Chapter 18

4.2K 31 2
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* ... *

[ THOMAS's POV ]

Lumabas na kami after that very, really awkward moment. Urgh. Ang sakit nung tulak niya sa akin. Kasalanan naman niya eh! Why does she have to be tempting? Urgh. Those lips are like telling me to kiss it. I was so engrossed with my thought at hindi ko namalayan na may tinatanong sa akin si Ara.

"Thomas, gusto ko ng strawberries. Pretty please?" sabi niya with matching puppy eyes.

"May magagawa pa ba ako?" sagot ko naman sa kanya. Hayy.

"Yehey!" sigaw naman niya habang tumatalon talon na parang bata.

Bumili na ako ng strawberries dito sa may Baguio Market at binigay sa kanya. Mamalengke kasi ako eh kasi ubos naman na siguro 'yung stocks ng vegetable sa may resthouse kasi walang nakatira dun bukod sa kay manong Jun. Nag- ikot ikot lang ako sa buong Baguio Market at kung ano ano ang nakita namin. Mga walis tambo, strawberries, strawberry jam at marami pang iba.

Nag-drive na ulit ako papunta sa resthouse namin. Habang si Ara naman natulog ulit. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami sa resthouse. Ginising ko na si Ara.

Take note, ginising. =___= Ayoko ng maulet yung kanina. Ang sakit nung pagkaka-untog nung ulo ko sa pader ng sasakyan.

"Halika na." aya ko sa kanya at hinawakan ko 'yung kamay niya na siyang ikinagulat niya. Ewan ko rin eh. Basta ba sinabi na lang ng puso ko na hawakan ko 'to. Hindi na lang siya umimik at nag-pahila na lang sa akin.

"Wow! Grabee! Ang ganda naman ng resthouse niyo!" amuse- na amuse na sabi ni Ara habang pinagmamasdan ang buong bahay.

"Magaling kasi 'yung gumawa nung bahay eh." sagot ko naman dito.

"Sino?"

"Engineer malamang. Haha." tawa lang ako ng tawa habang siya naka-simangot lang. Tama naman diba? Lols.

"Che! Matutulog na nga lang ako." pagtatampo niya. Pumunta siya sa may sofa at akmang matutulog.

"Dun ka sa may guest room matulog." sabi ko sa kanya.

"Ayoko." matigas na sabi niya.

"Dun ka na kasi. Sa-sakit ang katawan mo pag diyan ka natulog."

"Ayoko nga kasi eh. Ang kulet."

[ ARA's POV ]

"Ayoko nga kasi eh. Ang kulet." pagmamatigas ko. Nakatalikod ako sa kanya habang nakapikit ang mata. Hayy. Grabe. Nakaka-antok. Makatulog na nga.

"Ayaw mo talaga ah?"

"Oo nga. Mawawala 'yung antok ko pag naglakad ako noh." sabi ko sa kanya.

"Yun lang pala eh."

Medyo tumahimik 'yung paligid. hayy! Buti naman! Makakatulog na rin sa wakas. Naririnig ko naman 'yung hakbang niya pero hindi ko alam ko saan ito pumupunta. Pano ko naman malalaman? Naka-pikit ako eh.

Nagulat na lang ako ng napa- dilat ng di oras! Aba! Nakakagulat naman 'to!

"Ibaba mo ako! Ano ba?! Waaa!" pag-rereklamo ko. Eh sa ayoko ng ganito eh! Bakit ba kasi ganito? Puwede namang maglakad eh! Waa!

"As in ngayon na?" sabi niya.

"Waa! Hindi pala!" pagbawi ko naman. Wala na akong nagawa kundi magpabuhat na lang. As if naman may choice ako? Halos mawala na 'yung antok ko. Hayy.

Binaba na niya ako sa kama ng bedroom. Agad agad naman akong napatingin sa isang side dahil namumula na ako. Kung ano ano kasing ginagawa eh!

"Sige, matulog ka na, babe."

"Ah sala-- ANONG BABE KA JAN?!" gulat na sigaw ko sa kanya. Maygash. Halos pasukan ng langaw 'yung bibig dahil sa sinabi niyang iyon.

Tumawa na lang siya at lumabas na ng kuwarto. Hayy. Akala ko hindi ako nawala na 'yung antok ko pero dahil sa sobrang lambot ng kamang ito ay nakatulog ako na nakaharap sa right para maitago 'yung pamumula ko. Lecheng Thomas! . zZzzZzzz

--

Nagising naman ako sa hindi malamang dahilan. Tinignan ko 'yung orasan na, 2:30 pm na pala? Ina-antok pa rin ako kaya pinikit ko na lang ulit yung mata ko at humarap sa left side at yinakap 'yung unan ko. Ganito talaga ako matulog.

Pero teka. hindi ba masyadong suspicious naman na sobrang haba ng unan ko? At teka bakit parang ang tigas naman ng unan na 'to?

"WAAA!" sobrang nagulat ako at nahulog naman siya sa kama.

"Ouch!" sabi niya habang mina-massage 'yung likuran niya dahil sa pagkakahulog niya.

"Sorry! Sorry!" sabi ko naman sa kanya. "Ikaw naman kasi eh!" dagdag ko pa. Eh sino ba namang hindi magugulat kung akala mo unan 'yung kayakap mo tapos tao pala 'yun?

Napakamot naman siya ng batok niya. Eh anubeey! Ang cute. "Eh sarado kasi 'yung isang kuwarto eh."

"Halika na nga, kain na tayo." pag-aya niya sa akin sabay higit nang kamay ko. Ako naman nagpahila na lang.

"Dahan dahan naman!" pagrereklamo ko sa kanya eh halos maputol na 'yung kamay ko sa ginagawa niya tsaka hello? Hagdan po ito.

Nakarating na kami sa baba at hindi ko alam pero NGANGA kami. Akala ko kasi naka- luto na siya pero hindi pa pala. Kaya ayun magluluto pa lang siya.

Bored na bored lang ako dito. Asan ba kasi si Mika at Jeron? Bakit ang tagal tagal nila?! Ma-tawagan nga.

Ara: Huy, where art thou? Ang tagal niyo ah. Napaka- boring po dito.

Di uso ang hello o hi sa amin eh. Haha. Ganyang kami ka-abnormal. Lols.

Mika: Eh andiyan na kami.

Ara: K fine. Bye

Mika: Bye.

Tinignan ko ang buong bahay wow talaga! Ang ganda! Pero may isang bagay akong nakita na pumukaw sa aking atensiyon. Isang picture frame na nakatayo sa may fireplace.

Lumapit ako dito at tinignan ng mabuti. Alam niyo ba 'yung laman nun? Well si Thomas at isang unknown girl na nakangiti na abot langit. Tinignan ko lamang ito hanggang sa nag-sawa. Kung makangiti 'yung babae as if ang ganda ganda. Hmp!

"What's with that face, Ara?"

"Ay kalabaw na may wings!" sigaw ko sa kanya. Pasulpot sulpot eh. Nakakagulat kaya 'yung ginawa niya. Pagtalikod ko eh nandun na siya sa likuran ko.

Nag-pout naman ito at sumimangot. "Sa guwapo kong 'to?" sabi niya sabay walk - out.

"Hoy! Joke lang 'yun!" sabi ko sa kanya habang hinahabol parin ito. Ugh. Why am I even doing this? Hindi ko naman siya boyfriend eh. Bleh. Hindi ko na lang siya hinabol at bumalik na lang dun sa may picture.

Nacu-curious talaga ako kung sino 'yun. Maygash.

"Selos ka naman agad?"

________________________________________

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon