Chapter 19

4.2K 35 1
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

 * Baguio. *

Ara

"Selos ka naman agad?" nagulat ako ng bigla na lang siyang nag-salita mula sa likuran.

"A-anong selos?" sabi ko naman sa kanya. God! Bakit ako nau-utal? It's not like me to be this obvious! Jeez.

"Selos as in jealousy. (^__^)" sabi niya habang nakangiti from ear to ear.

"Ngini-ngiti ngiti mo diyan?" sabi ko sa kanya sabay irap.

"Don't worry ikaw pa rin naman ang baby ko eh." sabi niya ako naman eh nakatayo lang dun na parang bang .. ewan .. kinikilig?

"Leche! Manahimik ka nga. San 'yung banyo?" tanong ko sa kanya. Tinuro naman niya kung nasaan at dumiretso ako more like tumakbo ako papunta 'dun. Gosh darn it! Bakit ba ganun siya lagi?! Lagi na lang niya akong pinagblu-blush! Lichi!

"Okay, calm down. Breathe in, breathe out." sabi ko sa sarili ko habang tinitignan 'yung sarili ko sa may mirror. Kaya ko 'to! Oo, baliw ako! Kailangang may self motivation kasi ayoko namang ipahalata kay Thomas na gusto ko siya noh? Kaya nire-ready ko 'yung sarili ko sa kung ano man ang balak niyang gawin o sabihin sa akin.

Translation: Huwag malandi!

Lumabas na ako sa banyo at pumunta na sa may kusina. Nakita ko siya 'dun na naka-apron lang. Omaygad! Ang cute! Ay erase erase erase! Kasasabi ko lang na huwag mag-isip ng kung ano anong bagay eh!

Inilapag na niya 'yung mga niluto niya sa table at inalis na niya 'yung apron na suot suot niya. Maygash! Bakit mo inalis?!

"Huh? Ang ano?" pag-tatakang tanong niya. Oops napalakas ata! Gosh! Dapat sa isip ko lang 'yun. Ano ka bang utak ka?! Maki-ayon ka naman!

"Ah eh, wala. Haha." pagpapalusot ko sa kanya. Halatang na-weirduhan siya sa akin dahil tinignan niya ako with the ang-weird-nun-ah look. Ako naman tumatawa na lang.

"Sige kain na tayo." sabi niya sa akin. Kukunin ko na sana 'yung rice server kaso inunahan niya ako.

"Ako na, di dapat pinapahirapan ang mga magaganda." sabi niya sabay ngiti. Ako naman halos mapatawa dahil sa sinabi niyang 'yun more like ROFL! Rolling on the floor laughing! Hahahaha!

"Ako maganda?! Hahahahah! Nakakatawa naman 'yang joke mo!" sabi ko sa kanya habang hawak hawak 'yung tiyan ko.

"I'm not joking." sabi naman niya habang nakatingin sa akin.

"HAHAHAHA!" ako eh tawa lang ng tawa. Napatigil naman ako sa katatawa dahil biglang sumeryoso 'yung mukha niya. Gosh! Nakakatakot. Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at ..

"Look, i don't want to hear you saying that. Okay? You're beautiful in any way possible." *singhot* *singhot* Pengeng tissue! I'm getting noseblood! Waa! Don't english me! I'm panic!

Pero ANOO DAW??! Maganda raw ako? Huwaa. Halos mamatay na ako sa kilig! Waa! Lemme out of this house!

Nakakain naman ako ng matiwasay at in peace kasi hindi niya sinabi na susubuan niya ulit ako. Goodness gracious! That was a disaster! Jeez! Ginawa niya akong bata that time. Pero aaminin ko, kinilig ako dun! Gosh darn it! Ang landi landi ko. Urgh.

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon