STOPLIGHT [5]

1.5K 15 4
                                    

"Andrea!"

Sigaw nung lalaki na nakasandal sa kotse sa tapat ng bahay namin. 

"Hoy Jervis, anong ginagawa mo dito?"

"Hindi ka kasi sumasagot sa mga text at tawag ko eh."

"Adik nito! Diba masama ang pakiramdam mo?"

"Bat naglalakad ka lang? Hindi ka ba sumabay kay Micah?"

"HIndi din pumasok yung bruhang yun. Alam mo naman yun absinera"

"Nilakad mo lang simula school hanggang dito?"

  

"Medyo tanga lang? Anong akala mo sakin? Bat ko naman lalakarin ang Manila papuntang Makati?"

"Eh bat hindi mo din kasi sagutin yung tanong ko. Kanina pa ko tanong ng tanong eh"

"Pasok muna tayo sa loob may ikkwento ako sayo"

Sabi ko habang naglalakad papasok ng bahay. Minsan talaga nagtataka na ko sa baklang to eh! Medyo kinilig ako sa dahilan niya para pumunta dito sa bahay ah.

"Buti dumating kna. kanina pa nandito si Jervis eh ayaw namang pumasok sa labas ka na lang daw aantayin. Dito ka na kumain Jervis ah? Maghahanda lang ako."

"May chika ako sayo bakla!"

  

Hala ang sama ng tingin niya sakin.

"Yaan mo na nasanay lang ako na bakla tawag sayo hahahaha. May ikkwento kasi ako eh. Makinig ka na lang wag ka na sumimangot."

"Usige kwento."

Kinuwento ko sa kanya yung nangyari kanina. Ayun hindi na nawala ang pagsimangot niya. Lalo pa atang sumimangot.

"Alam mo yung assuming? Ikaw yun! Nakakainis ka! Nakaupo ka na nga lang dun sa kotse, hindi ka man lang magreply! Bakit? dahil kasama mo si Warren?"

"Nagseselos kba?"

"Ano naman sayo kung nagseselos ako? May magagawa ka ba?"

 Hala teka ano daw? Nagbuff ako 0____0 medyo nagulat ako. Si Jervis nagseselos? OMO!

"Sus! Tignan mo hindi ka makareact! Bahala ka nga sa buhay mo."

Tumayo siya at pumunta sa dining room. Tulala pa din ako nung bumalik na siya sa living room.

"Alis na ko. Magsama kayo ng Warren mo."

------

JERVIS'S POV

Bat ba ang hirap makipagusap sa manhid? Lagi naman akong obvious sa pagpapakita na may gusto ako kay Andrea ah? 

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon