"Blood on my eyes..."
-
Ellie's Pov
Patuloy pa ring bumabagabag sa isipan ko kung sino ba ang may sala sa likod ng nangyari kay Shien. At alam kong may malaking galit ito sakanya, kaya nya yon nagawa. Ngunit ano? Ano ang nagawa ni Shien?
Habang nagiisip ako ay biglang pumasok ang President namin na si Chloe. Pinapatahimik nya ang mga kaklasi ko na sobra ang ingay.
"Class, please! Hwag na kayong maingay!" Gigil na sigaw nya, dahilan para mabaling lahat sakanya ang atensyon namin.
"Who the fuck are you?!" Sigaw ni Kleng, ang babaeng may sakit sa utak. Nakakainis man sya kung minsan, iniintindi nalang namin dahil sa karamdaman nya.
Heto nanaman kami. Lagi nyang nakakalimutan kung sino ang President namin.
"I'm Chloe. And i'm your Class President.." Ani Chloe, pagkatapos nyang magbuntong-hininga. Wala syang magagawa kundi ang paulit-ulit na magpakilala kay Kleng. Iniintindi nalang nya ang sakit ni Kleng sa utak. Hindi na bago ang ganitong scenario sakanya.
"Ohhh. I thought you're an janitress.." Inosenteng sagot ni Kleng, dahilan para matawa ang buong klase.
Nanatili lang akong tahimik sa pwesto ko habang tinitignan silang pinagta-tawanan ang President namin. Bakas din sa mukha ni Chloe ang inis at lungkot.
Napansin kong wala ang Aesuz sa klase. Kaya pala nakakapagingay ngayon ang mga kaklase ko.
Bumaling ako sa babaeng katabi ko na natutulog. "Ashley, gising na.."
Bahagya nyang minulat ang mata nya at nangunot ang kanyang noo ng marinig ang tawanan at halakhakan ng mga kaklase ko.
"Anong nangyari?" Tanong nya, habang inaayos ang pagkakaupo.
"May ia-announce daw ang President natin.." Sagot ko sakanya saka ngumiti.
"Class, please listen.." Tumahimik naman ang lahat at natuon na ang atensyon kay Chloe, na nasa harapan parin namin.
"Malapit ng dumating ang bago nating adviser.." Aniya. Wala namang nagbago sa ekspresyon ng mga kaklase ko.
Ang dati palang adviser namin ay lumipat na sa ibang skwelahan, simula nong namatay si Shien, ay iniwan na nya kami. Natatakot daw sya na baka magparamdam sakanya si Shien, dahil super close sila noon. Duwag, db? Napakasimple ng rason nya.
"Lalaki ba?" Ani Bernadette, ang kikay sa klase namin.
"Bernadette, hindi." Napapikit ng mariin si Chloe, dahil siguro sa inis. "Babae sya. Ayon sa Principal."
Pagkatapos na magsalita ni Chloe ay bumalik na sya sa upuan nya sa first row at muli ring bumalik ang ingay. Yumuko na lang ako at pumikit upang matulog.
Pagkatapos ng ilang minuto, ay natahimik narin sa wakas. Minulat ko ang dalawa kong mata, at nakita ang pagdating ng Aesuz.
Kaya naman pala nanahimik sila.
"Hi, Ellie!" Masiglang bati sakin ni Liza, at tumabi pa sya sakin. Umupo sya sa kabila kong banda. Si Ashley, ako, tas si Liza.
"Hello, Liza." Ngiti ko din sakanya.
"So, may bago pala tayong adviser.." Aniya. Hindi sya nakatingin sakin.
"A-ahh eh, oo. Malapit na daw ang dating nya.." Bumaling sya sakin at tinignan ako sa mata.
"Iiwan din kaya nya tayo, kapag may isa pang namatay sa'tin?" Nantaas ang balahibo ko sa sinabi nya. Ang seryoso nyang mukha kanina ay napalitan ng halakhak ngayon.
Halos nakatingin na ang lahat sakanya, dahil sa biglaan nyang pagtawa. "Sana naman wala ng mamatay sa'tin, no?" Nakatingin parin sya sakin.
"Sana nga." Sagot ko. Sana nga wala na.
"Gusto mo bang mamatay?" Napaigtad ako ng may naramdanan akong mainit na hininga sa tenga ko. Pagbaling ko sa likod ko, nakita ko si Eula na nakangisi.
Parang may kakaiba sakanila. May kakaiba sa inaakto nila.
"Gusto mo bang patayin kita, ha? Ellie?" Nakangising-aso parin si Eula ng banggitin nya yon.
Nanginginig na ang tuhod ko sa sobrang takot.
"HAHAHAHAHAHAHA!"
Gumaan ang pakiramdam ko ng tumawa sila ng sabay.
Biro lang 'to, Ellie. Oo, binibiro ka lang nila.
Tumayo sila at inakbayan ang isa't-isa, kasabay ng paglaho nila sa loob ng room. Kakaiba sila ngayon.
"Pagpasensyahan mona ang dalawa. Sinasaltik sa ulo.." Natingin ako sa lalaking nagsalita, nakatayo sya sa harapan ko habang hawak nya sa likod ang kanyang itim na jacket.
Bago pa'ko makapagsalita ay iniwan na nya'ko. Lumabas sya kasama sina Decs at Gail.
"Anong ibig mong sabihin, Deither?" Bulong ko sa sarili ko.
Nilingon ko ang pintuan at nakita si Eula na nakangisi sakin. Nagtaasan nanaman ang balahibo ko.
Ano bang nangyayari?
"Mauuna na'ko, Ellie." Natingin ako kay Ashley, na ngayo'y inaayos ang mga gamit nya.
"Yung sinabi ko sayo, hwag mong kakalimutan.." Pagpapaalala nya.
Oo, ash. Hindi ko kakalimutan ang paalala mo sakin. Kaibigan na kita magmula ngayon.
-
BINABASA MO ANG
'D' is for Death
Gizem / GerilimDecs Figuera, Jolly Haime Zedad, Jasper Calidad, Xyrel David, Olivia Trinidad, Eula Sales, Brittney Bonzon. (AESUZ) Elfiana Del Monterro and Fritzie Orsua. Jolo Pascua. Yvonne and Yza. Since hs magkakasama na ang mga Aesuz. One day, problemado si Ha...