12. Ako si Kamatayan

1 0 0
                                    


"They fear what they don't understand.."

-

Eula's Pov

"Ano hindi ka kukuha ngayon?" Pilit akong kinukulit ni Bogart.

"Pass muna ako, Bogs. Alam mo namang hindi pwedi sakin ang araw-arawin yan." Bumuntot parin sya sakin hanggang sa makarating na'ko sa tapat ng Ikeega University.

"Kapag sinundan mo'ko hanggang dito, sasabihin ko sa guard, na pusher ka." Hindi sya natinag sa pagkakatayo.

"Tignan natin kung kaya mo." Nginisihan ko sya at lumapit na sa guard.

"Kuya, alam mo ba yang lalaking yan?" Sabay turo ko kay Bogart na mukhang natatae na. Akala nya siguro hindi ko gagawin.

"Drug Lord yan, Kuya. Ipakulong nyo na." Nataranta naman si Bogart at ang guard, hinuli nga si Bogs.

Tumawa ako ng tumawa dahilan para makuha ang atensyon nilang dalawa.

"Joke lang, Kuya! Uncle ko yan." Nagaalinlangan pa ang guard nung bitawan nya si Bogart.

Tumingin ako sakanya at kinindatan sya. "Don't understimate me." Sabay pasok ko sa loob ng campus.

Nakita ko si Liza na tumatakbo papunta sakin. Hingal na hingal sya ng nasa tapat kona sya.

Nakaramdam ako ng kaba.

"Anong nangyari, Liza?" Tumingin sya sakin. Mata sa mata. Alam kong may kakaiba. Nararamdaman ko.

"Kilala mopa ba si Sarah?"

"Oo, bakit?"

"Natagpuan syang nakabigti sa c.r." Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

N-nagbigti? Pero, bakit? Naging mabuting kaibigan sya sakin noon. Nakasama ko sya nuong 3rdyr highschool kami. Pero madalang na lang kaming magpansinan ngayong 2ndyr college nakami.

Tumakbo ako papunta sa c.r kung san naganap ang krimen. Nakita ko ang isang babaeng may mahabang buhok na nakabigti sa loob ng isang cubicle.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang dalawang mata ni Sarah na nakatingin sakin. Masama ang tingin nyang yon. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"May kinalaman ba sya dito?" Nagulat ako sa biglaang presensya ni Deither sa likod ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tumingin ako sakanya pero nanatili ang tingin nya sa bangkay.

"Titigan mong mabuti ang tyan nya. May nakaukit na letrang 'Y'. Kagaya nang letrang inukit kay Shien." Agad kong tinignan ang tyan ni Sarah, dahil sira-sira ang damit nya, makikita mo agad ang tyan nya.

Kung hindi mo itutuon ang pansin mo sa tyan nya, hindi mo talaga mapapansin ang maliit na letrang 'Y'.

"Sa tingin mo, buhay paba sya?" Nantaas ang mga balahibo ko.

"Ang sabi nyo dati, kung ano ang nakita nang dalawa nating mata, yun ang paniniwalaan natin. Kay bakit ka nagtatanong ngayon?" Hindi parin sya tumingin sakin pero ngumisi sya.

"Dahil hindi natin sya nakitang nakaburol."

Tama sya.

"Tanga ba kayo? Ni ipis nga hindi nya kayang patayin. Tao pa kaya? Tsaka patay na sya!" Hinampas ni Liza ang dibdib ni Deither. Nanatili lang kaming tahimik.


"Isang studyante nanaman ang namatay sa skwelehan na'to. Hanggang kaylan ba magiging tikom yang mga bibig nyo?" Sabay-sabay kaming lumingon sa nagsalita.

"Wag kang mangialam sa buhay namin. Gawin mo ang trabaho mo." Asik ko sa pakilamerong 'to.

"Trabaho ko rin ang alamin ang katotohanan." Aniya.

"Gusto mong malaman?" Si Deither na ang nagsalita.

"Pwes, mamamatay ka muna bago mo malalaman." Ngumisi ng nakakaloko si Deither tsaka na umalis.

Sumunod si Liza sakanya kaya sumama nadin ako.

"Masaya ba ang nararamdaman mo nang lokohin mo sya?" Natingin ako sa babaeng nagsalita.

"Sino ka?" Tinaasan ko sya ng kilay pero nginisian nya lang ako.

"Ako? Ako si Kamatayan."

Nangilabot ako sa ngisi nya. Suot nya ang uniporme nang skwelahang 'to, pero hindi sya pamilyar sakin.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may humila sakin.

"Wag kang makiusap sa mga baliw." Nabigla ako ng nakitang si Ashley ang humila sakin.

Sumunod nalang ako sakanya sa paglalakad, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong lingunin ang babae kanina.

Nakita ko syang nakangisi sakin. Para syang manika sa buhok nyang maliit at sa bangs nyang parang peluka.

Ay ngayon ko lang napansin ang kanyang mga mata.

Kulay Dugo.

Nakakapangilabot.

-

Comment and vote below guys.

'D' is for DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon