STOPLIGHT [16]

863 12 3
                                    

"baby naman bat hindi mo ko pinapansin? kanina pa ko daldal ng daldal dito oh"

"hoy bakla kanina pa kita inaantay, yung bag ko asan na?"

"baby naman wag kang ganyan. sige ka iiyak ako."

tumayo ako para kunin yung bag ko mula sa classmate ko.

"problema ni concert king?" tinignan ko naman yung nginuso niya. si Jervis nakaupo sa upuan ko at nakasimangot

"gusto atang kumanta neng" - Classmate 2

Hindi ko na lang pinansin mga sinasabi nila. Naupo na ko sa upuan malapit sa bintana at humarap dun

"AY PALAKANG BAKLA"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA agsjdjebsodheiakfowy" wala akong naintindihan sa sinabi niya nasa labas kasi siya. sumenyas siya na lumabas daw ako.

"Anong sabi mo? wala akong naintindihan"

"Sabi ko ang ganda mo."

"Sus alam ko na yun. Bat ka nandito?"

"Naiwan mo kagabi. Baka nahulog o ano." Kinuha ko yung inabot niyang bracelet. Hindi ko napansin na nahulog pala yun.

"Ay hindi ko napansin. thank you ah?"

"Buti sa kotse mo naiwan. Kung doon siguro mo sa mall naiwan naku lagot ka kay Micah"

Lagot talaga ako kung nagkataon. Bigay pa naman sakin to ni bes bago siya umalis. Hay miss ko na yung bruhang yun

"EXCUSE NGA" Tinignan ko yung nagsalita at medyo umusog sa gilid. Nakita ko si Jervis na galit, tinignan lang niya ko at naglakad na palabas ng room.

"Oopps. Alis na ko." Pagkasabi ni Warren nun umalis na siya. Sakto naman na dumating yung prof namin

Natapos na yung klase pero hindi pa din bumabalik si Jervis

"Neng punta tayo sa mall kain tayo sa McDo nagugutom na kami eh." - Mylene (Siya si classmate number 2)

"Mamaya pa namang 3 next class natin eh. hanapin na din natin si concert king" - Step (Si classmate number 1 naman yan)

Pumunta naman kaming tatlo sa mall , hinanap muna namin si Jervis bago kumain pero hindi namin siya nakita kaya nauna na kaming kumain.

"bat hindi mo na lang kasi itext."

"Oo nga neng itext o kaya tawagan mo na lang kasi."

kinuha ko na yung phone ko para itext si Jervis. Bigla namang natahimik yung dalawa sa pagdaldal.

"Neng ayun na pala si Jervis oh." sabi niya habang nakanguso sa may entrance ng McDo. "Sino yung kasama niyang babae?"

Kaya naman pala hindi pumasok ang bwiset may iddate pala! Waaaahhh naiinis ako, tumayo ako at naglakad palabas ng McDo,ewan ko kung nakita nila ko oh ano.

"HOY BAKLA INTAYIN MO NGA KAMI."

"Bat kayo tumatakbo?"

"Ang bilis mong maglakad eh." First year pa lang ako kaklase ko na tong dalawang to. hindi ko nga lang sila madalas nakakasama pero close pa din naman kami.

"Sino ba kasi yung kasama ni Jervis? bat hindi natin siya pinuntahan?"

"Tara sa quantum"

JERVIS'S POV

Badtrip hindi man lang ako sinundan ni Andrea. Hindi na nga ako pinapansin sa hindi ko malamang dahilan tapos malalaman ko si Warren pala kasama niya kagabi nung iniwan niya ko sa McDo.

San naman kaya ako pupunta? Ayokong bumalik sa room sayang walkout ko ui. MakapagBilliard na nga lang.

"Cindy anong ginagawa mo dito?"

"Oi Jervis, nag enroll kasi ako dun." tinuro niya yung university kung saan ako nag-aaral. "dun na ko nag-aaral hirap sa Canada eh."

"Schoolmate pala tayo eh."

Naglaro lang kami ni Cindy ng billiard hanggang sa makaramdam kami ng gutom kaya napagkasunduan namin na pumunta sa mall at kumain.

"Sa McDo na lang tayo kumain, gusto ko ng fries nila eh."

"Yung kasama mo kahapon sa McDo sino siya?"

Hindi ko nga pala napakilala sa kanya si Andrea kahapon. Kaya siguro yun nagalit yun. Nagselos hahahaha Andrea talaga oh possessive.

"Girlfriend ko. Pakilala kita next time, nasa school kasi siya ngayon eh."

Nakarating na kami sa McDo. Dumiretso na kami sa nakita naming bakanteng upuan habang nag-iisip ng kakainin namin.

"HOY BAKLA INTAYIN MO NGA KAMI" Boses ni Step yun ah? Napalingon ako, tama si Step nga tsaka Mylene, nakita ko din si Andrea na palabas ng McDo. Lagot nanaman ako nito.

"Girlfriend mo yun right? Naku nakita ata tayo. Lagot ka, dali sundan mo na." tumayo naman ako agad at humarap ulit bago umalis.

"Thank you babawi ako sayo promise."

San naman kaya yun napunta? Ang bilis naman nilang nawala. Naku naman talaga oh.

Ayun! Sabi na eh dito yun pupunta. Lalapitan ko na siya pero bigla niya kong nakita

"Subukan mong lumapit babarilin kita!"

Natawa ko bigla hahahaha ang cute niya talaga. lalo pa niyang tinutok sakin yung hawak niyang baril.

"Baby naman eh para kang baliw dyan, ibaba mo nga yan." Lumapit na ko sa kanya at niyakap siya.

"Pano mo nalaman na nandito ako?"

"Dito ka lang naman nagpupunta pag badtrip ka eh."

"Tara?"

"San nanaman? Akala mo ba ok na tayo? Di pa ui." Umalis siya sa pagkakayakap ko

"Sa school, may klase pa tayo ano ka ba?"

"Uuwi na ko. Masama kasi pakiramdam ko eh."

"Hatid na kita sa inyo. tara?" hinawakan ko yung kamay niya pero agad naman niyang tinangal

"Dala ko kotse ko. sige na balik ka na sa school, sabay mo na din yung dalawa."

Nagmadali siyang umalis. Ano ba naman yan akala ko ok na kami.

"Hoy tara na concert king"

Buong araw hindi man lang nagtext si Andrea ni hindi man lang sinasagot mga tawag ko.

----

SABAW BA? IKR HAHAHAHA SORRY NAMAN BC TALAGA AKO SA THESIS AT MGA EXAM. AND SORRY SA MGA TYPO PAG NAGKATIME AKO IEEDIT KO TALAGA LAHAT. TSKA MOBILE LANG KASI

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon