STOPLIGHT [4]

1.6K 15 1
                                    

JERVIS'S POV

Nakakainis yung Annika na yun! Naiinis talaga ako sa pagiging mean niya kaya nagtataka talaga ako na bestfriend yun dati ni Andrea eh. Ibang iba sila ng ugali, oo may pagka maldita si Andrea at madalas mantrip pero hindi naman kagaya nung kay Annika na hindi muna magisip bago magsalita.

"Ok ka lang ba, Andrea?"

Tahimik lang siya habang naglalakad. Nababangga na siya ng ibang mga nagdadaan.

"Aray naman eh! Itong baklang to! Upakan kaya kita eh"

Binatukan ko na hahaha ako na lang keysa naman tahimik siya at wala sa sarili.

"Ang tahimik mo naman kasi eh. Wag mo na isipin yung sinabi ni Annika kanina. Sus isip bata ka man ang cute mo naman."

"Hindi yun ang iniisip ko nu ka ba?"

"Hindi ba yun? Eh ano?"

"Yung dahilan ni Warren kung bakit siya nandun. Kasi nakita ko yung reaksyon ni Annika nung sumagot si Warren parang wala siyang alam."

"Eh anong gusto mong palabasin? Na sinasadya ni Warren na yun na mapunta dun at masiraan ng kotse para makasabay ka? Wag kang assuming pre!"

"Aray! Sana binatukan mo na lang ako ulit keysa sinabihan ng assuming"

Yung totoo yun din yung napansin ko kanina habang kumakain kami at nagtatanong si Annika. bakit naman gagawin ni Warren yun kay Andrea? Impossible naman na mahal niya pa eh pinagpalit na nga sa bestfriend niya. Pero kung totoo nga yung napansin at iniisip namin ni Andrea, ano kaya ang gagawin ni Andrea? Ano din kaya ang gagawin ko? Gustong gusto ko si Andrea pero natatakot ako na masira yung pagkakaibigan namin at alam ko din naman na hanggang ngayon eh si Warren pa rin ang mahal niya.

ANDREA'S POV

Kainis naman absent yung dalawa kong kaibigan >.< Madami naman akong kaibigan eh pero hindi kagaya nung dalawang yun na super bestfriends ko. Ang tahimik tuloy ng mundo ko. tapos coding pa ko >.< commute tuloy ako. Ang ganda ko pa naman ngayon tapos magttaxi ako! Kainis akala ko kasi ppasok sila. 

Biglang may humintong kotse sa harapan ko. At sympre alam ko kung kaninong kotse yun. kotse yun ni Warren.

"Hi Andrea! Wala yung car mo? Gusto mo hatid ka namin?" - Annika

"Ha? Hindi na ok lang ako may taxi naman eh." 

"Sumakay ka na Andrea! Gabi na wala kang ksabay umuwi. Wala yung boyfriend mo."

Napanganga ako sa sinabi niya. Boyfriend? Sinong boyfriend? SI Jervis? Naku po! Eh bakla yun eh. Pero bakit parang masaya ako sa sinabi na yun ni Warren? Nagseselos ba siya? medyo halata kasi sa boses niya eh ^_______^ Napatingin naman ako kay Annika na natahimik din.

"Sumakay ka na nga Andrea! Para makauwi na tayong tatlo."

Ayun nakabawi na si Annika at tinarayan nanaman ako. Wala akong nagawa kundi sumakay na sa kotse ni Warren. Ayoko din namang mag taxi mag-isa no? Sa ganda kong to baka marape pa ko! Naku hindi pwedeng mangyari yun.

Katahimikan

Katahimikan

Katahimikan

"Buti na lang nakita ka namin Andrea at napilit ko tong si Warren na isabay ka kahit super out of the way kna."

Wasak! Nawala yung kilig ko dun sa sinabi ni Annika. So napilitan lang pala si Warren na isabay ako dahil yun ang gusto ni Annika. Tama nga si Jervis sa sinabi niya nung isang araw. Assuming lang ako.

"Ah ganun ba? Thank you ah?"

Kinuha ko na lang yung cellphone ko para hindi ko na makita yung dalawang naglalandian sa harap ko. kainis na araw to kasumpa-sumpa

8 New Messages

5 Missed Call

Lahat galing kay Jervis bakla. Problema nanaman kaya nito? Binasa ko lahat ng message niya iba-iba ang laman.

Sorry hindi ako nakapasok ngayon medyo masama kasi pakiramdam ko.

Sabay ka na lang muna kay Micah

Kain ka na

Andrea

Ingat paguwi

Nakauwi ka na ba?

Hoy andrea tumatawag ako

Reply2 din

Ano kayang problema ng baklang to? hahahaha natatawa ko sa kalokohan nito. Ano nanaman kayang trip nito? Napangiti ako sa mga text ni Jervis, napatingin naman ako sa salamin sa harap at nakita ko na nakatingin sakin si Warren. Nakatitig actually, habang si Annika ay busy sa kung ano mang ginagawa niya.

"Dito na lang ako. Mapapalayo pa kayo eh. Thankyou sa paghatid"

"Pero malayo pa."

"Ok lang. Para hindi na din kayo masyadong gabihin. Thankyou"

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon