6. Bangungot ng Nakaraan

10 0 0
                                    

"I got ice in my veins.."

--

Someone's Pov

"Tanga! Guluhin mo ang utak nya!" Sigaw nya sakin. Nakayuko lang ako at pinapakinggan ang sermon nya.

Umupo sya sa pulang upuan nya at kinuha si Venon. Ang itim na pusa nya.

"Kaylangan nyang magbayad. Maniningil ako..at kaylangan kita." Tumango ako sa sinabi nya at naglakad na palabas ng kanyang kwarto.

"Tandaan mo. Namatay ang kapatid mo dahil sakanya..dahil sakanila." Natigilan ako at napangisi.

Uumpisahan kona ang larong 'to. Ang laro kung san, walang panalo at talo. Lahat ay mamamatay sa larong 'to. At yun ang sisiguraduhin ko.

-

Liza's Pov

"Sino sapalagay nyo ang suspek?" Tanong samin ni Chief Jolo, ang nagiimbestiga sa pagkamatay ni Shien.

Wala sa sarili akong napailing. Totoo naman ah. Wala akong ideya kung sino ang gagawa nun. Dahil sa pagkakaalam ko, maganda ang pakikitungo ni Shien sa mga tao, kaya wala silang rason para gawin ito sakanya. Napakabait nya para patayin nila nang ganon kabrutal.

"Bago nangyari ang krimen. May nakaaway ba sya?" Umiling ulit ako.

Hindi palaaway si Shien dahil ang hilig nya lang ay ang pagbabasa ng libro. Isa lang ang palaaway sa grupo namin, at yun ay si Deither.

"Nakita namin sa katawan ng bangkay ang isang letrang 'Y' sa likod nya. Gamit siguro ang isang matalim na kutsilyo, ay inukit nila ang letrang 'Y'. May kilala ba kayong malapit sakanya o kaaway man lang, na nagsisimula sa 'Y' ang pangalan?" Nanigas ako sa kinauupuan ko.

Wala. Oo, wala. Wala kaming kilala na ganon. Oo tama, wala nga.

"Wala." Napabuntong-hininga sya sa sagot ko.

"Osge. Salamat sa kaunting detalye. You may go." Tumayo na'ko at lumabas sa silid na yon.

Ano bang nangyayari? Nalilito ako sa kaganapan.

"Liza.." Nagulat ako ng may humawak sa braso ko.

"Ano ka ba, Gail! Nanggugulat ka." Hinawakan kopa ang dibdib ko para madama ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Patay na sya, db?" Wala kang makikitang emosyon sa mukha nya. Anong pinagsasabi nya? Tungkol ba ito sakanya?

"Kung ano ang nakita ng dalawa mong mata, yun ang paniwalaan mo.." Sagot ko.

"Pero hindi natin sya nakitang nakaburol o ilibing man lang.." Ramdam ko sa mukha nya ang pagkalito at takot.

"Dahil dinala sya sa ibang bansa at dun isinagawa ang burol nya. Bakit ba? Akala moba babalikan nya pa tayo?" Naiirita na'ko sakanya. Kahit anong pilit kong itanggi sa sarili ko, natatakot parin ako. Nakakatakot na baka totoo ang sinasabi ni Gail.

"Nevermind. Mauuna na'ko." Isang ngiti ang sumilay sa labi nya.

Dyan kami magaling. Ang magtago sa likod ng mga inosenti naming ngiti.

"Magingat ka.." Isang ngiti din ang ipinakita ko sakanya.


Ngiti na puno ng hinanakit at kasalanan.

-

'D' is for DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon