STOPLIGHT [7]

1.4K 15 3
                                    

YELLOW/ORANGE – READY to fall in love

Yes I’m so ready to fall in love 2nd color ng Stoplight ^______^

Kaya naman nandito kami ngayon sa tagaytay ni Jervis nagdedate hahahaha. Pinayagan ko na kasi siyang manligaw, papakipot pa ba ko eh gusto ko na siya. Hindi naman kasi mahirap magustuhan si Jervis, nagpakatanga lang siguro ako masyado noon kay Warren kaya hindi ko siya masyadong napapansin.

“Dalawang buwan na kong nanliligaw. Kailan mo ba ko sasagutin? Oo sweet tayo sa isa’t-isa pero kailangan din naman na malaman ng lahat na tayo na talaga. Aba Andrea ang daming gustong manligaw sayo.”

Kumakain kami ngayon sa isang restaurant dito sa tagaytay, ang ganda ng view nakakainlove kahit ilang beses na kong nakapunta dito amaze na amaze pa din ako sa lugar. Ang sarap tumira dito.

“Kalma ka lang dadating din tayo dyan. Ikain na lang muna natin yan.”

Nag pout siya hahahaha ang cute niya ^__________^

“Oh bakit? Napapagod ka na ba sa panliligaw?”

“Sympre hindi! Ano ka ba? Ngayon pa ba ko magsasawa eh alam kong gusto mo din ako.”

“Over confident lang pre?”

“Nararamdaman ko Andrea, wag ka na magdeny”

---

Sa sobrang pag ka excite kong pumasok ngayon, nasobrahan pala ang pagka-aga ko. Wala pa palang mga estudyante dito sa school pag ganitong oras. Hindi naman kasi ako sanay pumasok ng ganito ka-aga diba? Tinignan ko relo ko 6:30am pa lang pala hahahahaha 8:30am pa yung meeting. Nakakatakot pala dito baka bigla akong may makasalubong na babaeng walang ulo o kaya baka biglang may batang tatakbo tas mawawala hahahahaha tinakot ko pa talaga ang sarili ko.

“AY BUTIKING BAKLA!”

Napahawak ako sa dibdib ko. Kasi naman diba tinatakot ko nga yung sarili ko habang naglalakad dito sa hallway na medyo madilim eh biglang may susulpot sa harapan ko at natatawa.

“Bakit sobrang aga mo ata ngayon? Hapon pa klase mo diba?”

“Pakielam mo ba?”

Nilagpasan ko lang siya at maglalakad na dapat ako palayo ng bigla pang namatay yung konting ilaw na nakabukas. Napatakbo tuloy ako at napayakap sa kanya.

“Warren” Parang bata kong sabi

“Kahit kalian talaga duwag ka.”

Niyakap niya din ako pero sobrang higpit. Hinawakan niya ang mukha ko at unti-unting nilapit sa kanya, Palapit ng palapit sa mga labi niya. Hinalikan niya ko ^___________^

“Namiss ko yung ganito. Namiss ko yung pwede kitang halikan at yakapin, yung laging ako yung kasama mo. I love you Andrea alam mo yan.”

“Warren, mahal din kita p--“

Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang nagkailaw at hinalikan niya ulit ako. Nakita ko yung mga luha niya. Umiiyak siya. Bigla kong naalala si Annika at Jervis, alam kong hindi tama tong ginagawa namin ni Warren, girlfriend niya na si Annika ngayon at si Jervis naman alam kong mahal niya ko.

Unti-unti ko siyang tinulak palayo.

“Mahal pa din kita Warren inaamin ko yun, hindi yun dun basta-basta mawawala.” Ngumiti ako ng pilit habang pinupunasan yung mga luha ko.

“Mahal kita Andrea at pinagsisisihan ko lahat ng mga nagawa ko sayo. Gusto kong maging tayo ulit, aayusin ko to pangako. Antayin mo ko Andrea.”

“Alam mo ba nung si Annika ang pinili mo, pinilit kong maging masaya para sa inyo ng kaibigan ko. Wala kayong narinig sakin, kasi alam kong dun kayo masaya pero hindi niyo alam kung gano kasakit yun. Sobrang sakit Warren. Yung trinaydor ka ng bestfriend mo at ng lalaking pinakamamahal mo. Ang sakit sakit.”

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon