Chapter 10

4.9K 47 4
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

*Knight in Shining Armor.*

Ara's Point of View

Nakarating na kami sa dorm ni Mika. Buti na lang at tumigil na siya sa balak niyang pagpaslang sa akin. Hahahah. Geez. Ang OA eh.

Pumasok na kami at dumiretso sa kusina. Nadatnan namin silang lahat sa hapag kainan.

"Mabuti naman at tumigil na kayo. San ba kayo pumunta?" tanong ni Cienne.

Napatawa naman ako ng di oras. E paano ba naman? Si Mika kasi eh yung reaction niya! Super priceless! Hahahah.

"Araay!" sigaw ko dahil sa malakas na batok na galing kay Mika. Lichi talaga. Kailangang may batok every once in a while noh?

"Ah, siguro may kinalaman to sa lovelife ni Mika noh? Ayiiee." sabi naman ni Carol sabay hampas kay Kimmy.

"Aray! Ano ba!" sigaw naman ni Kimmy na halatang iritadong iritado. Palagi kasi siyang hinahampas ni Carol eh.

"Ano naman ba ang problema mo? Nag-away siguro kayo ni Tu--" hindi naman natapos ni Carol ang sasabihin niya dahil nakita nitong nanlisik ang mga mata ni Kimmy.

"Sige! Ituloy mo!" pa-sigaw na sabi ni Kimmy.

"Ah okay." sabi ni Carol tsaka siya tumayo na may hawak hawak na tinapay. "Uubusin ko na itong tinapay para maka ligo na ako ng Tunay. Para bumango ako ng Tunay." dagdag nito tsaka tumakbo papuntang banyo.

"Cerveza! Bumalik ka nga dito!" pa-sigaw na sabi ni Kimmy. Si Carol naman tumatawa lang sa loob ng banyo.

"Manahimik ka diyan kasi maliligo na ako ng Tunay." pang-aasar pa ni Carol.

"Cerveza! Buksan mo 'to!" sigaw ni Kimmy habang hinahampas 'yung pinto ng banyo.

Lahat naman kami nagtawanan dahil sa mga nangyayari. Napapangiti tuloy ako. Ganyan talaga ang mga 'yan. Ang gulo pero pag kailangan mo laging andiyan at napaka-organized pa.

--

Tapos na akong maligo at nandito na ako sa living room. Tinignan ko ang oras at halos lumuwa yung mga mata ko ng makita ko 7:25 na.

"Mika! Bilisan mo na mala-late na tayo!" sigaw ko sa kanya kasi nasa itaas pa siya.

"Wait lang malapit na!" sigaw naman niya as a respond.

Ano ba naman 'yan! Kainis! Ang bagal eh! Mas mabagal pa kesa sa Internet sa bahay. Mag se-seven twenty six na oh! Hindi ko na siya hinintay at tumakbo na lang papunta sa school! Jusko! Bahala siya diyan. Lagot talaga ako pag nalate ako sa unang klase! Matuturingan na naman akong 'Dakilang Latecomer' niyan eh. Ugh.

Nakarating na ako sa classroom at saktong sakto lang! Whew! Puwede na akong sumali sa The Amazing Race! Eh sa bilis ko ba naman puwede ko ng talunan si Usain Bolt sa takbuhan!

Nakakapagod! Napasandal ako sa pader sa sobrang pagod!

After ng ilang minuto, pumasok na ako sa classroom at nakitang walang tao maliban sa isa kong classmate.

"Ah, Micheal bakit walang tao?" tanong ko sakanya.

"Ah, wala kasi si Prof. eh. Absent daw siya dahil may sakit." sabi naman niya. "Wala bang nagsabi sa'yo?" tanong pa niya.

I mentally cussed. Effin shiz! After kung mag-ala Usain Bolt eh wala pala yung Professor? Putapete! Dahil sa sobrang frustration, nag-walk out ako! Paano ba naman kasi, eh ikaw kaya ang tumakbo ng super bilis para makaabot sa klase tapos wala pala yung Prof?

Naglakad ako papunta sa Cafeteria dahil nagugutom ako. Ikakain ko na nga lang ang lahat ng frustrations ko! Amp! Kainis talaga!

Mika's Point of View

"Ara! Nandito na ako! Asan ka na ba?" mukha akong tangang nagtatanong dito dahil walang sumasagot!

Iniwan ako ng gaga!

Aba'y aba? Iwanan raw ba ako?! Nakakainis na Ara Galang! Arrgh! Nagpapalit pa ako eh! Nakakainis talaga si Ara!

Tinignan ko yung orasan.

7:30?! Putragis! Late na talaga ako!

Lumabas na ako nang dorm at kumaripas ng takbo! Ano ba naman! Hayy! Usain Bolt ang peg? Naku! Kasalanan lahat 'to ni Kimmy at ni Carol eh! Amp. Ayaw kasing lumabas ni Carol dahil papatayin raw siya ni Kimmy paglabas niya kaya ayun! Hindi ako nakapag-shower!

Super nakakainis talaga!

Nakarating na ako sa school vicinity at dumiretso sa classroom. Pagdating ko, wala nang tao. Bakit kaya? Wala rin si Ara.

Speaking of Ara, asan nga kaya yun?! Aba, dapat lang na makita ko siya noh! Papagalitan ko pa siya dahil sa pag-iwan niya sa akin! Matawagan nga.

Dialling...  

Bestplan Ara

After ng ilang rings ay sumagot na rin siya.

"Huy! Ba't mo a--" hindi ko na- ituloy yung sasabihin ko dahil may weirdong panget na kumuha sa cellphone ko. Aba? Kapal ng mukha ah?!

"Akin na nga 'yan kita mong may kausap yung tao eh!" pa-sigaw kong sabi dito. Eh syempre sino ba naman ang hindi magugulat kong may isang mukhang bakulaw na kumuha ng cellphone mo.

Hindi pa rin niya ibinabalik, instead ngumiti lang siya at lumapit sa akin habang ako nama'y napapa-atras.

"Ano bang kailangan mo?! Layuan mo nga ako! Manyak na bakulaw na hindi kinumpleto ang evolution of man!" sigaw ko ulit rito habang kinakabahan! Help me Lord! Gusto ko pa pong mag- 4- peat!

Nakita ko namang nanlisik ang kanyang mga mata! Not a good idea, Mika. Dapat hindi ko sinabi ang mga salitang iyon! Lumapit naman siya sa akin habang ako naman ay umatras pa ulit!

"Ikaw ang kailangan ko, Mika Reyes." sabi nito na may halong ngiti na malagkit! Yuck! Mahiya ka nga sa balat mo! Uwaah! Lord please help me. Lumapit ulit siya sa akin at ako naman e umaatras sa kanya hanggang sa na-corner na ako sa pader.

Umiiyak na ako dahil sa sobrang takot.

"Huwag po, please." paki-usap ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay at lumapit pa sa akin.

"Please, I'll do everything wag mo lang gawin 'to!" nangi-nginig kong paki-usap ko sa kanya. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Sinubukan kong siyang itulak papalayo ngunit sadyang malakas siya.

Inilapit niya akong mukha niya sa akin na konting galaw lang eh magla-lapat na ang labi namin.

"P-please, d-dont .." hindi ko na kayang magsalita pa dahil nanghina nang tuluyan ang aking mga tuhod at dahil sa sobrang takot. Hindi ko na kaya.

Sa sobrang takot at panlalambot ng tuhod ko, halos hindi ko na kayang tumayo pa pero sinalo niya ako bago pa man mangyari iyon at sinimulang ilapit pa ang mukha sa aking mga leeg.

"Damn you! Magbabayad ka kapag nalaman 'to nang mga kaibigan ko!" I managed to say after all he's done.

"Gago ka! Let go of my girlfriend!" isang familiar voice ang narinig ko na paparating sa akin. Nakita ko na lang na nakahandusay sa sahig ang manyak.

________________________

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon