3. Aesuz

4 0 0
                                    

"Do you know why people cheat and lie?..."

--
Ellie's Pov

Lunes nanaman. Makikita kona naman ang isang grupo na napakamisteryoso.

Simula noong araw na kinausap nila ako ay naging malapit na sila sakin. Nakakapagtaka na lagi nila akong niyayaya sa mga gimik nila, pero hindi ako pumapayag. Ayoko munang magtiwala ng lubusan sakanila.

Nakaupo ako ngayon sa upuan ko at hinihintay ang kaibigan ko. Si Ashley. At hindi naman ako nabigo dahil agad naman syang pumasok. Napakalungkot ng mukha nya. May nangyari ba?

Walang kibo syang umupo sa tabi ko. Hindi nya'ko binati kagaya ng ginagawa nya dati.

Magsasalita na sana ako pero inunahan nya'ko.

"Anong sinabi nila sayo?" Hindi sya nakatingin sakin pero alam kong ako ang kinakausap nya.

"Sino?" Takang tanong ko.

"Ang Aesuz." Nagtataka ko syang tinignan. Nalilito ako. Sinong Aesuz?

"Hindi mo sila kilala?" Tumingin sya sakin. "Aesuz. Ang tawag sa grupo nila." Binaling nya ang tingin nya sa direksyon nila Liza. Napatingin din ako at nasilayan kona naman ang mga ngiti nila na tila ba'y walang mga problema.

"Wag kang magpalinlang sa mga taong ngumingiti sayo. Tandaan mo. Minsan ng naging anghel ang demonyo.." Napatunganga ako sa sinabi ni Ashley at wala akong nagawa kundi ang panuorin syang naglalakad palayo.

Anong ibig nyang sabihin?

Mapanlinlang ba ang mga ngiti na meron ang mga Aesuz?

"Hey!" Natigilan ako sa pagiisip ng makita si Eula na nakaupo na ngayon sa kinauupuan ni Ashley kanina.

"Masyadong bitter ang kaibigan mo. Di marunong mangalimot." Aniya pa na lalong nagpagulo sa utak ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko sakanya, ngunit nginitian nya lang ako.

"May mga sikreto na hindi na dapat alamin. Baka tumakbo papalapit sayo si Kamatayan." Ngumiti sya ng nakakakilabot. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.

Muli ay naalala ko ang sinabi ni Ashley.

"Wag kang magpalinlang sa mga taong ngumingiti sayo. Tandaan mo. Minsan ng naging anghel ang demonyo.."

Aalis na sana ako sa kinauupuan ko ng bigla syang magsalita.

"Do you know why people cheat and lie?.." Napatigil ako at natingin sakanya. Nakatingin lang sya sa beer can na hawak nya.

"Kasi yung iba, masaya sila kapag may nasasaktan sila."

Tumalikod ako sakanya at naglakad na. Pero hindi nakaligtas sakin ang isa nya pang sinabi.

.....tulad namin."


Hindi ko alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan at kung sino ang dapat kaybiganin.

-

Si Eula po ang nasa media. Salamat mga malalakas! :)

'D' is for DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon