10. Another Past

0 0 0
                                    

"Pity is for the living, Envy is for the Dead."

--

Liza's Pov

Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko ang haliparot kong kapatid kasama ang gago kong ex-boyfriend.

Inalis ko ang high-heels ko tsaka binato sa malandi kong kapatid na ngayo'y nakikipag-french kiss sa ex ko.

Ang gandang view diba?

"Ouch! Ohh, nandyan kana pala sister." Binaling nya sakin ang tingin nya at ngumiti nang nakaka-loko.

Inirapan ko sya ng bongga. "Hi sis! I'd like you to meet my boyfriend, Lloyd. Lloyd, meet my sister, Liza." Nambubusit nanaman ang haliparot kong kapatid.

Kilala kona ang gago nyang boyfriend.

"Kilala ko yan, gaga." Sabay irap ko sakanya.

"Ngayon ko lang nalaman na ang sasarap pala ng mga ex mo no?" Pangaasar nya pa.

"Oo naman. Kaya nga pinupulot mo dba?" Sabay halakhak ko ng peke.

Iniwan kona sila dun at dumiretso na sa kwarto ko. Naligo na'ko at nagbihis. Galing ako sa club kanina kasama ang Aesuz.

Humiga na'ko sa kama at naglog-in sa facetime ko. Napapikit ako ng marinig ang ungol galing sa ibaba. Ungol ng kapatid kong aso.

"O-ohh. A-ahh, faster, baby please! Oh shit! Faster, baby! I'm coming..u-uhhh."

Hindi ko napansin na may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Ang sakit pala. Kahit anong gawin kong pagpapanggap, bibigay din pala ako.

Ang sakit makitang magkasama ang kapatid mo at ang lalaking minahal mo ng sobra. Niloko ako. At nagpaloko naman ako.

Dapat kasi ako nalang.

Dapat ako nalang. Kung hindi lang nakialam ang haliparot kong kapatid.

Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang picture frame namin ni Lloyd. Ang lalaking minahal ko ng sobra, na ngayo'y pinapaligaya ang kapatid ko.

Masaya kami sa larawang 'to. Puno ng pagmamahalan. Pero ngayon? Naglaho dahil sa kapatid ko.

Naalala kona naman.

Suot ko ang isang bridal gown, nakatingin lang ako sa salamin. Nakangiti ako ng sobrang tamis.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.

June 28, 2014. Save the date. Dahil ngayong araw na'to, ikakasal ako sa taong pinakamamahal ko.

Habang naglalakad ako papunta sa altar, ay ayaw magpaawat ng mga luha ko. Nakatingin lang ako sa isang lalaking nakatayo at inaabangan ako.

Mahal na mahal ko sya higit pa sa buhay ko.

"I love you, Liza." Bulong nya sakin nang makalapit na'ko sakanya.

"I love you too, Lloyd."

Kasalukuyang nagsasalita ang pari nang may biglang sumigaw. Dahilan para maagaw ang atensyon naming lahat.

Nakita ko si Kathrina sa pinto ng simbahan. Papalapit sya saaming kinatatayuan.

"K-kathrina?" Ani Lloyd.

Teka, anong nangyayari?

"Walang kasal ang mangyayari ngayon.." Nagulat ako sa sinabi ni Kathrina pati nadin ang mga magulang ko.

"Kath, ano bang ginagawa mo?!" Sigaw sakanya ni Mama.

Nanatili lang akong nakaupo at nakatingin sakanila habang nagkakagulo na.

"Bat di nyo tanungin si Lloyd." Ani Kathrina.

Napatingin ako kay Lloyd, at may pumatak ng ilang butil ng luha sa mga mata ko.

Please, wag mong sasabihing isa kadin sa mga nakuha ni Kathrina sakin.

Yumuko si Lloyd at tuluyan nang umagos ang mga luha ko.

Tama nga ang mga kaibigan ko. Tama nga sila ng hinala.

"Buntis ako. At si Lloyd ang ama.." Nanlambot ang tuhod ko. Hindi ako makapaniwala.

Napaluhod ako, at ramdam ko ang bulungan ng mga bisita.

"Sorry, Liza. Patawad..." Kagaya ko, umiiyak din si Lloyd. Hindi ko nakayanan kaya sinampal ko sya.

"Walanghiya ka! Mga baboy kayo!!" Binato ko kay Kathrina ang bulaklak na hawak ko. Sa sorang galit ko ay nilusob ko sya at pinagsasabunot.

"Mama! Dugo! Mama ko!" Natigilan ako sa sigaw ni Kathrina, at agad na humiwalay sakanya.

Tinignan ko ang kamay ko na puno ng dugo. Lahat nang tao ay lumapit kay Kathrina at inilabas sya sa simbahan.

Nanatili akong nakatunganga. Akong magisa lang.

-
Kahit na masakit ang loob ko, pinilit kopa ring pumunta sa hospital.

Papasok na'ko sa kwarto ni Kathrina, habang dinadasal ko na sana namatay na ang anak nya. Para mabawi ko si Lloyd.

Pumasok ako at sya lang magisa ang nasa loob. Nakatingin sya sa kawalan kaya napangiti ako.

"Ang bilis ng karma, ano?" Lumapit ako sakanya at inasar sya.

Ngunit nabigo ako nang ngumiti sya. "Mahigpit ang kapit ng baby ko. Manang-mana sakin." Nanggigil ako kaya sinampal ko sya ng malakas.

"LIZA!" Nagulat ako ng sumigaw si Mama. Bigla nya'kong tinulak papalayo kay Kathrina, at umiyak naman ang haliparot kong kapatid, na para bang nasaktan ko sya ng sobra.

"Muntikan mo ng patayin ang anak ni Kathrina! Umalis ka dito!" Sigaw sakin ni Mama.

Bakit? Bakit ako? Diba dapat sila ang umalis? Diba dapat ako ang kampihan nila? Ako ang lubos na nasaktan dito.

Hindi ako makapaniwala.

Lumabas ako ng may luha sa mga mata. Bago ako makalabas ay hinawakan ni Lloyd ang braso ko, pero tinabig ko yon.

"I love you, Liza."

At yun ang huli kong nadinig mula sakanya.

Akala ko magiging masaya ang araw na ito. Akala kolang pala yon.

June 28, 2014

Save the date. Ang araw na kinamumuhian ko.

-

AN:

Fiancee napo ni Lloyd si Kathrina. And buntis po talaga si Kathrina.

Si Liza naman po ang nasa media. Simple lang po sya :)

'D' is for DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon