STOPLIGHT [12]

1.1K 10 6
                                    

Thank you sa pag gawa ng book cover ko :)) ang ganda

------

WARREN’S POV

“Bat hindi mo kasama si Andrea?” - Annika

“Magkasama sila ni Jervis, mukhang ok na sila.” Kinuha ko si baby kay Annika, gwapo gwapo talaga ng baby ko mana sakin.

“Edi selos ka naman?” Napatingin naman ako kay Annika na busy sa pag-aayos ng gamit ng baby namin.

“Bat naman ako magseselos?” Humarap ako sa kanya, at tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sakin.

“Kilala kita Warren, gusto mo pa bang ielaborate ko sayo yung nararamdaman mo? Mukhang naguguluhan ka ata eh.”

Naguguluhan talaga ako, alam ko sa sarili ko na mahal ko pa din si Andrea pero pilit ko naman yung nilalabanan dahil alam ko na hindi na tama, may anak na kami Annika kaya dapat makuntento na ko sa pamilya ko.

“Natahimik ka na dyan? Akin na nga si baby, kumain ka na dun sa kusina.”

“Baby, baby pa nga tawag ni Jervis kay Andrea.”

“Baka sila na nga talaga? Pag balik mo ng school mamaya sabihin mo kay Andrea puntahan ako dito.”

---

“Warren”

Classmate ko nga pala to sa subject na to! Bwiset naman talaga oh!

“Ano?”

“Kami na ni Andrea, baka kasi nagtataka ka kung bakit ok na kami. Wala eh, ako na talaga yung mahal, hindi na ikaw. Kahit anong mga nasabi ko sa kanya dati tinanggap niya pa din ako.”

“Eh gago ka naman pala talaga eh.” Susuntukin ko dapat siya pero nakaiwas agad  siya

“Oooppss, teka ayaw mo naman siguro na pati pagkakaibigan niyo ni Andrea eh mawala ulit diba?”

Natigilan na ko sa sinabi niya, Tama siya hindi na nga ako mahal ni Andrea eh baka magalit pa siya sakin at pati yung pagkakaibigan namin mawala nanaman.

“Kaya Warren wag na wag mo ng lalapitan si Andrea kung ayaw mong pati yung pagkakaibigan niyo eh masira nanaman. Ayaw mo din naman siguro na mag-away ulit sila ng best friend niya dahil nanaman sayo.”

“Para kang babae, ang dami mong satsat.” Umalis na ko ng room at agad na pinuntahan si Andrea sa room niya. Napaka bading ng boyfriend niya.

“Oh Warren, napapadalas pag simanggot mo ah? Ang panget mo tuloy.”

“Tss! Puntahan mo daw si Annika, pinapasabi niya.”

“Sige yayain ko si Jervis mamaya para makita din niya si baby.”

“Sabi ni Annika ikaw lang daw, isabay na nga daw kita pagpunta dun eh.”

“Eh kasi Warren ano eh----“

“Hindi ka papayagan ng boyfriend mo?”

“Pano mo nalaman na boyfriend ko na siya?”

“Hindi ako manhid Andrea, lalong hindi ako tanga.”

“Ang sungit mo kainis ka! Bahala ka nga.”

“Antayin kita sa parking lot ng 6pm.”

“Bahala na Warren.”

“Aantayin kita Andrea.”

---

ANDREA’S POV

Nakakainis tong Warren na to! Pupunta dito tas susungitan lang ako, nakakainis talaga kanina pang umaga ganyan yan.

“Aantayin kita Andrea.”

Bakit parang may ibang kahulugan yung sinabi niyang yan? Feeling ko lang ba yun o meron talaga? Tsk! Warren naman ano bang problema mo?

“BABY”

“Naman to! Nakakainis ka na ah?” Bigla ba naman akong binatukan? Ang galing diba? Ang sweet ng boyfriend ko.

“Bat parang ang lalim ata ng iniisip mo?” Ipinatong niya yung phone niya sa lamesa at naupo. Nakita ko yung picture ko hahahaha ang cute ko talaga dun. Hindi niya pa din pala pinapalitan.

“Ganda ko talaga dyan kainis.”

“Anong problema mo?”

“Papaalam kasi sayo, hindi kasi ako makakasabay sayo pag-uwi.”

“At bakit naman?”

“Pupunta kasi ako kanila Annika mamaya, pinapapunta kasi niya ko tska gusto ko din naman makita yung inaanak ko.”

“Edi ihahatid kita, para sabay pa din tayong makauwi.”

“Eh gusto kasi ni Annika ako lang, simula kasi nung nanganak yun takot na yun sa tao.” HAHAHAHA sympre joke lang yun ah?

“Ihahatid kita tapos hintayin kita sa labas ng bahay nila.”

Unti-unti kong nilagay yung kamay ko sa braso niya, yung parang nakapulupot ako sa braso niya hahaha ang laki at yung muscles nararamdaman ko.

“Sasabay na lang ako kay Warren, pupunta din naman kasi siya mamaya dun eh.” Bigla niyang inalis yung kamay ko sa braso niya.

“Jervis naman eh” Hindi niya ko pinapansin, kinuha niya yung phone niya at naglaro. “Baby naman eh, kausapin mo ko.” Niyakap ko siya. “Pupunta lang naman kami kanila Annika eh.” Tinignan lang niya ko.

“BAHALA KA NGA! ANG ARTE MO!” mag wwalk out na dapat ako pero hinawakan niya ko sa kamay at ibinalik yung kamay ko sa pagyakap sa kanya.

“Bat naman kasi kailangan si Warren pa yung kasabay mong pumunta dun eh. Ayoko nga nakikita na magkasama kayong dalawa, pag nakikita ko kayo namamamatay ako sa selos kahit na alam kong akin ka lang, hindi ko pa din maiwasan eh.”

Kinilig ako sa sinabi niya hahaha ganito pala ka seloso si Jervis. Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko.

“Sa dami naman ng pagseselosan si Warren pa? May anak na sila ni Annika diba? Tsaka ikaw na ang boyfriend ko, hindi kita pagpapalit.”

----

“Sure ka ayaw mo talagang ihatid kita kanila Annika?”

“Jervis nag-usap na tayo diba?”

“Baka lang biglang magbago isip mo.”

Magkahawak kamay kaming naglalakad papuntang parking lot, dun kasi kami magkikita ni Warren.

“Tara na?” – Warren

“Alis na kami, ingat ka sa pagddrive, itext mo ko pag nakauwi ka na.” – Ako

Ngumiti lang si Jervis at bigla akong hinalikan sa labi. Naramdaman ko pang ngumiti siya habang hinahalikan ako.

“Ikaw ang magtext agad kung asan ka na. Ingat ka ah? Mahal na mahal kita.”

“Tara na Andrea, gagabihin na tayo.”

Umalis na kami ni Warren at si Jervis naman ay umuwi na.

Sa kotse

“Akala ko hindi ka na darating.”

“Namimiss ko na si Annika tsaka yung inaanak ko kaya imposibleng hindi ako darating.”

“Akala ko kasi iiwasan mo na ko.”

“Puro ka akala dre ah? Hahahaha at bakit masyado kang seryoso?”

“Pano naging kayo ni Jervis?”

“Ay yun ba? Kagabi kasi nung pagkahatid mo sakin nasa bahay pala siya, tas yun nag sorry na siya. Sinabi niya na mahal pa din niya ko nadala lang siya ng selos kaya nasabi niya mga yun.”

“Pano kaya kung hinatid kita hanggang sa loob ng bahay niyo? Edi sana hindi naging kayo ni Jervis.”

“Warren?”

 -------

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon