18. Litte Dirty Secrets

0 0 0
                                    


"Let them hate me, so long as they fear me.."

-

Ellie's Pov

Nasa canteen kami ngayon ni Ashley dahil break time muna namin.

Kumakain sya ng burger at ako nama'y fries lang. Nakatunganga lang ako nang biglang dumating ang Aesuz. Kung dati'y anim lang sila, ngayon ay ang dami na nila.

"Tatlo ang inosenti sakanila." Natingin ako kay Ashley na parang wala sya sa sarili nya.

"A-ano?" Umiling lang sya at ngumiti sakin. "Wala yon. Sapalagay ko tatlo lang ang inosenti sakanila."

Kahit naguguluhan ay hinayaan ko nalang.

"Hi, El!" Nabigla ako ng may biglang umupo sa tabi ko.

"D-decs?" Ngumiti lang sya sakin. Simula nung ihatid nya'ko sa bahay, hindi na ulit kami nagkasama.

"Iniimbitahan ka ni Lola para sa dinner mamaya." Nakangiti parin sya sakin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Iginala ko ang paningin ko at nakita ko siya. Nakatingin sya samin gamit ang malungkot na mata.

"M-may gagawin ako mamaya, Decs. Sorry." Ramdam ko ang kalungkutan sa mga mata nya.

"Ganon ba? Sge nexttime na lang ha?" Wala sa sarili akong napatango.

Bakit may naramdaman akong sakit nang makita ang ngiti nyang napakalungkot? Posible kayang?

"Gusto mo sya." Natigilan ako sa sinabi ni Ashley.

"H-ha?" Ngumiti sya sakin at pinunasan ang tabi ng labi ko. Baka may naiwang sauce.

"Alam ko. Gusto mo si Decs, dba?"

Hindi maaari. Hindi pwede.

"H-hindi." Napayuko ako ng malamang niloloko ko lang ang sarili ko.

"Kung gusto mo sya, bakit mo sya inaayawan?"

"Dahil hindi kami pwede. Para kona ring itinulak sa bangin ang sarili ko kapag ipinilit kopa."

"May pumipigil ba sayo?"

Natigilan ako. Siguro naman hindi masama kung sasabihin ko sakanya ang nalalaman ko, dba? Kaibigan kona man sya eh.

"May alam akong sikreto." Nanahimik sya at hinihitay nya ang sunod na sasabihin ko.


"May anak sila ni Chloe.."

Natulala sya. Kagaya ng ekspresyon ko noong una kong malaman.

--
A/N:

Chapter 13 yung inalok ni Decs na ihatid si Ellie. At sina Decs at Chloe po ang nakita ni Ellie sa mall. (Chapter9)

Konti lang ang part na'to. Pasensya :)

Comment and vote below.

'D' is for DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon