"I told them not to fear me, but history tells the tale.."
-
Ellie's Pov
Pagbaba ko sa kotse, dumiretso na'ko sa loob ng bahay. Tinanggal kona ang sapatos ko at itinabi sa lagayan. Binuksan kona ang pinto at nagulat nang makita si Mommy na kausap ang Lola ni Decs.
T-teka....anong ginagawa nya dito?
"Ohh. Andyan na pala ang unika mo, Merylaine." Ngiti nya sakin.
"Iha, kumain kana ba?" Tanong ni Mommy sakin. Tumango lang ako sakanya dahil di'ko pa kayang magsalita sa gulat.
"Inaanyayahan ka ng Lola Edis mo para sa family dinner nila, anak." Lola Edis? So, yun pala ang pangalan nya.
Gusto ko mang humindi, pero parang umurong ang dila ko.
"Ayos lang ba sayo, iha?" Tanong ni Lola Edis sakin.
"A-ahh. O-opo, Lola. Magbibihis lang po ako saglit." Lumapad ang ngiti nya at agad na hinalikan ako sa pisngi.
"Go, honey. I'll wait you here.." Ngumiti lang ako sakanya at pumunta na sa kwarto ko.
Naligo ako ng mabilis at nagbihis na. Sinuot ko lang ang dress na binili namin ni Mommy sa isang mall. Simple lang ang dress na'to.
Pagbaba ko, nakita kong nagtatawanan ang Mommy ko at si Lola Edis. Huminto sila ng makita akong pababa ng hagdan.
"You're so georgeous, iha." Ani Lola Edis.
"Thankyou po." Ngumiti lang ako sakanya.
"Mommy hindi ka ba sasama?" Bulong ko kay Mommy nang makarating na kami sa labas. Nakaabang ang sasakyan ni Lola Edis para isakay kami.
"Nah. Ipapasundo nalang kita, baby." Hinalikan nya ang noo ko.
"No. No need, merylaine. Ang apo ko na ang bahalang maghatid sakanya." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Masaya ba'ko dahil ihahatid ako ni Decs? Nahh. Nevermind.
Pumasok na kami sa loob ng kotse at tahimik na nilakbay ang daan patungo sa mansion nila.
Nang makarating na kami, inalalayan ako ni Lola Edis papasok sa loob ng mansion hanggang sa Dinning Area nila.
May nakita ako isang babae at isang lalaki na sapalagay ko ay kasing-edad nila si Mommy.
"Goodevening po." Magalang kong bati sakanila.
"Omygod. Ikaw naba ang anak ni Merylaine?" Sabi nung babae, habang tinitignan ako ng maigi.
"Opo." Lumapit sya sakin at hinalikan sa pisngi.
"Ako ang Mama ni Decs. Just call me Tita Maria. At eto naman ang Dad nya. Si Tito Armando." Nakita ko ang katabi nyang lalaki na kamukha nga ni Decs. Nagmano ako sakanya at galak naman nyang iniabot ang kanyang kamay.
"Napakalaki mona. Bata kapa nung huli kitang makarga. Bestfriend ako nang Mommy mo noong highschool." Ngiti ni Tita Maria sakin. Tinignan ko sya ng maigi at nagbabaka-sakaling maalala ko sya.
"Hindi mo ba'ko maalala?" Tanong nya.
"Honey, she lost her memories." Paalala ni Lola Edis kay Tita Maria.
"Let's have a seat. Asan nga pala ang apo ko?" Tanong ni Lola Edis habang paupo nakami.
Pinaupo nila ako sa upuang may katabing bakante.
"Manang..pakitawag nga si Decs at sabihin mong may bisita sya." Nakangiting utos ni Lola Edis sa katulong nila.
Ilang minuto kaming naghintay nang makita ko syang pababa ng hagdan.
Napakagwapo nya.
Halatang nagulat sya nang makita akong nakaupo. Nanatili lang syang nakatayo sa pwesto nya.
"Halika na, anak. Baka naman matunaw si Ellie sa titig mo ah." Biro ni Tito Armando. Dun palang sya natauhan at ngumiti sakin.
"A-akala ko busy ka." Sabi nya, habang papalapit sa upuan ko.
Nginitian ko lang sya. Umupo naman sya sa tabi ko at nakatitig parin sakin.
"Manang ilabas na ang mga pagkain." Ani Lola Edis.
Sunod-sunod na nagsi-datingan ang mga katulong na may bitbit na pagkain. Bakit napakadami naman ata ng pagkain na'to?
Huling dumating ang katulong na may dalang isang malaking cake.
"Happy birthday, apo."
Natigilan ako sa narinig ko.
Birthday ni Decs ngayon? Nakakahiya at wala akong dalang regalo!
Binati din sya ng Mama at Papa nya. Ako nama'y nagtataka parin.
"B-birthday mo?" Tumango sya nang bahagya at nakangiti parin sakin.
"Happy birthday. Sorry wala akong nadalang regalo." Nakayuko kong sambit sakanya.
"Its okay. Basta nandito ka lang sa tabi ko, ito na ang pinakamagandang regalo ang natanggap ko."
Natigilan ako.
Ano daw?
Shit naman! Bakit moko pinapakilig ng ganito, Decs?
-
BINABASA MO ANG
'D' is for Death
Mystery / ThrillerDecs Figuera, Jolly Haime Zedad, Jasper Calidad, Xyrel David, Olivia Trinidad, Eula Sales, Brittney Bonzon. (AESUZ) Elfiana Del Monterro and Fritzie Orsua. Jolo Pascua. Yvonne and Yza. Since hs magkakasama na ang mga Aesuz. One day, problemado si Ha...