"Sorry isn't enough.."
-
Ellie's Pov
Lunes nanaman. Makaka-salamuha kona naman ang mga kaklase kong magugulo.
Sinalubong ako ni Ashley sa pintuan ng classr namin. Nabigla ako ng yakapin nya'ko ng mahigpit. "Lumayo ka sakanila. Please." Nalilito akong kumalas sa yakap nya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tinignan nya lang ako. Mata sa mata.
"Ayokong may kahati sayo. May kahati na nga ako sa lahat. Hindi ko naman gusto na pati sayo na bestfriend ko ay may kahati din ako." Ewan ko, pero parang may humaplos sa puso ko.
Buong buhay ko hindi ko kilala kung sino ba ang mga kaibigan ko. Wala naman sigurong masama kung angkinin ko muna sya bilang kaibigan, dba?
Niyakap ko sya ng mahigpit at ramdam ko ang yakap nya pabalik.
"Tama na nga ang drama. Pumasok na tayo.." Tumawa kaming pareho sa sinabi nya. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob ng classr.
Umupo kami sa upuan namin at nanahimik na. Bigla namang tumayo si Eula sa harapan at agad na nanahimik ang mga kaklase kong kanina'y nagiingay.
"Kulang na ang members ng Aesuz. Sino ang gustong sumali?" Nabigla ang lahat sa sinabi ni Eula, maski ako ay nabigla din.
Alam ko na maraming naghahangad na maging myembro ng sikat na grupo nila. Kaya hindi na'ko magtataka kung lahat sa klase namin ay nakatayo ngayon, pwera na lang sakin at kay Ashley.
Lahat sila ay nakatingin sa gawi namin. Hindi nalang namin sila pinansin.
"Napakadami nyo.." Humalakhak si Liza na ngayo'y nasa tabi ni Eula.
Nasa harapan mismo ng klase ang Aesuz. Sina Eula, Liza, Deither, Gail at si Decs.
Decs.
Naalala kona naman ang unang pagsasama namin. Masarap naman syang kasama eh.
Nagulat ako ng bigla syang tumingin sa gawi ko at kinindatan ako. Nagiwas agad ako ng tingin, lalo na nung nakita ko syang ngumisi. Ugh! Ba't ba pinaparanas mo sakin 'to ngayon, Decs.
"Mamimili nalang kami sainyo. Sampo ang kaylangan." Nagsimula nang maglakad ang mga Aesuz.
Lumalakas ang tibok ng puso ko nang makita si Decs na papunta sa upuan ko. Ngumiti sya sakin at tumayo sa harapan ko. Naiirita tuloy ako.
Nagiwas ako ng tingin sakanya pero ramdam kopa ang presensya nya sa harapan ko.
"Anong kaylangan mo?" Rinig kong tanong ni Ashley sakanya.
"Chill. Hindi ko isasali si Ellie sa Aesuz. Gusto ko lang syang makita nang malapitan." Ani Decs, na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"At hindi rin namin gustong sumali sa cheap nyong grupo." Natigil ako sa sinabi ni Ashley. Alam kong naoffend si Decs, kaya hinarapan kona sya.
"B-bakit?" Ang mukha nyang seryoso kanina ay napalitan ng ngiti.
"Sunduin kita mamaya. And i won't take 'no' for an answer."
"Edi yes." Sabay irap ko sakanya ng bongga.
"You're so georg." Aniya.
"Decs, it's your turn." Nagpapasalamat ako kay Liza dahil nagsalita sya, dahilan para matigil ang titigan namin ni Decs.
Napansin kong nakapili na sila. Si Liza ay may piniling dalawang babae. Si Eula nama'y isang lalaki at isang babae. Si Gail ay dalawang lalaki at si Deither ay dalawang babae. Si Decs? Kasalukuyang pumipili pa sya.
"You." Turo nya sa lalaking may makapal na grado ng salamin. Nataranta sya at agad na tumakbo patungo sa harapan.
"And. You." Tinuro nya naman ang isang babae na umiiyak dahil sa pambu-bully ng katabi nyang lalaki.
"Tss. Weak." Rinig kong bulong ni Eula.
"Bukas ko kayo ganap na ipapakilala sa lahat.." Ani Eula sa mga taong nasa harapan kasama nila.
Bakit hindi pa ngayon?
-
BINABASA MO ANG
'D' is for Death
Mystery / ThrillerDecs Figuera, Jolly Haime Zedad, Jasper Calidad, Xyrel David, Olivia Trinidad, Eula Sales, Brittney Bonzon. (AESUZ) Elfiana Del Monterro and Fritzie Orsua. Jolo Pascua. Yvonne and Yza. Since hs magkakasama na ang mga Aesuz. One day, problemado si Ha...