Chapter 9

4.8K 52 3
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

Mika's Point of View


"By the way, sinabi ko pala kay Jeron na crush ka sa kanya."

Processing ..

Processing ..

Processing ..

Processing ..

"You said what?!" pa-sigaw kong tanong.

Eh sino ba naman ang hindi magugulat pag nalaman mong sinabi ng Bestfriend mo sa crush mo na may lihim kang pagnanasa sa kanya?! Halla!

"Aray! Makasigaw naman 'to. Gabi na teh. For your information, lang. " sagot niya habang tinatakpan ang kanyang tenga na para bang mababasag ito.

"Bakit mo naman kasi sinabi na may pagnanasa ako sa kanya?! Tsaka umaga na kaya! Alas tres na ng umaga! Susme. Nag-aaral ka ba?!" Nakakahiya talaga yun!

"OA mo! Bakit sinabi kong pagnanasa? Ang sinabi ko pagmamahal! Aarte ka pa? E ayan na nga oh! Sabi mo tulungan kita. So ayan, problem solved!" sabi niya habang nakangiti at proud na proud pa.

"Ahh! Nakakahiya! Sobraaa!" sinigaw ko sa buong dorm "Humanda ka Victonara!"

Ara's Point of View

"OA mo! Bakit sinabi kong pagnanasa?! Ang sabi ko pagmamahal! Aarte ka pa?! E ayan na nga oh! Sabi mo tulungan kita. So ayan, problem solved!" sabi ko sa kanya habang ngumingiti. Proud of my achievement.

Masaya ako kasi isang go lang, solve na ang problema ko. Hahahha. Eh siya parang madami pa.

Napatakip naman ako ng tenga dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ni Mika.

"Aah! Nakakahiya! Sobra!" sinigaw niya sa buong dorm "Humanda ka Victonara!"

Nakita ko naman ang mga mata niyang nanlilisik! This is trouble! Papatayin na ako ni Mika! Leche! Bakit naman siya magagalit eh tinulongan ko na nga siya eh! At least hindi na siya mahihirapan sa pag- amin! Pero hindi ko dapat 'yan iniisip ngayon!

Run for your lives!

Nagsimula na akong tumakbo papalabas ng dorm! Gusto ko pang mag - 4 peat! Waah! Bumaba ako sa kusina papunta sa labas kasi umaga na. Huwaa! Nakita ko naman sina Ate Abi at si Justine na nagluluto.

"Aba, bakit kayo nagsisi--" hindi ko na narinig yung sinabi ni Ate Abi dahil gusto ko pang mabuhay! Hindi ko marinig kasi nandito na ako sa labas ng dorm!

"Hoyy! Victonara! Bumalik ka dito!" sigaw ni Mika habang hinahabol ako. Hindi ko na lang siya binigyan ng pansin at ang kanyang sinabi at binigyang pansin ang pagligtas sa aking buhay! Jusko! Ayoko pang mamamatay!

--

Makalipas ang ilang minuto, walang tigil pa ring naghahabol si Mika. Susmarya! Nakakapagod! Super hinihingal na ako sa ginagawa namin! Ano ba 'to? Amazing Race?!

Kahit gusto kong tumigil para magpahinga, hindi ako tumigil because my life is on the line. Pag liko ko may nakita akong pamilyar na mukha. Someone special to Mika. Har-har.

May naisip ako kaya lumapit ako sa kanya at hinarap siya habang si Mika naman papunta na sa direksyon ko. Nakatalikod ako ngayon kay Mika habang kaharap ko yung Special someone ni Mika. Humanda ka Mika. *evil laugh*

*sound of collision*

"Hahahahah! " humagalpak na ako sa katatawa habang kinikilig na rin.

Si Mika kasi nasa ibabaw ngayon ni Jeron. Hahhaha. Pano nangyare? Kasi nga nung kaharap ko si Jeron alam ko na papalapit na at babangain na ako na Mika kaso umalis na ako sa kinatatayuan ko kaya ang nabangga niya ay si Jeron at sa lakas ng pagkakabangga niya eh napatumba sila kaya ayan!

Once a bully, always a bully and I flashed my victorious smile.

Mika's Point of View

Kainis talaga tong si Ara! Sabihin daw ba kay Jeron na may lihim akong pagna-- pagtingin sa kanya! Ahhh! Sinong hindi magagalit sa ganun?!

Hanggang ngayon naghahabolan pa ren kami sa labas ng dorm.

Takbo rito, takbo doon. Liko dito, liko roon.

Bakit ba hindi siya mahabol ng sexy at athletic kung body?! Eh athlete naman ako ah? Hindi naman ako mataba ah? Sa katunayan seksi nga talaga ako eh!

Tumigil na ako sa katatakbo dahil sa sobrang pagod! Ang init ! Putragis. Ikaw ba naman ang magtatakbo sa ganitong oras?! Mag- uumaga na oh!

Lumiko ako at nakita ko si Ara na may kausap. Bwahaha. Akala mo ah? Nag- isip muna ako ng gagawin ko. Banggain ko kaya? Humanda ka, Victonara Salas Galang!

Tumakbo na ako sa kanya ng bigla siyang umiwas kaya bumangga ako sa kausap niya.

Nang aking i-mulat ang aking mga mata, nakita ko si Jeron.

Puta!

Napamura talaga ako sa isipan!Nasa ibabaw niya ako! Hindi naman ako makaalis dahil ewan ko ba! Parang nag-freeze na ang buong katawan ko! Tumitingin lang ako sa kanya at siya nama'y nakangiti lamang. Parang tumigil ang mundo ko dahil sa mga ngiting iyon.

Shiz! Ang guwapo talaga niya! Chinese-like eyes, ay chinese naman talaga siya ah. Kaya ng Teng diba? Bobs.

Maputi at mabango.

Erase! Erase! Masyado na akong obvious sa ginagawa kong 'to!

Nawala naman lahat ng katahimikan ng biglang tumawa si Ara! Kahit kailan talaga! Panira ng moment eh!

"Umagang umaga eh nagpro-produce na kayo ng body heat! Hahahaha." natatawang sabi ni Ara habang halos mangiyak ngiyak na sa katatawa.

VICTONARA GALANG, I hate you. Sinamaan ko lang siya ng tingin with matching nanlilisik na mata epek!

"A sige mauna na ako Mika." sabi ni Jeron habang nakangiti.

Huh? Weird. Bakit nakangiti si Teng?

"Grabe ka Mika! Parang ayaw mo nang umalis!" sabi niya habang tumatawa.

"Leche ka. Manahimik ka na lang."

"So ano? Nakapa mo ba yung abs?"

"Ara!" saway ko sa kanya. Halos magsuicide na ako sa mga tinatanong niya eh! Leche talaga!

Nagsimula na kaming maglakad papuntang dorm habang nagku-kuwentuhan ng kung ano ano. Tawanan at halakhakan.

Hanggang sa makarating na kami sa dorm.

______________________


My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon