“Wow sobrang lamig ba ngayon at naka scarf ka? Ha zombie”
Inayos ko pa ng mas mabuti ang scarf na nakabalot sa leeg ko. “Trip ko lang yan, alam mo naman ako mas trip ko yung naiiba sa nakakarami.”
“Ano nga palang nangyari kahapon sa mall? Nakita ba kayo nila Annika? Narinig kasi namin si Annika na nagpapasama kay Jervis na puntahan kayo ni Warren.”
“Annika?Hindi ko siya nakita, si Jervis lang.” Bigla akong namula nung nabanggit ko yung pangalan niya, naalala ko nanaman yung nangyari kahapon, hindi pa nga ako nakakatulog ng dahil dun eh.
“Gosh! Nakita ka niya na kasama si Warren?” Nanlalaki ang matang tanong niya.
“Hindi, palabas na ako ng mall nung nakita niya ako. Iniwan ko si Warren sa loob ng mall.”
“Buti na lang, kundi gulo nanaman yun” Hinampas niya pa ako kaya medyo nagulo yung scarf ko.
“Oh!” Nilagay niya ang kanang kamay niya sa may bibig niya, na nagpapakita na nagulat siya.
“Tss!” Inayos ko na lang agad ang scarf bago pa may ibang makakakita.
“Kwento na dali, bakit meron kang love bite sa iyong leeg missy? Siguro may nangyari sa inyo ni Jervis no?” Napapailing na lang ako ng dahil sa sobrang straight forward ng taong to.
“Kinagat ata ako ng lamok o ipis kagabi.”
“Hindi benta te! Wala tayo sa unang panahon.”
“Anong meron at ang aga-aga eh nagchichismisan kayong dalawa?” Napatingin kami sa nagsalita. Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya, namumula nanaman ako, nahihiya ako sa kanya.
“Kumain kna?” Tumango na lang ako at nagbuklat ng libro.
“Bat natahimik ka? Hahahahaha! Ano ba kwento na dali. Pano ka ba nakagat ng ipis?"
Narinig ko yung mahinang pagtawa ni Jervis at bulong sa mula sa likod ko. “Ipis na ba ako ngayon?” Lalo akong namula sa sinabi niya.
“Hoy ano yan? Bakit kayo nagbubulungan? Tungkol ba yan sa ipis na kumagat sa leeg nitong si Andrea?”
"Pwede ba Mylene maupo ka na nga!Asan ba si Steph?"
"Aba malay ko sa bruhang yun. Baka nandun sa boyfriend niya at nagpapakagat sa ipis."
---
"Bakit ang tahimik mo?" Biglang tanong ni Jervis habang inaantay namin sila Steph.
"Ha? Hindi naman." Hindi ako makatingin ng direstosa mga mata niya. Nahihiya ako, nahihiya ako dahil alam na niya na hindi siya ang nakauna sa akin at nahihiya ako dahil kinikilig ako.
“Dahil ba sa nangyari kagabi?” Nahapas ko siya sa kaliwang braso dahil sa pagkagulat, medyo malakas ang pagkakasabi niya. “Ano ba! Wag ka nga maingay, baka may makarinig sayo.” Tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Stoplight
Teen FictionRED means STOP – Stop holding on to your past YELLOW means READY – be Ready to fall in love again GREEN means GO –Go for the one you love Paano nga ba kalimutan ang nakaraan na puro magagandang ala-ala? Paano ba magmahal ulit kung ang tangging gusto...