"My silence is not weakness, but the beginning of my revenge..."
--
Ellie's PovPapasok pa lang ako sa Ikeega's University, ang pangalan ng skwelahan ko. Rinig kona ang bulungan sa mga studyante na nadadaanan ko.
"Sino ang gagawa nun? Sayang..ang gwapo pa naman nya."
Rinig ko ang sinabi ng isang studyante. Gusto ko mang magtanong sakanila, pero wag na lang. Masyado pang maaga para sa chismis.
Natuon ang atensyon ko sa kumpulan ng mga studyante malapit sa garden. Nacurious ako kaya lumapit nadin ako at nakisali.
Masangsang na amoy ang sumalubong sakin. Nang makapunta ako sa harapan, bigla akong nanlumo. Napahawak ako sa bibig dahil sa scenariong bumungad sakin.
Isang lalaking nakaupo sa upuan sa garden. Nakadilat ang mga mata at nakabaluktot ang kanyang ulo, na konting galaw lang ay malalaglag ang kanyang putol na ulo.
"Sinong gumawa nito?!! Sino?!!" Nakita ko ang Aesuz sa kabilang banda ko. Umiiyak sila pwera na lang kay Deither na nanggagalaiti ngayon.
"Putangina!! Sinong may gawa nito!? Ikaw ba?!" Kinwelyuhan nya ang lalaking malapit sakanya. Akmang susuntukin na nya ito ng inawat lang sya ni Liza.
"Stop it, dits! Walang magagawa yang pagbibintang mo sa iba!" Sigaw ni Liza sakanya.
Mukhang natauhan naman si Deither kaya napaupo sya at nagsimula nang umiyak. Lumapit sya sa bangkay at hindi nya alintana ang masangsang na amoy ng biktima.
"Shien...sinong may gawa nyan sayo?" Nagulat ako at nanigas ang tuhod ko ng marinig ang pangalan ng biktima. S-si Shien? Hindi mo makikilala ang biktima dahil halos madurog na ang kanyang mukha. Natingin ako sa tabi ng bangkay at nakita ang isang libro at salamin.
Ang libro na laging hawak ni Shien at ang salamin na lagi nyang suot.
Sya nga. Sya nga ang biktima. Pero bakit? Kausap kopa lang sya kahapon. Anong nangyari? Sinong may gawa nito? Napakabrutal nya.
"A-ano to?!" Sigaw ni Eula, kaya natingin kami sakanya. May hawak syang papel na walang bahid ng dugo man lang.
"Akin na.." Kinuha yon ni Gail at bigla syang nanigas sa kinatatayuan. Dahil sa pagkagulat ay nabitawan nya ang sulat, dahilan para mabasa din namin.
"Lahat kayo mamamatay..no one will escape."
Nagsitaasan ang balahibo ko. K-kanino nanggaling 'to? At anong koneksyon namin sakanya?
"Umiwas ka.." Nabigla ako sa presensya ni Ashley sa tabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Tumingin ako sakanya gamit ang seryoso kong mukha.
"Wag kang magalala. Babantayan kita sakanya.."
Kanino? Sino? Gusto ko pang magtanong kay Ashley ng madaming tanong pero walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko.
"Alam moba kung bakit?" Umiling lang ako. Ngumiti sya at hinawakan ang pisngi ko. "Dahil kaibigan kita.."
Kaylangan ba kitang pagkatiwalaan, Ashley?
-
A/N:
Guys, mabilis po akong magudpate kaya please lang po, vote and comment below para naman alam ko kung ano ang gusto nyo :)
BINABASA MO ANG
'D' is for Death
Mystery / ThrillerDecs Figuera, Jolly Haime Zedad, Jasper Calidad, Xyrel David, Olivia Trinidad, Eula Sales, Brittney Bonzon. (AESUZ) Elfiana Del Monterro and Fritzie Orsua. Jolo Pascua. Yvonne and Yza. Since hs magkakasama na ang mga Aesuz. One day, problemado si Ha...