"Hate in my heart.."
--
Deither's Pov
Kasabay ng pagbuga ko ng asok galing sa sigarilyo ko, ay ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.
"Humihithit kana naman ng sigarilyo. Hindi kana nagdala!" Sigaw sakin ni Papa.
Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang paghithit ng sigarilyo.
"Sguro gumagamit kana naman ng shabu, no?!! Sumagot ka!!" Heto nanaman sya. NapakaOA nya.
Tumayo ako at lalagpasan na sana sya pero hinawakan nya ang braso ko at mabilis na sinuntok ang mukha ko.
Nalasahan ko ang kaunting dugo sa labi ko. Ngumisi lang ako at hinarap sya.
"Napakahirap mong bawalan, bata ka! Dapat sayo nirerehab!" Lalo akong napangisi sa sinabi nya.
Bumalik nanaman ang ala-alang pilit ko ng kinakalimutan.
May kumatok sa pintuan ko kaya pinagbuksan ko ito. Bumungad sakin ang Kuya ko na pulang-pula ang kanyang mga mata. Nakangisi sya sakin at itinaas ang isa nyang kamay na para bang may ipinapakita sakin.
Isang pakete ng maliliit na maputing bato.
"Ano yan, Kuya?" Takang tanong ko sakanya. Pero hindi nya pinansin ang tanong ko.
"Deither, isara mo ang pinto. I-lock mo." Hindi parin maalis sakanya ang ngisi nyang nakakatakot.
Sinunod ko ang utos nya. Sinara ko ang pinto at kinandado ko.
Pinaupo nya'ko sa tabi nya at pinanuod syang nilatag ang puting maliliit na bato sa maliit na mesa ko. Sininghot nya yon at para bang nasasarapan sya sa ginagawa nya dahil patuloy syang humahalakhak.
Alam kona kung ano ito. Shabu itong tinitira nya. Nagshashabu nanaman ang Kuya ko.
"Deither..gayahin mo'ko." Umiling ako ng umiling dahil ayoko syang gayahin.
"Isa!!" Nanlilisik ang mga mata nya kaya mas lalo akong natakot at napaatras sakanya.
"Halika dito! Gayahin mo'ko!" Hinawak nya ng mahigpit ang buhok ko papalapit sa shabu na nakalatag sa mesa.
"Singhutin mo, gago!!" Umiiling ako at hindi kona napigilan ang pagiyak.
"K-kuya, tama na!!" Iyak ako ng iyak pero hindi nya'ko pinapansin.
"Dalawa!!" Nakita kong binunot nya ang isang patalim galing sa kanyang bulsa. Itinutok nya yon sa leeg ko.
"Pagbilang ko ng lima, itatarak ko'to sayo! HAHAHA!" Nagsitaasan ang balahibo ko.
Nakakatakot. Hindi ito ang Kuya ko. Hindi si Kuya Rex itong katabi ko. Naiimpluwensya lang sya ng masamang gamot.
"Papa! Papa!" Sigaw ako ng sigaw habang umiiyak.
"Wala ang Papa mo, gago! Nasa trabaho! Hindi tayo mahal ng Papa mo! Gago ang Papa mo! Gago sya!" Ramdam ko ang galit sa mga salitang binitawan nya.
Naiintindihan kita, Kuya. Dahil kay Papa kaya ka nagkakaganyan. Kasalanan ni Papa.
"Kuya, tama na. Hindi magugustuhan ni Ate Angel kung makikita ka nyang ganyan..tama na, kuya ko.." Sumisinghot na'ko at nahihirapan na'kong huminga.
Umupo si Kuya sa sahig at binitawan ang kanyang kutsilyo. Kinuha ko yon ng dahan-dahan at itinabi.
Nakita ko ang pag-agos ng mga luha nya. Ramdam ko ang sakit at pighati nya. Naiintindihan kita, Kuya.
Hindi ko sya masisisi kung bakit pilit nyang ginagamit ang bawal na gamit na'to. Gusto nyang makalimot. Gusto nyang lumigaya sa paraang alam nya. Gusto nyang makalimutan ang sakit na binigay sakanya ng Demonyo naming Ama.
"Mahal ko si Angel..mahal na mahal." Umiiyak sya habang nagsasalita.
Alam ko, Kuya. Alam ko.
Tumabi ako sakanya at niyakap sya.
