1. I knew nothing at all....

10 0 0
                                    

"I thought i knew the world. I thought i knew myself. I thought i knew my dearest friend. But i knew nothing at all..."

--
Ellie's Pov


Madilim. Andito nanaman ako sa madilim. Pinapanuod ang dalawang babae na nagaaway.

"Akin lang sya. Akin lang!" Sigaw nung babaeng may mahabang buhok at kinaladkad ang kawawang babae na umiiyak lamang.

"Please....tama na...nasasaktan ako...nasasaktan..kami." Patuloy sa pagiyak ang kawawang babae pero hindi man lang nya pinansin. Bagkus ay mas lalo nya pang pinang-gigilan ang kawawang babae.

"Kami?! Walang kayo! Haliparot ka! Papatayin ko sya..papatayin ko kayo!!" Kasabay non ang pagsaksak nya sa kawawang babae.

Napako ako sa kinatatayuan ko.

Dugo..

Dumadaloy ang dugo sa tyan ng babae kung san isinaksak sya ng babaeng walang puso. Napakasama nya para pumatay.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng harapin niya ako. Isang ngisi ang ibinigay nya sakin. Ngisi na nakapagpataas ng balahibo ko.

Hindi ko maaninag ang itsura nila dahil sa kadiliman sa lugar. Wala akong ideya kung sino sila.


"Ellie, anak! Bangon na."

Nagising ako mula sa pagkakatulog.

Napanaginipan kona naman.

Ilang beses kona yung napapanaginipan magmula ng magising ako sa pagkakacoma ng isang taon. At oo, isang malaking himala dahil nabuhay pa'ko.

Pero kapalit non ay ang pagkawala ng memorya ko. Wala akong matandaan kahit ano. Hindi ko kilala ang mga magulang ko, pero kilala nila ako. Hindi ko kilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung sino ang mga nakakasalamuha ko sa araw-araw.

"Ma'am, kaylangan nyo na pong bumangon para makapasok napo kayo sa bago nyong iskwelahan." Dinig ko ang sinabi ni Nanay Melda kahit nasa labas sya ng kwarto ko.

Bagong skwelehan. Malayo sa nakaraan ko na ayaw ipaalala ng mga magulang ko. Kahit ako'y ayoko na ring maalala. Hindi ko alam kung bakit.

-

Pagkapasok ko palang sa skwelahang ito ay ako na agad ang pinagtitinginan nila. Hindi ko alam kung nasisiyahan ba sila sakin o naiinis. Pero hahayaan ko nalang sila.

Pumasok ako sa room5 dahil yon ang nakalagay sa papel na hawak ko.

Tinginan at bulungan ang isinalubong saakin ng mga studyante na magiging kaklase kona magmula ngayon.

"Okay class. I'd like you to meet Ellieza. Your new classmate."

Nagbulungan lang ang mga studyante at ako nama'y dumiretso na sa bakanteng upuan.

"Bakit sya nakapagtransfer, eh halos patapos na tayo..ang unfair. Siguro mas mayaman sila satin.." Dinig kong sambit ng isang babae na nakaupo sa di kalayuan sakin.

Wala ng imposible ngayon kapag pera ang ginagamit mo.

"Hi, Ellie! I'm Ashley." Masayang bati sakin ng babaeng nasa tabi ko.

"Hello. I'm Ellie." Nginitian ko sya ng abot tainga.


At kapag mayaman ka, marami kang magiging kaibigan.

-

A/N:

Si Ellie po yung nasa media. Voice out and comment below, my dear readers :)

'D' is for DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon