STOPLIGHT [11]

1.1K 14 5
                                    

“Good morning baby”

Gising na ba talaga ako o panaginip lang to? Bakit nandito siya sa labas ng bahay namin? At bakit baby ang tawag niya sakin? Ang aga-aga ko tuloy kiligin. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi, namumula na ko sa harap niya, nakakahiya hahahaha.

“Good morning din. Bakit nandito ka?”

“Sinusundo ko ang girlfriend ko para sabay kaming papasok sa school. Ayaw mo ba?”

Sobra na ata yung pamumula ko sa harap niya. Nakakahiya naman oh! Hindi ako sanay na sobrang sweet ni Jervis, sweet naman talaga siya eh pero grabe naman ngayon lvl100000 na yung kasweetan niya mag mula pa kagabi eh.

Flashback

“Bakit nandito ka? Anong kailangan mo?”

“Gusto sana kitang makausap, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng mga nasabi ko sayo dala lang yun ng selos at galit kaya ko nasabi lahat ng yun. Andrea mahal na mahal pa din kita, walang nagbago dun”

Ito na yung hinihintay ko, yung kausapin ako ni Jervis at humingi ng tawad sa mga sinabi niya. Oo masakit yung mga sinabi niya sakin pero hindi ko naman siya masisisi eh. Nagpadala lang siya sa mga nakita niya, yun nga lang hindi man lang niya ako kinausap bago siya nagisip ng kung ano-ano.

“Pano kung totoo pala lahat ng sinabi mo? Na malandi ako? Na pumayag akong maging kabit ni Warren?”

“Wala akong pakielam kung totoo man yun o hindi, basta ang mahalaga mahal kita, hindi ko kaya na hindi ka kinakausap, hindi ka nakakasama lalo na ngayon na palagi mong kasama si Warren lalo akong nagseselos, nahihirapan akong nakikita ka na kasama siya dahil gusto ko ako yung kasama mo.”

May nakita akong pumatak na luha galing sa mata niya, nung una pinipigilan pa niya yun pero nagtuloy tuloy na, hinawakan ko yung mukha niya at pinunasan yung mga luha niya. Hinawakan niya yung kamay ko na nasa mukha pa niya.

“Hindi ko kaya na makita kang masaya ka sa iba Andrea, gusto ko ako yung nagpapasaya sayo, gusto ko ako yung mahal mo, gusto ko akin ka lang, Mahal na mahal kita Andrea. Mapatawad mo sana ako.”

May tumulo na ding luha galing sa mata ko, akala ko hindi niya na ko mahal, akala ko wala na kong halaga sa kanya simula nung nagalit siya sakin. Pero ito nasa harap ko ulit siya, umiiyak at paulit-ulit sinasabi na mahal niya ko.

----

“Eeh gusto ko nga baby eh! Ayoko ng beb!”

“Kasi naman ano ko sanggol?”

“Arte nito! Oh wag na lang Andrea! Ayoko na! Ayoko na! Wala na!”

Binitawan niya yung kamay ko at naunang maglakad papunta sa park ng village. Parang batang hindi pinayagang maligo sa ulan ang itsura niya hahahaha naka pout pa hahaha ang gwapo niya ^___^

Sinundan ko na siya sa paglalakad, nung huminto na siya sa harap ng bench, niyakap ko siya mula sa likod. Humarap siya sakin at hinawakan yung baba ko.

“Wag ka sanang mailang sakin Andrea, gusto ko yung maging normal ka lang sa harap ko. Yung parang dati lang, dahil kasi dun minahal kita eh.”

“Ganun?” Tumango lang siya at niyakap ako. After 1 minute humiwalay na ko sa yakap niya at biglang

“ARAY NAMAN! BAT MO KO BINATUKAN?”

“ANG ARTE ARTE MO NAMAN KASI EH! MAY PA BABY BABY KA PANG NALALAMAN DIYAN.”

End of Flashback

“Intayin mo ko mamaya sa room mo ah? Sabay tayong maglulunch. Osige na kiss mo na ko.” At sabay ngumuso.

“Para kang tanga. Pumasok ka na nga sa klase mo!”

“Hahahahahahaha ito naman damot isang kiss lang naman eh. Sige na punta na ko sa klase ko. Intayin mo ko mamaya ah? Puntahan kita pag break niyo na. Behave ah kundi babatukan kita.”

“Baka ikaw batukan ko? Gusto mo sample? Pumasok ka na nga.”

“Bye BABY! See you later I LOVE YOU!” at tska siya umalis. Nakakabaliw na talaga wala pa kaming 24 hrs na kami pero grabe na yung kilig na nararamadaman ko.

Teka! Hindi ko pala na tanong sa kanya kung bakit hindi na kami mag ka-block ngayong sem, eh sa pagkakaalam ko parehas naman kaming walang binagsak last sem. Pero ok na yun ayoko din naman na classmate ko yung boyfriend ko, nakakahiya kaya yun. Baka hindi ko na mapagtripan yung mga prof ko pag nagkataon.

“Anong I love you pinagsasabi nun?”

“Hoy Warren, anong ginagawa mo dito?”

“Bat hindi mo kaya muna sagutin yung tanong ko?”

“Bat ang sungit mo?”

“Ewan ko sayo Andrea, ang tanong sinasagot, hindi tinatanungan ulit ng isang pang tanong.”

“Walk-out dre?”

Problema kaya nun? Bigla-bigla na lang susulpot tas magtataray lang tapos walk-out? Tsk! Wala pa ding pinagbago tong Warren na to. Bahala nga siya sa buhay niya basta ako papasok na sa klase ko. At iintayin ang matapos ito hahahaha excited na ko makita ulit si Jervis eh.

----

“HI BABY kanina ka pa?” makasigaw naman tong lalaking to parang nasa kabilang building ako.

“Kalalabas ko lang, nagugutom na ko.”

“Tara kain na tayo.” Kinuha niya lahat ng gamit ko na hinawakan ang kamay ko.

JERVIS’S POV

Naglalakad na kami papunta na kami sa cafeteria nung nakasalubong namin si Warren na papunta sa direksyon namin.

“Warren!” - Andrea

“Ano?” - Warren

“San ka pupunta?” - Andrea

“Pupuntahan dapat kita yayayain sana kitang kumain kaso mukhang may kasabay ka na eh.” – Warren

Napatingin siya sa kamay naming dalawa ni Andrea na magkahawak. Sabi ko na nga ba eh si Warren ang magiging problema namin ni Andrea kahit na sabihin pa natin na may anak na sila ni Annika at sinasabi niya na hindi na niya mahal si Andrea.

“Kung gusto mo sumabay ka na lang samin?” Pag singit ko na mukhang kinagulat naman niya.

“Hindi na, kayo na lang sa bahay na lang ako kakain, pupunta nga pala ko kanila Annika ngayon. Sige una na ko.” – Warren

“Sure ka? Sige ikamusta mo na lang ako kay Annika.” - Andrea

“Sige Andrea, ingat ka sa pag ddrive pa uwi.” - Warren

“Ihahatid ko naman siya eh, wala kasi siyang dalang kotse, sinundo ko kasi siya kanina sa bahay nila.” Hahahahaha ang epal ko lang sa usapan nila. Hindi na ako pinansin ni Warren at bumeso na siya kay Andrea na ikinagulat ko naman kaya medyo nahatak ko si Andrea palayo kay Warren.

“Aray naman Jervis.” Sigaw agad ni Andrea nung pag talikod ni Warren

“Sorry. Tara na gutom ka na diba?”

Habang kumakain kami hinawakan ko ang kamay ni Andrea na medyo kinagulat naman niya.

“Andrea, hindi mo naman ako ipagpapalit kay Warren diba?”

“Hindi, tska ano ka ba? Imposible yun no! May anak na sila ni Annika tska mag kaibigan na lang talaga kami. Kumain ka na lang nga dyan.”

Mahal na mahal kita Andrea, hindi ako papayag na maagaw ka ng kahit na sino, lalo na ng Warren na yun. Lahat gagawin ko wag ka lang mawala sakin.

 ----

(A/N) SORRY KO SOBRANG KONTI NG UPDATE NATO. TALAGANG SUPER BC LANG AKO SA KUNG ANO-ANONG BAGAY.

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon