15. The Past of her

0 0 0
                                    


"It's hard to forgive and forget.."

-

Eula's Pov

"Saan ka galing?" Bungad sakin ni Mama pagkapasok ko palang sa bahay.

Kakauwi ko lang galing sa isang club. Nagsagawa kami ng celebrasyon at parang Welcome Party nadin para sa mga bagong miyembro ng Aesuz na itinatag namin.

"Wag mo'kong tatalikuran kapag kinakausap kita!" Hinila nya ang buhok ko papalapit sakanya, dahilan para mapaharap ako sa pagmumukha nya.

Marahas kong inalis ang kamay nya sa buhok ko at tinignan sya ng matalim. "What do you want?!" Sigaw ko sakanya.

"Diba sinabi ko sayo na puntahan mo ang Papa mo?! Bakit hindi ka pumunta sakanya?!" Heto nanaman kami.

"Pwedi ba, tigilan nyo'ko! Kung gusto nyo syang puntahan, kayo nalang magisa nyo!" Sabay talikod ko sakanya. Binilisan ko ang paglalakad ko para hindi nya'ko maabutan.

Kinandado ko ang pintuan ng kwarto ko at nagbihis na.

"Wala ka talagang kwenta! Yun na nga lang ang magagawa mo, hindi mopa ginawa! Wala kang kwentang anak!" Rinig ko ang pagsisigaw ni Mama sa baba.

Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang dalawa kong tenga. Ang sakit sa tenga.

Bago nyo sabihing wala akong kwentang anak, ni minsan ba tinanong nyo yang sarili nyo kung may kwenta kayo bilang ina? Dahil sa totoo lang, wala kayong kwenta. Pare-pareho lang tayong walang kwenta.

At syempre mas walang kwenta ang Papa ko. Iniwan nya kami dahil sa isang pokpok na babae. Pinagpalit nya kami dun sa hitad na yon. Magmula nang iwan nya kami, nagsimula nang lumago ang poot ko sakanya. At nagsimula nading mabaliw ang Mama ko sa kakaisip sakanya. At ang malala pa, ang Mama kopa ang nakikipagbalikan sa Gago kong Papa. Pagibig nga naman.

Gusto ni Mama na kausapin ko si Papa, para bumalik na sya samin. Pero dahil ayoko, hindi ko sya susundin. Kahit anong mangyari hindi ko pupuntahan ang dati nyang asawa.

Para ano? Para magmakaawa sakanya na balikan kami? Utut nya. Wala na'kong pakialam pa sakanya.

At ang Gaga ko namang Ina, iniwan lang ng asawa, kinalimutan na nya na may anak sya. Naaalala nya lang ako pag kailangan nya'ko. Madalas nya'kong pinapapunta kina Papa, pero madalas din akong sumusuway.

Patas lang kami.

Isang Gagong Ama.

Isang Gagang Ina at Isang tarantadang Anak.

Diba ang saya? Mahirap ng magpatawad. Mahirap mangalimot.

Napatingin ako sa Picture frame na nakasabit sa pader ng kwarto ko.

Isang masayang pamilya ang makikita mo sa larawang yon. Isang maligayang pamilya na sinira ng walang kwentang babae.

Tumulo ang mga luha kong kanina kopa pinipigilan.

"Sana hindi kana lang dumating. Edi sana buo pa kami. Kasalanan mo'to." Sambit ko sa gitna ng paghikbi ko.

"Wala na. Ninakaw mo ang perpektong pamilyang pinapangarap ko."

Kinuha ko ang isang larawan na nasa mesa ko, katabi ng bed ko. Isang babaeng nakangiti ang laman ng larawan na ito.

"Kasalan nyo'to. Kasalanan ng Nanay mong hitad. Inangkin mo ang korona ko. Gagawin kitang miserable."

Marahas kong pinunasan ang mga luha sa mata ko at pinakatitigan ang babaeng nasa larawan na hawak ko.

Magiging miserable ka. Pangako ko yan.

-
AN:

Sino kaya ang babaeng nasa larawan? Who do you think, guys? Comment your answer :)

'D' is for DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon