JERVIS’S POV
“Hi Jervis, san ka pupunta?”
“Canteen.” Walang kagana-ganang sagot ko kay Cindy na wala ng ibang ginawa kundi ang umaligid sa akin.
“Sakto! Dun din punta ko eh, tara sabay na tayong mag lunch.” Hinawakan na niya ang kamay ko at hinatak ako papasok sa canteen.
“JERVIS!!!” Narinig ko siyang sumigaw mula sa likod ko, alam ko na nakita niya ako dahil pagpasok pa lang namin ng canteen ay nakatingin na agad siya.
“Hi Andrea.”
Lumapit siya sa akin, hindi niya pinansin ang pagbati sa kanya ni Cindy.
“Kanina pa kita inaantay, tara dun na tayo sa table natin.” Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
“Sorry Andrea pero sabay kasi kaming maglulunch ni Cindy ngayon eh.” Nakita ko ang biglang pagkalungkot ng mga mata niya, at siya namang kinatuwa ni Cindy. Unti-unting bumaba ang kamay ni Andrea na kanina ay nakalahad sa harap ko na parang napahiya. “Sige Andrea, una na kami gutom na kasi si Cindy eh.”
“Jervis—“ Mahinang tawag ni Andrea sa pangalan ko, hindi ko na siya pinansin at inakay na ang ngiting ngiti na si Cindy papunta sa counter.
“Ikaw Jervis ah? Nagtataka na ako sayo, bakit ata parang mas gusto mo na akong kasama keysa kay Andrea? Siguro mahal mo pa din ako no?”
“Manahimik ka na nga lang dyan, baka masaktan ka lang sa isasagot ko.”
“Sungit mo talaga wala ka pa ding pinagbago, paano ka kaya napagtiisan ni Andrea?” I bitterly laughed at her question, paano nga kaya ako napagtiisan ni Andrea? Paano niya napilit yung sarili niya na pakisamahan ako?
ANDREA'S POV
Si Cindy ang mas pinili niyang makasama keysa sa akin. Bakit ganun? Ito na ba yung simula ng pagiwas niya? Hindi pa naman kami break ah? Hindi naman ako pumayag sa gusto niya. Nasa ganung pagiisip ako ng biglang may bumatok sa akin.
"Ano ba masakit ha?" Tinignan ko ang bumatok sa akin, natatawa siyang naupo sa tabi ko at inilagay ang kanyang kamay sa sandalan ng upuan kaya nag mukha tuloy siyang nakaakbay sa akin.
"Ano ba umayos ka nga! Baka kung ano isipin ng mga tao." Inalis ko ang kamay niya pero binalik din niya agad. "Ikaw binibigyan mo ng malisya. Malisyosang to."
"Ehh ang cute niyong tignan parang wala kayong nakaraan." Tinignan ko ng masama si Mylene na kinikilig pa.
“Punta tayong mall, nood tayong sine. Treat ko.”
“Kasama kami?” Tuwang tuwang tanong ni Mylene
“Oo group date, hindi kasi pwedeng dalawa lang kami ni Andrea hahahaha. Issue yun kung sakali. Ano tara?” Nagusap pa silang tatlo kung ano ang magandang panoorin.
“May klase tayo, ano ba naman kayo.” Pagsingit ko sa pag-uusap nila.
“Sus! Wala namang ginagawa dun eh, sayang yung tatlong oras kung tatanga lang tayo dun. Balik na lang tayo sa next subject.”
"Hindi pa kayo papasok? May klase na ah?" Tumingin ako sa nagsalita, hindi siya nakatingin sa akin ibigsabihin lang hindi ako ang kausap niya.
“Hindi kami papasok. Manonood kaming sine treat ni Warren.” Si Mylene ang sumagot, nahalata ata niya na hindi ako ang kausap ni Jervis.
“Sige. Ingat kayo.” Pagkasabi niya nun ay umalis na agad siya, naiwan si Cindy na inirapan muna ako bago tuluyang umalis.
“Problema nung Cindy na yun? Maganda siya sa tingin niya?”
BINABASA MO ANG
Stoplight
Teen FictionRED means STOP – Stop holding on to your past YELLOW means READY – be Ready to fall in love again GREEN means GO –Go for the one you love Paano nga ba kalimutan ang nakaraan na puro magagandang ala-ala? Paano ba magmahal ulit kung ang tangging gusto...