"Your knife, my back. My gun, your head..."
--
Ellie's PovIsang linggo na ang nakalipas pero patuloy paring bumabagabag sa isipan ko ang sinabi ni Ashley at ni Eula.
Hindi ko alam pero parang gusto kong alamin kung ano nga ba talaga ang 'Aesuz'. Hindi ko sila kilala at mahirap silang kilalanin dahil sa mga ngiting nakabalot sa mga mukha nila. Isang inosenteng ngiti ang taglay nila.
"Anong iniisip mo?" Natigil ako sa pagiisip ng makita si Shien na nasa tabi ko at may hawak pa ring libro.
"W-wala. A-anong ginagawa mo dito?" Inayos nya lang ang salamin nya at nginitian ako. Isang inosenting ngiti.
"Kanina kapa namin tinatawag pero mukhang naglalayag ang isip mo. Care to share?." Natingin ako sa Aesuz at nakita kong nakatingin din sila sakin.
"Sama ka muna samin. Sa cafeteria lang.." Ngiti ni Liza sakin.
Kulang sila. Wala si Deither.
Ngumiti ako at umiling. "Sge salamat nalang. Dito lang ako."
Lumapit sakin si Eula at tinignan ako sa mata. "Siniraan nya ba kami sayo?." Isang tanong na nagpagulo sa utak ko.
"H-ha?."
"Si Ashley. Siniraan nya ba kami?" Napatingin lang ako kay Eula at umiling. "Hindi naman. May hindi ba'ko alam?" Takang tanong ko.
Umiling lang sya at tumawa. "Nevermind! Halika na.." Hinila nya'ko at wala na'kong magawa nang dalhin nila ako sa cafeteria.
Umupo kami sa usual table nila. Katabi ko ngayon si Shien at si Liza. Ramdam ko ang mga titig ng mga studyante sa grupo nila Liza. Nakaramdam din ako ng tensyon ng makita si Ashley na paparating.
Nagtama ang mga mata namin kaya nginitian ko sya, ngunit isang mapait na ngiti lamang ang isinukli nya. Umupo sya sa isang table at nakatitig lang sya sa kawalan.
Tumayo ako para lapitan sya, pero hinawakan ni Shien ang braso ko.
"Dito ka muna.." Tinignan ko sya at bahagyang inalis ang kamay na nakahawak sa braso ko.
"Kaylangan ako ng kaibigan ko.." Tumalikod na'ko at naglakad na palayo.
"Kilalanin mo ang kaibigan mo, Ellie. Wag kang magiging tanga kagaya niya.." Nahinto ako sa paglalakad pero nanatili paring nakatalikod sakanila.
Boses yon ni Gail. Ang boses nya na puno ng kilabot at misteryo.
Sino ba talaga kayo? Kilala koba talaga ng lubusan si Ashley? Ang tanging alam ko sakanya ay ang pangalan nya lang. May dapat pa ba akong malaman?
Tama nga sila. Puno ng misteryo ang grupo nila Liza na kung tawagin ay 'Aesuz'.
-
Voice out guys.
BINABASA MO ANG
'D' is for Death
Mystery / ThrillerDecs Figuera, Jolly Haime Zedad, Jasper Calidad, Xyrel David, Olivia Trinidad, Eula Sales, Brittney Bonzon. (AESUZ) Elfiana Del Monterro and Fritzie Orsua. Jolo Pascua. Yvonne and Yza. Since hs magkakasama na ang mga Aesuz. One day, problemado si Ha...