Chapter 47

2.9K 39 10
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

*Maybe, just maybe*


-Ara's Point of View-

"Why didn't you tell me earlier? Mika naman eh!" Finally! Nalaman ko na rin kung sino siya. Isa pala siyang student- athlete din ng La Salle, specifically, sa Men's Volleyball. Like c'mon, how could I not know that? At ang malala pa, hindi ko man lang siya kilala. Nakakahiya tuloy. Kapwa student athlete ko pa man din.

"Aba, bakit ako sinsisi mo? Dapat nga alam mo kung sino siya eh. Duh." sabi niya with matching roll eyes pang nalalaman.

"Eh kahit na! Nakakahiya kaya! Kapwa student athlete eh hindi ko man lang kilala?" sabi ko sa kanya habang inaayos yung buhok ko bigla kasing nag-aya si Myco na lumabas eh. Boring din naman dito sa dorm eh. I might as well go.

"Psh. Eh paano ba naman kasi makikilala yung mga lalaking student- athletes kung kay Thomas ka lang nakatingin, eversince you entered La Salle?" sabi niya tsaka niya hinigop yung mainit na kape.

Natigilan ako dun at namulang bahagya.

"Uy, hindi kaya!" pagde-deny ko.

"Hindi raw oh? Love the way you lie part 2." sabi niya ng natatawa. Kagabi ko pa siya napapansin ha? Edi siya na ang number fun ni Rihanna. Una, Where Have You Been, pangalawa, Love the way you lie, tapos ngayon, Love the way you lie part 2? Kaloka.

"Hindi obvious na favourite mo si Rihanna noh?" sabi ko sa kanya para ibahin yung topic. Ayaw ko na ngang pag-usapan 'yan! Nakakahiya.

"Ang daming alam, suotin mo na nga yung dress dun nang makapunta ka na sa Date niyo ni Myco." sabi niya na siyang ikinamula ko. Talagang kailangang in-emphasize yung word na 'date' ha? Ang sarap batukan.

"Hindi nga kasi date yun!"


"Kfine. Edi friendly date. Haha." natatawang sabi niya. "Tsaka one more thing, wag ka ng blush on. Halata naman kasing kinikilig ka eh. Ayiie. Huwag ka ng kunwareng nagagalit pa."

--

MATAPOS ang napaka-habang oras ay natapos na rin ang pag-aayos ko sa sarili ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at hindi ko maiwasang mailang sa suot ko.

Naka-dress kasi ako eh.

"Eh, ayoko nito! Wait lang, magpapalit ako." sabi ko kay Mika. Babalik pa sana ako ng kuwarto ng biglang lahat sila ay hinila ako palabas ng dorm.

"Hep, hep. Labas na! Andiyan na siya sa labas oh." sabi ni Mika sabay turo pa sa sasakyan na dala ni Myco. Gusto ko mang bumalik pa pero wala na eh! Nandito na ako sa labas! Maghanda yang Mikang yan sa akin! Hmp.

Nakita ko siyang nakatayo lang dun. Naka-white na polo at naka-white na pantalon siya. Ang guwapo guwapo niya. Shiz! Habang naglalakad ako papalapit sa kanya ay hindi ko maiwasang ma-concious dahil tumitingin siya sa akin.

Nang makalapit na ako sa kanya eh biglang sumigaw si Mika sa kanya. "Myco! Paki-sara yang bibig mo! Papasok ang langaw!" sigaw niya mula sa pintuan. Nag-sitawanan pa silang lahat habang si Myco naman eh, napakamot sa ulo na wari ko'y nahihiya na.

Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan pero tinangihan ko siya. Ayokong umupo sa Passenger's Seat kaya sa likod na lang ako umupo. Wala na siyang nagawa kundi pumasok at mag-drive.

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon