Chapter 8

5.2K 53 5
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

Ara's Point of View

"Ayiee! Kilig much. Trending sila!"

"Oo nga. Yie."

"Thomara forever!" sabi nila. Ang sarap batukan ng sandamukal! Grabe. Nahi- highblood pa rin ako sa kung sino man ang puno't dulo ng lahat! Hay.

Konsensiya. "Edi ba ikaw nga yung humawak sa kamay ni Thomas tapos nakita nang mga tao saka nila pinicturan. Kaya ang bottomline, ikaw ang puno't dulo. Harhar." leche ka talagang konsensiya ka. Ang galing mong mambasag ng trip! Pero somehow, totoo.

In the first place, bakit ko ba kasi hinawakan yung kamay niya? Huhu. Hindi ko pa rin talaga matanggap na ako yung humawak at hindi siya. Ano bang pinag-iisip ko nung ginawa ko 'yun?

I looked at my phone at nakita kong umakyat pa yung trend. Kung tutuusin, yun na nga yung number one eh. Leche talaga!

Philippine Trends:  

#Thomara

@jeronteng: Haha. @IamThomasTorres and @VSGalang. Wooh! #Thomara.

@carmelalo08 : Anyare baks @VSGalang? Bakit trending kayo ni Thomas? Hahahaha. Ipush natin ha? 33 babies! #Thomara

@IamThomasTorres: Hahahaha. Ang cute talaga ni Ara. Wait, ano ba yung Thomara?

"Ahhh! Noooo!" tumili ako ng pagkalakas-lakas dahil sa nakikita kong mga tweets ng kapwa student athlete ko! Grabe! Nakakahiya talaga!

"Aray ko po! Bakit ka ba tumitili jan? Grabe! Gabing gabi na Tomsy! Ano ba kasi yan?" sabay hablot nung phone na hawak hawak ko.

"Uy! Amin na 'yan!"

"Ahhhh. Kaya pala!" sabi niya na may kasamang ngiting nakakaloko.

Bigla namang bumukas yung pintuan ng kuwarto namin at nagsi- datingan silang lahat.

"Hala! May nare-rape ba?!" tanong ni Kimmy habang papalit sa amin.

"Gaga ka Kim! Wala noh!" sabi ko naman sa kanya. Aba aba? Porke tumili lang eh nare-rape na? Eksaheradang Kimmy ah.

"Eh ba't ka sumisigaw jan?" tanong naman ni Ate Abi. Isa rin si MotherF eh. Talagang nare-rape ang nasa isip nila? Tsk.

"Oo nga, bakit ba?" sabay na tanong ni Carol at Cienne.

"Eh kasi nga yung tweet ni --" tinakpan ko yung bibig ni Mika.

"Ah oo, nagtweet kasi si Idol Dindin sa akin." palusot ko sa kanya. Please work, please work.

"Ah, kaya pala." sabi naman ni Ate Mich.

"Sige. Puwede na kayong matulog since okay naman ako diba? Hahaha." sabi ko sa kanila. The eff. For sure magigisa ako nito, bakit ba kasi sumigaw ako? Super shunga ko talaga kahit kelan!

"Hindi na. Dito na lang kami. Makikipag-kuwentuhan na lang kami sa inyo." sabi ni Kimmy.

"Tama!" sabi nila na sabay sabay. Ano to? Ensemble? Choir? Kelangan talagang sabay?!

"Eh, hindi ba kayo inaantok?" tanong ko naman sila. Leshe! Umalis na kasi kayo! Alam ko namang tatanungin niyo lang ako eh.

"Hindi na. Sumigaw ka eh, I mean tumili pala" sabi naman ni Kimmy.

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon