9. Secrets

0 0 0
                                    

"A is for Accident.."

--

Ellie's Pov

Andito kami ngayon sa Mall at kasama ko si Mommy. Nagpapatulong sya na maghanap ng damit na isusuot para bukas. May pupuntahan kasi kaming isang Party. Sabado ngayon kaya wala akong pasok sa skwelahan.

"What about this, honey?" Itinaas ni Mommy ang isa nyang kamay na may hawak na Purple Dress. Simple but elegant. Ganyan ang mga gusto ko.

"Perfect, Mom." Ngiti ko sakanya.

Inilagay nya ang Dress sa trolley na dala nya. Madami nadin kasi kaming nabiling mga damit at sapatos. Ito lang kasi ang libangan namin ni Mommy.

"Dyan ka muna. Maghahanap lang ako ng Polo shirt para sa Dad mo." Tumango lang ako kay Mommy at nilibang ko ang sarili ko sa paghahanap ng dress.

May nakita akong isang Pink Dress na sigurado akong magiging hapit sa katawan ko. Low back sya at alam kong bagay sa kutis ko ito. Kukunin ko sana nang biglang may nahagip ang paningin ko.

Si..sino nga ba yun? Pamilyar sya sakin. Lumapit ako ng kaunti at nasilayan ko ang mukha nya.

Bakit may hawak syang bata? Pamangkin nya sguro yon.

"Anong gusto mo, baby?" Kitang-kita ko sa ngiti ni nya ang kasiyahan habang kinakausap ang batang sapalagay ko ay isang taong gulang pa lang.

Inabot ng bata ang isang laruan na barbie. "Wow. Gusto mo ng barbie, baby ko? Sge ah. Bibilhin yan ni Mommy."

Bibilhin yan ni Mommy.

Binilhin yan ni Mommy.

Anak nya ang batang yun? Pero...paano? Kung anak nya nga yun, ibig-sabihin ay last year lang sya nanganak. Posible kayang itinago nya yun para hindi makickout sa Ikeega University? O kaya naman ay hindi masira ang pangalan nya?

Pero pwedi din namang pamangkin nya lang ang bata, at nagpapatawag lang syang Mommy, dba?

Natulala ako sa kinatatayuan ko ng makita ang lalaking lumapit sakanila at masayang kinuha ang anak na karga-karga nya.

"Bakit sya nandito?" Bulong ko sa sarili ko.

"Hello, princess. Eto na si Daddy. Natagalan ba'ko? Pasensya kana baby ah." Aniya habang hinahalikan ang bata sa pisngi.

Ang galing nilang umakto sa skwelahan. Hindi mo mahahalata sakanila na may sikreto sila.

-

AN:

Sino po hula nyo? Haha. Comment below!

'D' is for DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon