STOPLIGHT [3]

1.6K 16 3
                                    

Warrens' POV


Nakita ko yung kotse niya sa kahabaan ng traffic, nandito ako malapit sa stoplight na lagi na lang problema ni Andrea. Bigla ko na lang kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang driver namin.

"Mang Isko, nandito ako sa may Makati malapit kanila Andrea pakikuha na lang po itong kotse ko, iiwan ko dito. itetext ko na lang sa inyo ang eksaktong lugar."

"Bakit? Nasiraan ka ba?"

"Hindi po, may importante lang po akong gagawin."

"Sige iho. magingat ka"

Kinawayan ko si Andrea, nagbabakasakali na lapitan niya ko. Gusto ko siyang makasama kahit sandali lang. At dahil sadyang mabait si Andrea pumayag pa din siya na isabay ako kahit alam kong nagdadalawang isip pa siya. Alam kong galit pa din siya sakin dahil sa mga nagawa ko sa kanya.

Sa Parking lot

Palabas na kami ng kotse ni Andrea bumungad na agad samin ang galit na galit na si Annika.

"Bakit ngayon ka lang? At bakit kasama mo si Andrea?"

Sasagot pa lang ako ng bigla ding lumapit si Jervis, tinawag niya si Andrea at nagmadali naman si Andrea na umalis kasama siya.

"Ano bat hindi ka sumagot? Bakit kasama mo si Andrea?"

"Pwede ba Annika, hindi ko kailangan magpaliwagan sayo."

"Baka nakakalimutan mo Warren may usapan tayo."

"Alam ko hindi ko nakakalimutan."

Umalis na ko at iniwan siya. Wala akong panahon para magpaliwanag kay Annika o ano pa man.

Sa isang fastfood sa tapat ng school

Nakita ko si Andrea na kasama nanaman si Jervis, masaya silang nagkkwentuhan habang kumakain. Napatitig ako sa kanya, na agad namang nakita ni Annika.

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon