11. Kinikilig

0 0 0
                                    

"Love is strong as death; jealousy is cruel as the grave.."

--

Ellie's Pov

"Honey, are you okay?" Natigil ako sa pagiisip at ngumiti kay Mommy.

"Ofcourse, mom." Ngumiti lang sya sakin bilang tugon.

Hindi parin maalis sa isip ko ang nakita ko kahapon. Sa murang edad nagka-anak sila. Isang malaking sikreto yon.

"Chin up, honey." Sinunod ko si Mommy. Taas-noo akong naglakad sa maraming tao.

I'm wearing a Red Glittering Gown na gawa pa ni Aramando Fuerova, isang sikat at magaling na artist.

Pinagtinginan ako ng lahat ng tao dito sa Party. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila.

"Merylaine, darling.." Natingin ako sa babaeng kulubot na ang kamay at halata mona sakanya ang pagkatanda.

"Happy birthday, My dear." Ani Mommy at humalik pa sakanyang pisngi.

"Thankyou. Thankyou." Masayang saad ng matanda at napatingin saakin.

"Omygod. Don't tell me ito na ang only daughter mo.." Nakatingin sya sakin at alam kong sinusuri nya'ko.

"Yes." Tanging isinagot ni Mommy.

"So georgeous! Halika, halika. Ipapakilala kita sa apo ko. Siguradong bagay kayo." Masigla nyang saad. Kinawit nya ang kamay nya sa braso ko at idinala sa loob ng malaking bahay.

May natanaw akong isang lalaki na nakaupo sa upuan. Nakatalikod sya sakin kaya di'ko maaninag ang mukha nya.

"Iho! Come here.." Anang matanda.

Lumingo samin ang lalaki at..shit! Pareho kaming nabigla.

"Decs?"

"Ellieza?"

Nakatayo lang ako at nakatingin sakanya. Gayun din sya.

"Magkakilala kayo? Omygod!" Mukhang nagagalak ang matanda dahil magkakilala kami ng apo nya.

"Pumapasok kami sa iisang unibersidad, Grandma." Ani Decs, pero nakatingin parin sya sakin.

"That's good! Halika, apo. Kwentuhan mo si Ellieza at ilibot mo sya sa bahay natin.." Nakita ko ang pagkindat ng matanda kay Decs.

Naiwan akong nakatayo. Iniwan ako ni tanda.

"Ehem..a-ahhh. Lets go?" Binasag nya ang katahimikan at inalok nya sakin ang braso nya. Kinawit kona man ang kamay ko duon at sumunod nalang ako sa paglalakad.

Napadpad kami sa Garden nila. Umupo kaming pareho sa magkaharap na upuan. Walang tao dito. Tahimik ang bumabalot samin.

"Hmm. Ellieza?" Napatingin ako sakanya.

"B-bakit?"

Ngumiti sya sakin at umiling. "Akala ko isa ka lang ordinaryong studyante sa Ikeega University. Hindi ko alam na ikaw pala ang nagiisang anak ng mag-asawang Montevisa." Ngumiti lang ako sakanya.

"Alam mo bang iniidolo ni Grandma ang Daddy mo?" Umiling ako sakanya.

"Lagi nyang kinukwento sakin ang Daddy mo. Dahil magaling daw sya sa negosyo. At gusto nyang maging kagaya ko ang Daddy mo."

Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. "Gusto ni Grandma na ligawan kita."

Napatanga ako sa narinig ko. Ano daw?

"Wala naman sigurong masama kung kilalanin muna natin ang isa't-isa, bago kita ligawan, dba?"

Hindi maaari. Hindi pwede.

Lumipas ang ilang minuto na nakatulala parin ako.

"You're georgeous. Hindi ko akalaing ganyan ka pala kaganda. Pano pa kaya kapag ngumiti ka?" Natingin ako sakanya. Diretso sa mata.

"Nakita mona kong ngumiti, hndi ba?" Ngumiti sya sakin at sumagot. "Pero lahat ng ngiti mo ay peke. Gusto kong tignan kung pano ba ngumiti nang matamis ang isang Montevisa." Sa bawat ngiti na ibinibigay nya, lalong lumiliit ang kanyang mata.

Gaga ako kung sasabihin kong hindi sya cute.

"Ano kayang iniisip mo ngayon?" Hinawakan nya ang kanyang baba, at nag-aktong para bang may iniisip sya.

Napangiti ako sa inakto nya. Para syang bata.

"Bat ka ngumingiti? May nakakatawa ba?" Takang tanong nya.

"Wala. Ang cute mo lang.."

Natulala sya at..natulala din ako. Anong sinabi ko? Ughhh! Nakakahiya!

"Your face is turning red. Kinikilig ka ba?" Sabay ngisi nya.

No! No! But wait....kinikilig ba'ko?


Oh shit. Hindi, hindi pwedi.

-

AN:
Si Decs po ang nasa media :)

'D' is for DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon