Dumaan ang buong gabi na wala man lang paramdam si Jervis. Kagabi ko pa tinetext pero wala man lang reply, tinatawagan ko pero hindi naman sinasagot.
"Magbihis ka na. Aalis tayo nila tita." Bigla-bigla na lang sumusulpot tong si kuya sa harap ko. "Andeng! Bumanggon ka na dyan." Pilit niyang inaalis ang unan sa mukha ko. Padabog akong bumanggon.
"Oo na! Ito na nakakainis! San ba pupunta?" Tinignan lang niya ko at tska lumabas ng kwarto. Ang lakas mandeadma siya nga tong may kasalanan sakin. Hindi talaga normal tong kuya ko eh.
Naligo na agad ako paglabas ni kuya, dahil paniguradonh babalik pa yun mamaya dito para icheck kung nag-aayos na ko. Pagkatapos kong maligo ay agad akong pumili ng susuotin ko. Mag pang bahay na lang kaya ako? Hahahahaha baka masapok ako ni kuya pag nagkataon.
"Ano na Andeng? Dpa din tapos?" Ang lakas makakatok ni kuya parang magigiba na yung pinto ko.
"Wag kang atat dyan kuya mainit ulo ko." Inantay ko kung sasagot pa sya buti na lang at hindi na pinansin yung sagot ko. Kumuha na lang ako ng mini dress at sinuot na yun. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Nasa hangdaan pa lang ako pero may naririnig na akong pamilyar na boses.
"Hoy! Anong ginagawa mo dito? Aalis kami ngayon."
"Niyaya ko na din siya tutal bestfriend ko naman siya at parang parte na din siya ng pamilya."
"Asan ba si mama? Maaaaaaa! Tara na sabay na tayo sa kotse ko."
"Ano ba yan Andrea napakaingay mo. sabay-sabay na tayo sa kotse ni Warren."
Bigla akong nakaramdam ng pagkailang nung nabanggit ang kotse ni Warren. Nakakainis bakit ba bigla ko na lang yun naaalala. Napatingin ako kay Warren na nakatingin na pala sakin at nakangiti.
"Mukhang meron kayong hindi sinasabi sakin ah? Ano yun share niyo naman." Pang-aasar ni kuya.
"Wala! Tara na nga! Pumunta na tayo kung san tayo pupunta."
Tahimik lang kami habang nasa byahe si kuya lang ang tanging salita ng salita. Paminsan minsan ay magkkwento lang din si Warren. Ako naman maya't maya tumitingin sa phone ko, hanggang ngayon wala pa ding paramdam si Jervis. Napabuntong hininga ako ng malakas at napatingin silang tatlo sa akin.
"May problema ba?" Tanong ni Warren at tumingin sa akin na may halong pag-aalala.
BINABASA MO ANG
Stoplight
Teen FictionRED means STOP – Stop holding on to your past YELLOW means READY – be Ready to fall in love again GREEN means GO –Go for the one you love Paano nga ba kalimutan ang nakaraan na puro magagandang ala-ala? Paano ba magmahal ulit kung ang tangging gusto...