"Gago ang Papa mo, Gago ang Papa natin. Pinapatay nya si Angel. Pinapatay nya ang taong mahal ko.." Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa Kuya ko. Alam ko na sobra syang nasasaktan.
Si Ate Angel ang kasintahan nya noon. Nagtagal sila ng anim na taon kahit na patago lamang sila. Ayaw kasi sakanya ni Papa dahil mahirap lang ang pamilya ni Ate Angel. Nang nalaman ni Papa na may relasyon pa sila ni Kuya, pinapatay nya si Angel. Pinapatay nya ang babaeng lubos na nagmamahal sa Kuya ko. Simula noon, natutunan ng gamitin ni Kuya ang bawal na gamot. Upang mangalimot.
"Ayoko na. Ayoko na. Magiingat ka Deither. Mahal na mahal ka ni Kuya Rex mo, ha?" Tumango-tango ako at nakikisabay nadin sa pagiyak ni Kuya.
Mahal na mahal di kita Kuya Rex.
Mabilis ang pangyayari. Napakabilis. Nakita kona lang si Kuya na nakahilata sa sahig at may kutsilyong nakabaon sa dibdib nya.
"Kuya!! Kuya!!" Pilit ko syang ginigising. Inaalog ko ang katawan nya baka sakaling magising sya.
Dugo. Dumaloy na ang dugo sa sahig. Napakadami.
"Kuya! Ang daya mo. Sabi mo walang iwanan..mahal na mahal kita, kuya." Ang sakit. Ang sakit palang makita ang Kuya mo na namatay sa tabi mo. Ang sakit, Kuya. Bakit mo'ko iniwan?
"KUYA!!!" Sumigaw ako nang napakalakas.
Sa pagsigaw kong yon, ay ang pagbukas ng pintuan.
"REX!" Nakita kong tumakbo papalapit si Papa kay Kuya.
Napatunganga ako sa sakit. Ang lalaking nasa harapan ko ang pumatay sa Kuya ko. Hayop sya. Tama nga si Kuya. Gago ang Papa namin.
"ANONG GINAWA MO KAY REX?!!" Sinisigawan ako ni Papa ng makarating kami sa Hospital.
"Wag ako ang tanungin mo." Wala na'kong mailabas na kahit anong emosyon. Wala na ang Kuya ko. Wala ng nagmamahal sakin.
"Gago ka! Nakita ng pulis na may shabu sa mesa mo! Ang bata-bata mopa para gumamit ng bawal na gamot!" Sinuntok nya'ko pero hindi ako dumaing. Mas masakit ang nararamdaman ko.
Dumating ang doctor at dali-daling tumakbo si Papa papunta sa Doctor.
Hayop ka, Papa. Hayop ka.
Pagkatapos nailibing ni Kuya, may dumating na mga pulis kasama si Papa.
"Menor de edad pa sya. Pero maaari natin syang iparehab.." Natingin ako sa isang Pulis na nagsalita.
Tumayo ako at akmang sisigawan na si Papa ng bigla nya'kong hatawin ng suntok.
"Tangina mong bata ka! Sinaksak mo ang Kuya mo! Painatay mo ang Kuya mo! Nakita namin ang fingerprints mo sa kutsilyo, hayop ka!!!" Nanatili akong nakatayo habang sya'y pinapatigil nang mga pulis sa pagwawala.
"Hindi ako ang pumatay sakanya, Papa. Ikaw ang pumatay sakanya.." Natigil sya sa pagwawala at tinignan ako ng masama.
"Idala nyo na yan.." Aniya. Lumitaw ang dalawang lalaki at binuhat ako pero pumalag ako.
Linalabanan ko sila pero sadyang malakas sila.
Dec 03, 2014.
Yan ang araw na nakalaya ako sa pagkakarehab matapos ang isang taon at kalahati.
Isa lang ang nasa isip ko mula noon at hanggang ngayon.
Ang pahirapan sya.
Ang Papa ko.
-
AN:
Si Deither po ang nasa media :) Bad boy type po sya.
BINABASA MO ANG
'D' is for Death
Mystery / ThrillerDecs Figuera, Jolly Haime Zedad, Jasper Calidad, Xyrel David, Olivia Trinidad, Eula Sales, Brittney Bonzon. (AESUZ) Elfiana Del Monterro and Fritzie Orsua. Jolo Pascua. Yvonne and Yza. Since hs magkakasama na ang mga Aesuz. One day, problemado si Ha...