Chapter 38

3.5K 56 8
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* Tagaytay : Day 1 * 

Ara

Hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan talaga niya ako. Sampung beses habang natutulog! Huwaa! Ano na lang ang mukhang ipapakita ko sa kanya?

"Ara! Andito na si Thomaaas!" sigaw ni Ate Abi mula sa baba. Waa! Panic mode!

"Ah sige! B-baba na a-ako!" sabi ko. Pwe! Ano ba 'yan!

Bumaba ako at nakita ko na ngiting ngiti siya.

*Gulp*

"Hi. Morning." sabi niya habang nakangiti pa rin sa akin. Ako naman eh parang ewan lang na nakatanga dun.

"Uhm? May problema ba?" tanong niya sa akin.

"A-ah? W-wala. G-goodmorning din." shiz. Why am I stuttering? Kainis naman eh! Pa-obvious. Nakng pucha, otor oh. Bakit mo ba ako pinapanerbiyos?

Aba, aba. Eh sa 'yung ang gusto ko eh.

Pero nakakainis ka naman kasi eh. Nahihirapan ako sa pinaggagawa mo!

Aba, wagas makapagreklamo ah? Eh kung huwag ko na kayang ituloy tong storya mo, Aber?

Ah, ah. Eto namang si Author oh, tampo agad. Sige na nga. Tsupi ka na!

*author evaporates permanently*

Okay, pa-epal kasi yang otor eh so back to reality na tayo. Nandito kami ngayon sa hapagkainan dahil magbre-breakfast pa kami.

Omo, J.Co donuts! Bigla tuloy nabuhayan yung loob ko dahil nakakita ako nun. Nagcra-crave ako! Yum- yum.

"Ahem, huwag kang ma-PG masyado. Ma-turn off sayo si Thomas eh." bulong ni Mika sa akin kasi kulang na lang eh itakbo ko na 'yung donuts sa kuwarto at kaining mag-isa eh.

"So what? Dapat lang na tanggapin niya ang mga flaws ko noh. Love is accepting one's flaws and imperfections." eh? Ano konek? Ang cheesy ko masyado eh.

"Naks, noseblood me ah." sabi naman niya.

*batok*

"Aray! Bakit ka ba nambabatok?" sabi niya sabay himas sa part na nabatukan.

____

"So Mika, tanungin nga kita. Kayo na ba ni Jeron?" tanong ko sa kanya. Bigla ko kasing naalala 'yung pag-angkla niya sa braso ni Jeron nung isang araw eh. Halos masamid naman siya sa tanong ko.

"A-ack! Araaay!" sabi niya habang pinapaypayan 'yung dila niya. Inabutan naman siya ng tubig ni Thomas na naghuhugas ng pinggan.

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan?! Hindi noh!" sabi niya. Suus!

"Nakuu! Maniwala! E bakit ka umangkla sa braso niya nung isang araw?" tanong ko sa kanya.

"Suus. Wala akong maalala noh. Never ko siyang gusto!" pagpapalusot niya. Nakuu! Magpapalusot na nga hindi pa effective. Yung halatang nagsisungaling?

"Hoy! Kayong dalawa! Puro kayo love!" Singit ni Kimmy.

"Che! Tumigil ka nga! Ikaw nga yung nililigawan ni K--"

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon