STOPLIGHT [19]

512 8 2
                                    

“Sorry na nga eh.” Hindi ko siya pinansin tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. “Baby naman eh! Nagtatanong lang naman ako ah?” Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

“Hindi lang basta tanong yun Jervis! Pinagdududahan mo din ako! Alam mo bang gusto kitang sampalin sa mga oras na to ha?” hindi ko nahinintay na magsalita pa siya. Naglakad na ulit ako papunta sa likod ng building, walang tao dun dahil masyado na yun malayo.

“Andrea!”

“Ano nanaman ba?Pwede ba lubayan mo na ko? Tantanan mo na ko Warren!”

“Andrea naman. Wag ka namang ganyan, mag-usap tayo.”

“Wala na tayong pag-uusapan Warren! May ANAK na kayo ni ANNIKA at MAHAL ko ang boyfriend ko kaya kung ano man yang pag-uusapan natin, wag na lang!”

“Pano tayo? Pano yung nangyari satin? Ganun ganun na lang ba yun sayo Andrea?”

Natigilan ako sa mga tanong niya. Sa mga oras na to pakiramdam ko napakadumi kong babae. Oo may nangyari samin ni Warren nung araw na nagpahatid ako sa kanya. Hindi ko alam kung pano nangyari lahat basta ang alam ko nung mga oras na yun, gusto ko yung mga nangyayari, masaya ko nung araw na yun. Masaya ako na kay Warren ko ibinigay ang matagal kong iningatan.

“Oo Warren ganun na lang yun! Isang malaking pagkakamali lang yun. Mahal ko si Jervis hindi ko siya kayang lokohin.” 

“Hindi na ba natin maayos to? Andrea naman, wag naman ganito oh. Alam kong mahal mo pa din ako, Pano na tayo Andrea?”

“Wala nang tayo Warren matagal na. Simula nung pinili mo si Annika.” Punong puno ng sakita ang bawat salitang binibitawan ko. Nasasaktan nanaman ako dahil sa naging desisyon ni Warren noon. Bumabalik nanaman lahat ng sakit naramdaman ko nung gabing yun.

“Pero ikaw ang mahal ko Andrea, alam mo naman yun diba? Hindi ko na kayang makita na lagi mong kasama si Jervis, iniiwasan ko na si Annika, gusto nakitang makasama. Andrea mababaliw ako pag hindi mo na ako tatanggapin ulit.” Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilapit niya sa kanyang mukha na naging dahilan para maramdaman ko yung mga luha niya.

“Si Jervis ang mahal ko. Sorry” Binawi ko na ang mga kamay ko at maglakad na pa layo pero bigla niya kong hinatak at niyakap mula sa likod. Yakap na sobrang higpit.

“Hindi totoo yan Andrea, alam kong mahal mo pa din ako. Naramdaman ko yun, nung gabing yun Andrea wag mo na kong lokohin sabihin mo lang na mahal mo ko aayusin ko na lahat. Please?” Naramdaman ko naunti-unti na siyang lumuluhod. “Parangawa mo na Andrea, hirap na hirap na ko eh.”

“Tanggapin mo na lang Warren, hindi na kita kayang mahalin ulit dahil si Jervis na ang mahal ko. Tulad mo din mababaliw ako pag nawala si Jervis sakin.” Inalis ko ang mga kamay niya na nakayakap pa din sakin at naglakad palayo.

“Nagsisinungaling ka Andrea! Sinunggaling ka! Hindi totoo yan! Alam kong hindi totoo yan! Nagpapanggap ka lang na hindi mo na ko mahal pero alam ko ang totoo Andrea nararamdaman ko.”

----

“San ka ba galing? Umiyak ka ba? Sorry kanina, nadala nanaman siguro akong selos ko. Kaya kung ano-ano na lang naiisip ko. Sorry” Niyakap ko siyang mahigpit, alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya. Hindi ko mapigilan maiyak, baka pag nalaman niya yung nangyari samin ni Warren ay hindi niya na ko tanggapin.

“I love you. S-sorry.” Mas humigpit ang yakap ko sa kanya. Niyakap din niya ko at hinalikan sa buhok.

“I love you more Andrea. Sorry din kanina, wag ka na umiyak. Alam mo naman na ang panget mo pag-umiiyak ka eh.”

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon