH?"

"KITA MO? IKAW 'YUNG BINGI EH! OO NGA DIBA?!" sigaw ko sa kanya. Napaka-bi polar naman kasi nito eh. Abnormal na rin siguro kong hindi ko tatanggapin ang alok niya na makipagdate sa kanya kung sa loob loob ko ay um-oo na agad agad. Pssh.

--

"Tara na dali!" excited na sabi ko sa kanya habang hila hila ko siya papuntang Star City. Eh baliw kasi siya eh. May 'can-you-ask-me-out-on-a-date' pang nalalaman eh hindi naman pala napagplanuhan kaya ayan, dinala ko siya dito.

"Dito ba talaga tayo magde-date?" dismayadong tanong nito sa akin. "Ano tayo mga bata?!" dagdag pa niya.

"Ang dami mo pang pag-iinarte. As if naman hindi ka nakapunta sa isang amusement park once in your life." sabi ko sa kanya.

"Never nga eh."

"Weh? Maniwala." sabi ko naman sa kanya. Eh isip bata nga si Thomas eh! Pssh. Imposibleng hindi yan mahilig sa mga ganito.

"Hindi nga ang kulet eh." asar na sabi nito.

"Pssh. Halika na nga." sabi ko sa kanya at nag- hkkwmpssp. Ano ibig sabihin nun? Well, 'hawak kamay with matching pa sway sway pa. O diba? Ako lang nakakagawa nun. Haha. Eh hayaan niyo na masaya ako eh.

Bumili kami ng ticket ni Thomas of course libre niya. Siya nag-aya eh. Eh 'yung pinabili ko sa kanya eh 'yung ride all you can at Winter fun land. Kaya nanlumo siyang maglabas ng Php1000

"I can't believe that I'd be wasting this amount of money in this pambatang lugar." sabi niya. Tignan lang natin, Thomas Torres. Mehehe. Mag-eenjoy ka, pramis.

Hinila ko siya papunta dun sa Star Flyer pero hindi naman siya nagpahila.

"Eh, dun tayo sa Winter whatever land. Sige na please?!" sabi niya sa akin habang naka-pout. Eh? Ano ba 'yan. Gusto ko dun sa Star Flyer! Waa!

"Eh, dun muna tayo Thomas!"


"No, dun muna."

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon