"The story of her.."
-
Nika's Pov
"Sigurado ka ba dyan?."
Napahinto ako sa paglalakad nang madaan ako sa Library. Parang kung may anong tumulak sakin na makinig sa mga naguusap sa loob.
"Kaylangan nating maghanap ng mga kasama, Eula. Pabawas na tayo.." Alam kong si Liza ang nagsalita.
"Pero si Shien palang ang nawala. Anong pabawas ang pinagsasasabi mo?" Naguguluhang tanong ni Deither.
"Basta kaylangan nating maghanap nang mga bagong miyembro sa Aesuz." Natigilan ako ng marinig ko ang sinabing yon ni Liza.
Maghahanap ng bagong miyembro ang Aesuz? Gusto kong sumali. Pero paano?
Alam kona. Kaylangan ko sya ngayon. Hihintayin ko sya sa labas para makausap sya.
At gaya nga ng plano ko, hinintay ko sya sa Gate ng Ikeega. Di naman ako matagal naghintay dahil agad ko din syang nakita.
"Decs.." Lumingon sya sakin, at napakunot-noo nang mapag-alamang ako ang tumawag sakanya.
"Bakit?" Narinig ko ang pagkairita sa boses nya. Bakit sya ganito? Hindi naman sya ganito dati ah.
Simula nang mangyari ang aksidenteng nagpabago sa buhay namin, tuluyan narin syang nagbago sa pakikitungo saakin.
Pero, bakit? Tinulungan ko naman sya noong kaylangan nya'ko ah. Bakit sya ganito ngayon?
"G-gusto kong sumali sa Aesuz." Bahagya syang natigilan nang marinig ako.
Ngumisi sya at nagsalita. "Bigyan mo'ko ng sapat na rason para isali kita sa Aesuz." Aniya sabay sandal nya sa pader.
Napayuko ako. "Kasi sawa na'ko sa pangaapi nila." May isang butil nang luha ang tumulo sa kanan kong mata.
Sawa na nga ako. Lagi nila akong binubully kahit wala naman akong ginagawang masama sakanila. At ito lang ang pumasok sa isip ko, para makaligtas sa panghahamak nila sakin.
Tumingin ako kay Decs at ramdam ko ang pagkabahala sakanya nang makita akong lumuha. Umiwas sya ng tingin ng biglang magtama ang paningin namin. "Okay. But make sure na buong puso mong tatanggapin ang kapalit."
Kapalit? May kapalit pa ba? Bago pa'ko makapagtanong ay iniwan na nya'kong nakatunganga.
Pero bakit napakalamig ng turi nya sakin? Dati-rati ay sabaysabay pa kaming pumapasok o lumabas ng skwelahan. Pero ngayon parang hindi na namin kilala ang isa't-isa.
Sabagay, highschool pa lang kami nung mga panahong iyon. Maaaring nagbago nanga sila.
Pero kahit ano pang kapalit ang tinutukoy ni Decs, ay buong puso kong tatanggapin. Para lang makawala sa hawlang itinayo ng mga sumasalbahe sakin.
-
AN:Yeah, tama po kayo ng narinig. Dati po silang magkakaibigan. Pero sino-sino sila? Read more for more information :)
![](https://img.wattpad.com/cover/56124812-288-k275778.jpg)
BINABASA MO ANG
'D' is for Death
Mystery / ThrillerDecs Figuera, Jolly Haime Zedad, Jasper Calidad, Xyrel David, Olivia Trinidad, Eula Sales, Brittney Bonzon. (AESUZ) Elfiana Del Monterro and Fritzie Orsua. Jolo Pascua. Yvonne and Yza. Since hs magkakasama na ang mga Aesuz. One day, problemado si Ha...