STOPLIGHT [18]

706 12 5
                                    

Dahil super duper natuwa ako sa message po sakin sisteraka kong pretty dedic ko sayo to HAHAHAHA wala lang gusto ko lang idedic. :))

-----

Papunta na kami kanila Annika ngayon. Medyo naguguluhan pa din ako kay Jervis, bigla bigla naman kasing napagtripan na pumunta kanila Annika eh hindi naman sila close.

“Bat tahimik ka? Gutom ka nanaman no?”

“Hindi ah! Tinigin mo sakin matakaw?”

“Tinatanong pa ba yan? Hahahahaha ano nga palang sabi ni Annika? Nasabihan mo ba siya na pupunta tayo sa kanila?”

“Jervis bakit nga pala bigla mo na lang naisipan na makipagkaibigan kay Annika? Hello alam ko kayang inis na inis ka dun.”

“Hindi ba pwedeng magbago? Hahahaha baby naman diba sinabi ko na nga sayo kanina, gusto kong maging kaibigan yung mga kaibigan mo. Tska ayaw mo nun pag pupunta ka kanila Annika pwede mo na kong isama”

---

“Hoy Andrea, bat hindi ka na pumunta dito kahapon? Inaantay kaya kita.” Ayan agad ang bungad niya sakin pagbukas na pagbukas niya ng pinto. “Hi Jervis buti naman at sumama ka kay Andrea, naku alam mo ba gusto ko na talagang makipagkaibigan sayo kasi naman diba boyfriend ka ng best friend ko tska para hindi mo na din pinagseselosan si Warren.”

“Pwedeng pumasok muna kami? Hahahahaha try mo kaya kaming iwelcome ng maayos.” Umusog naman siya para makapasok kami sa loob ng bahay. Nagdadaldal na kasi agad hindi man lang muna kami pinapasok.

“Ok back to our topic.”

“My topic tayo? Hahahahaha” Nagseryoso naman siya ng tingin sakin hahahaha, kasi naman diba, wala namang topic kung ano-ano lang naman pinagsasabi nito. Humarap ako kay Jervis na tahimik lang na nakatingin samin ni Annika. “Baby pagpasensyahan mo na kadaldalan ni Annika ah? Ganyan kasi yung mga sabik sa tao hahahah--- Aray naman.” Bigla akong binatukan ni Annika.

ANNIKA’S POV

“Asan nga pala si Warren?” Nagsalita si Jervis kaya natigilan kami ni Andrea sa paghaharutan.

Biglang naman akong nalungkot, sa totoo lang kasi nagkakalabuan nanaman kami ni Warren parang yung baby na lang talaga namin yung dahilan kung bakit kami nag-uusap at nagkikita, ngumiti ako ng pilit bago magsalita. “Ewan ko ba sa lalaking yun, hindi na nagpupunta dito ilang linggo na din. Kaya ko nga pinapapunta tong si Andrea kahapon eh, baka kasi sakaling magpunta din yun dito. Diba sabi ko sayo sabay ka na sa kanya pumunta dito?” Tinignan ko si Jervis tsaka ulit nagsalita. “Sorry Jervis ah? Yun lang kasi yung naisip ko na paraan para pumunta si Warren dito.”

Hindi ko na napigilan yung luha ko. Ilang araw ko na din kasing pinipigil tong mga to. Ang sakit kasi na hanggang ngayon eh hindi niya pa din magawang mahalin ako kahit na may anak na kami. Niyakap ako ni Andrea kaya mas lalong nagtuloy tuloy yung mga luha ko. Yung babaeng nagcocomfort sakin ngayon ay isa sa mga dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon.

“Gusto mo ba kausapin ko siya?” Tinignan ko siya at tsaka ko pinahid yung  mga luha ko. “Wag na Andrea, baka magselos pa tong si Jervis at pag-awayan niyo pa.” Ngumiti ako kasi kahit na nagawa kong siyang traydorin noon tinanggap niya pa din ako, at ngayon gusto pa niya kong tulungan na magkaayos kami ng ex niya. Bakit kasi ang bait mo Andrea eh. “Ay naku tama na nga tong drama, kunin ko lang si baby sa kapitbahay para makita naman ni Jervis, tapos ikaw naman Andrea maghanda ka na ng meryenda natin hahahaha alam mo naman wala akong katulong dito at parang bahay mo na din naman to.”

“Oo na ang dami mong sinasabi hahahahaha kunin mo na si baby, ako na bahala dito.” Pumunta na siya sa kusina at lumabas naman ako para pumunta sa kapitbahay.

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon