STOPLIGHT [2]

1.7K 17 1
                                    

Gusto kong maging kaibigan si Andrea kahit na mukha siyang isnabera ay madami pa din siyang kaibigan dito sa school, laging naririnig ang boses niya sa buong hallway tuwing wala kaming klase. Masiyahing tao kasi siya masyado kahit hindi kami close at mahigit isang buwan ko palang siyang nakikilala eh halata naman yun sa kanya. Pero nitong mga nagdaang araw ibang-iba siya, tahimik, hindi nag-aasar, bihirang ngumiti at higit sa lahat maagang pumapasok.

“Andrea, uuwi ka na?”

“Oo. Sasabay ka sa parking lot?”

“Oo sana eh.”

“Sige”

Ito na ata pinakamahabang convo namin ni Andrea ^______^ ang saya ko lang.

“Hala ngumingiti kang mag-isa. Naku masama yan!”

Nakita niya akong nakangiti. Nakakahiya tuloy.

“Magdadalawang buwan na kasi tayong magkaklase sa lahat ng subject pero ngayon lang tayo nagkausap ng ganito kahaba.”

“Ikaw kasi eh. Inaway mo agad ako nung first day! Kala mo nakalimutan ko nay un?”

“Sorry.”

“DeJoke lang. Wala na yun nu ka ba! Friends?”

“Friends”

Naging matalik kaming magkaibigan ni Andrea, araw-araw kaming magkasama. Nakwento na niya sakin yung tungkol sa kanila ni Warren. Inamin din niya na hanggang ngayon ay hindi pa din siya nakakamoveon. Mahal na mahal pa din daw niya si Warren. Nasaktan ako nung nalaman ko yun, gusto ko si Andrea unang araw pa lang na nakita ko siya alam kong kakaiba siya sa lahat.

Andrea Calling….

“Bakla”

“Ang kulit mo Andrea hindi ako bakla tantanan mo kakatawag ng bakla sakin”

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon