2. Mysterious Group

4 0 0
                                    

"Make sure that the person you're willing to take a bullet for, isn't the one behind the gun.."

--
Ellie's Pov

Lumipas ang isang linggo na si Ashley lang ang nakakasama ko sa loob ng classroom. Kagaya ngayon, magkatabi lang kami at parehong nakatunganga sa kawalan.

"Bakit ka nga pala nagpatransfer? Isa ka bang bully sa dati nyong skwelahan?" Nabigla ako sa biglaang pagtanong ni Ashley.

Isa lang ang alam ko..at yun ay ang pagkacoma ko ng isang taon dahil sa isang aksidente. Hindi ko alam kung bully ba'ko sa dati kong skwelahan. Dahil mismong skwelahan ko noon ay hindi ko matandaan.

"Tatlong bwan pa lang ang nakalipas nang magising ako sa coma.." Mukhang nabigla sya sa sagot ko pero agad ding bumalik ang natural nyang ekspresyon.

"Bakit ka nacoma?" Mukhang interesado talaga sya.

Pinagkakatiwalaan ko naman sya kaya ayos lang siguro kung ioopen ko ang kaonting detalye sa buhay ko.

"Isang aksidente. Car accident. Yun ang sinabi sakin ng mama ko. I lost my memories, too."

Hindi ko tinignan kung ano ba ang ekspresyon nya ngayon. Ewan ko pero parang natatakot akong baka makita ko sa mga mata nya ang awa. Ayokong kinakawawaan ako. Ayoko.

"Ehemm. Okay." Pineke nya ang pagubo nya at alam kong alam nya na ayaw ko munang pagusapan ang nakaraan ko.

"Pano ba, mauna na'ko ha? Hinihintay na'ko ni Papa sa labas. Ingat ka, El!" Nginitian ko lang sya at kinawayan.

Nagsimula na'kong magligpit ng gamit at lumabas na ng classr.

Sa paglalakad ko ay napansin ko ang isang grupo na nagtatawanan. Bakas sakanilang mga labi ang lubos na kasiyahan.

Lalagpasan kona sana sila ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Ellieza!" Tumingin ako sakanila at nakita ang isang babae na nakangiti sakin.

"Halika. Samahan mo muna kami." Ang ngiti nya ay hindi matatanggihan nang kung sino.

Lumapit ako sakanila at napag-alamang kaklase ko pala sila.

Umupo ako sa tabi nung babaeng tumawag sakin.

"Ako nga pala si Liza.." Pagpapakilala nya sa sarili nya.

"At ito naman si Decs.." Tinuro nya ang katabi nyang lalaki na may hawak na gitara. Napakaliit ng kanyang mata at hindi mo maikakailang gwapo nga sya.

"Hi." Isang ngiti ang isinukli ko sakanya.

"At sya naman si Eula.." Tinuro nya din ang babaeng nakataas ang dalawang papa sa mesa na nasa harapan nila. Nginisian lang nya'ko.

"At sya si Deither.." Napatingin ako sa lalaking may mga pasa sa mukha. Pero hindi mo matatakpan ang kagwapuhang taglay nya.

"Tinitingin-tingin mo?" Napataas na lang isa kong kilay sa inakto nya.

"Wag mo syang pansinin. Okay, sya naman si Shien.." Bumaling ako sa lalaking nakasalamin at nakatutok lang ang paningin nya sa librong hinabasa nya.

"Hi, Ellieza." Bati nya ngunit hindi parin nya'ko tinitignan.

"And the last but not the least..Gail." Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa tabi ni Deither. Hapit na hapit sakanya ang suot nyang red dress at bagay din sakanya ang mapula nyang lipstick. Nagmumukha syang matapang.


"And welcome to our group.."

Nakaramdam ako ng kilabot sa sinabing yon ni Gail.



Welcome ba talaga ako sakanila?

-

Comment and vote. Si Ashley naman po ang nasa media :) Voice out, my dear readers! :)

'D' is for DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon