Chapter 22

3.9K 39 2
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* Scream and Shout. *

Ara

>//< Nakakahiya 'yung inasal ko kanina. Waa! Assumera talaga ako! Akala ko kasi eh may uhmm -- nevermind. Kasalanan naman niya eh. May pahubad- hubad pa siyang nalalaman. Eh sino ba naman kasi ang magugulat kapag nakita mo 'yung nakatulog mo kagabi, take note LALAKI pa po 'yun na nakahubad umagang umaga? Syempre mag-aasume ka na uhm -- basta! San ba kasi kayo nakakakita ng taong naghuhubad sa umaga? At sa malamig pang lugar gaya ng Baguio. >//<

"Uy. Ang lalim ng iniisip natin ah? Spill. " sabi ni Mika sa akin habang umiinom ng kape.

"Ah, wala 'to." pagde-deny ko naman sa kanya.

"Ano nga kasi? Siguro tungkol 'yan sa ginawa niyo ni Thomas kagabi noh? Ayiee! Akala mo hindi ko alam 'yun ah." sabi niya habang nakangiti ng malapad.

"Whatever." sabi ko sa kanya. Inirapan ko lang siya at uminom na lang ng kape.

Buti na lang wala sila Jeron at Thomas dito kundi sus, patay na ako sa kahihiyan! Pumunta muna sila sa kung saan mang restaurant para bumili ng pagkain.

T_T Ang tagal nila. Gutom na ako.

"Eh ikaw Mika, update naman sa lovelife?" tanong ko sa kanya habang wala pa sila Jeron.

Nagulat siya sa tanong ko at nakita ko siyang namula.

"Huh?! O em gee! Don't tell me--" sabi ko sa kanya habang nag-aact na shock na shock at cover ng mouth effect "May nangyare na?!"

"ARAY!" nakakainis 'to! Ang sakit nung sapok niya parang nahulog 'yung utak ko! Ouch!

"OA mo naman mag-react. Defensive much?" pang-aasar ko sa kanya at tumayo na para ready sa takbuhan na magaganap.

Sinamaan niya lang ako ng tingin which is a sign.

"Waa! TAKBOOO!"

Tumakbo ako papunta sa may pintuan para makalabas kaso nung nandun na ako biglang bumukas at iniluwa ang isang gwapong chinito at

*Boogsh*

Nabangga ko siya sa pintuan! Whew! Buti na lang si Jeron 'yung may hawak nung mga pagkain kundi patay na silang lahat sa akin. Pero of course joke lang 'yun. Baka makulong pa ako noh. Massacre? O kaya naman homicide? O murder? Basta.

"Ah? Ara can you get off now?" nagulat ako nung may biglang nagsalita! Shucks! Nakalimutan kong nabangga at nasa ibabaw niya ako.

"Haha! Ang bigat mo kasi kaya ayan!" sabi ni Mika diyan sa tabi tabi habang tumatawa. Sinamaan ko lang siya ng tingin at umalis na sa ibabaw ni Thomas.

"Tama na ang landian. Kain na tayo." sabi ni Mika at pumasok na sa loob. Ako naman sumunod lang sa kanya. Leche landian talaga 'yung terminology niya? Amp.

Nasa may lamesa na kami at katatapos lang magdasal. *__* Ang sarap naman nito! Huwaw! Naglalaway na ako eh. Kumuha ako ng lahat ng andun sa hapag at siniumulang lafangin.

"o-oy, Dahan dahan naman." sabi ni Thomas.

"Sige matu-turn off si Thomas sa'yo." bulong ni Mika sa akin kasi magkatabi lang kami ni sa isang side at sa kabila naman si Jeron at Thomas.

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon