17. New Adviser

0 0 0
                                    

"F.E.A.R- Forget Everything And Run."

-

Kleng's Pov

Bakit ganito? Hindi nila ako pinapansin. Porke ba may problema ako sa utak ay ikinakahiya na nila ako?

Naging miyembro na sila ng Aesuz. Ang grupong makasalanan. Alam namin ang sikreto nila. Pero bakit sumali pa sila sa grupong yon?

"Hi, Kleng!" Bumaling ako sa babaeng tumawag sakin.

"S-sino ka kase?" Ngumiti sya, at umupo sa tabi ko.

"Ako si Bernadette. Ang maganda mong kaklase." Ahh. Naalala kona sya. Sya yung babaeng mahilig sa mga lalaki.

"Anong kaylangan mo?" Hindi nya'ko sinagot, bagkus ay hinaplos nya lang ang buhok ko.

"Don't touch me!!" Natigilan sya at maski ako ay nagulat sa ginawa ko. Hindi ko sinasadya.

Magsasalita pa sana sya ng biglang may dumating. Isang babaeng may suot na pangguro.

"Okay class, please listen." Isang kalaban. Naaamoy ko.

"Who the fuck are you?!" Sigaw ko dun sa babaeng nagsalita.

Pumikit sya ng mariin na para bang nagtitimpi. Nanahimik lang ang kasama nyang babae na kung hindi ako nagkakamali ay isa syang guro ayon sa kanyang suot.

"I'm Chloe, and i'm your Class President." Nakakaamoy ako ng sikreto sakanya. Pati ba sya ay merong inililihim din?

"I thought you're an janitress." Hindi ko alam kung ano bang nakakatawa sa sinabi ko, dahil lahat ng kaklase ko ay tumatawa.

"Class, please welcome our new Adviser. Nahuli sya ng dating dahil sa mga records sa school." Nanahimik ang lahat.

"Hello, class. I'm Hannah Quizon and i am your new adviser." Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

Ngiting peke. Alam ko.

Inayos kona ang gamit ko at lumabas na sa room. Habang naglalakad ako palabas ng skwelahan, napansin kong may sumusunod sakin.

Bigla akong dinalaw ng kaba. Bakit ba kasi hindi ako nasundo ni Daddy? Nakakainis naman eh.

Binilisan ko ang paglalakad, baka sakaling hindi nya'ko masundan. Pero biglang may tumakip sa bibig ko at naamoy ang isang pabangong nakakahilo.


Minulat ko ng bahagya ang aking mga mata at pinagmasdan ang paligid.

Nasa isang kwarto ako na kulay pula ang mga pader. Gusto ko mang tumakas pero nakatali ang dalawang kamay ko at ang dalawang paa.

Nanigas ako ng makita ang isang picture frame. Isang inosenteng babae ang nasa larawan.

Posible kayang sya ang pumatay kay Sarah at Shien? Pero, isa syang mabait na babae. Hindi nya kayang pumatay. Alam ko yon dahil sa maikling panahon ay nakasama ko sya.

Natigilan ako sa pagiisip ng bumukas ang pinto. Isang babaeng nakamaskara ang pumasok.

Isang ngising nakakapangilabot ang lumitaw sa labi nya.

Sino sya?

"Hello, Kleng." Ang boses nya. Napakapamilyar.

"S-sino ka?" Unti-unti syang lumapit sakin at hinawakan nang mahigpit ang panga ko.

"Hindi mo'ko kilala? Ako si Kamatayan. At pagbilang ko ng lima, isasaksak ko ito sayo." Isang patalim ang inilabas nya mula sa kanyang likuran.

"Isa....dalawa..tatlo....apat at lima."
Ramdam ko ang pagbaon ng patalim sa aking tyan. Ang sakit. Sobrang sakit.

May inuukit sya na hindi ko alam. Nagsisigaw ako sa sakit dahil sa hiwa sa aking tyan.

"Masaya ba, Kleng? Masaya bang magtago ng sikreto?" Nanggigigil sya habang binabaon ang patalim sa hita ko.

"Masakit! Please tama na!!" Umiiyak na'ko sa sobrang sakit.

"Nang may nakita kang babae, na nagmamakaawa sayo. Tinulungan moba? HINDI DIBA?!!" Marahas nyang isinaksak sa tagiliran ko ang kutsilyo dahilan para mapahiyaw ako.

Sino kaba talaga?

Sinaksak nya'ko sa bandang dibdib. Napapikit ako dahil alam kong huli kona 'to.

Hanggang sa kamatayan, baon kopa rin ang sikreto nila.

"Kung hindi naging tikom ang bibig mo, edi sana may pagkakataon ka pang mabuhay."

At yan ang huli kong narinig bago nya'ko sinaksak sa mismong dibdib.

-
AN:

Sino ang sumaksak kay Kleng? At anong sikreto ang tinutukoy niya?

'D' is for DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon