STOPLIGHT [9]

1.4K 20 10
                                    

“Ano bang problema mo? Bat ayaw mo akong kausapin? May nagawa ba ko?”

“Wala”

“Eh bat ganyan ka? Ilang ilang araw mo na kong hindi kinakausap.”

“Bakit pa? Eh Masaya ka naman na kay Warren diba?  Nakikipaglandian ka sa kanya kahit na alam mong sila ni Annika. Yun naman pala yung gusto mo eh yung maging kabet, yung nakikipaglandian ng patago sana sinabi mo agad sakin para yun yung ginawa ko.”

PAKKKKKKKKKKK

“Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan. Ang sakit alam mo ba yun? Hindi ko inaasahan na sayo ko pa maririnig yan.”

“S-sorry.”

Lumakad na ko palayo sa taong kinamumuhian ko. Mas masakit pa to keysa sa ginawa sakin ni Warren at Annika. Sa dami-dami ng pwedeng mag sabi sakin ng mga masasakit na salita bakit si Warren pa. May nagawa ba kong masama nung past life ko at ganito ako kamalas?

“Oh Andrea anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan itsura mo?”

Niyakap ko siya, Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko, siguro dahil alam kong mapapagaan niya kahit papano yung loob ko. Bestfriend ko siya eh, alam niya kung pano ako niya magagawa yun.

“Sige iyak mo lang yan. Nandito lang ako hintayin kong magkwento ka.”

“Sorry, sorry sa mga masasakit na salita nasabi ko sayo noon, alam ko nasaktan kita.”

“Tapos na yun, alam kong ako may kasalanan dati kaya mo nasabi sakin yung mga yun. Ano bang nangyari?”

“Ang sakit masabihan ng malandi, kabet at kung ano anong masasakit na salita lalo na pag galing sa taong alam mong hindi ka sasabihan ng ganun, yung taong alam mong mahal ka. Ang sakit-sakit Annika.”

“Si Jervis ba?”

“Akala niya kasi may relasyon kami ni Warren, akala niya pumayag ako na maging kabet. Alam mo naman na hindi ko gagawin yun diba? Sa dinami-dami ng taong pwedeng magsabi nun bakit si Jervis pa?”

“Siguro may dahilan siya kaya niya nasabi basta ang mahalaga Andrea eh alam mo sa sarili mo na hindi mo ginawa yun, kung yun yung paniniwala niya hayaan mo siya atleast ngayon pa lang nalaman mo na. Ice cream cake?”

“Alam mo pa din talaga kung pano ako papatahanin ah?”

“Sympre naman, bestfriend mo kaya ako. Tara kusina may ice cream ako dun.”

Pumunta na kami sa kusina, dumiretso siya sa harap ng ref at kumuha ng ice cream cake.

“Wala pa ding pinagbago tong apartment mo ah?”

“Kilala mo naman ako, ayoko ng paiba-iba ng ayos.” Inabot niya sakin yung kinuha niyang ice cream cake sa ref. Inumpisahan ko ng kainin sympre favorite ko to eh. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain.

“Annika”

“Mahal, bakit nandito ka? Kala ko may lakad kayo nila tita?”

“Hindi na tuloy eh. Hi Andrea”

“Sige. Hi.”

“Anong ginagawa mo dito?”

“Bahay mo pre?”

“Nagtatanong lang naman sungit nito. Bat ganyan itsura mo? Ang panget mo na pre”

“Yabang nito parang hindi na inlove sakin dati.”

“May problema yan kaya ganyan itsura niya” Inabutan niya ng ice cream cake si Warren.

“Anong problema mo babe?”

Natawa si Annika, walang hiyang Warren kasi to inaasar ako sa harap ng bestfriend ko na girlfriend niya ngayon.

“Wala nevermind.”

“Si Jervis kasi pinagseselosan ka, ang akala niya eh kabet mo si Andrea at sinabihan siya ng malandi.”

“Grabe naman yun. Hanap ka na lang iba.”

“Wala ka talagang kwentang mag advice.”

“Eh anong gusto mong sabihin ko? Ok lang na sinabihan ka niya ng malandi at kabet? Andrea naman hindi kita pinakawalan para lang sabihan ka ng ibang lalaki ng ganun.”

“Ewan ko sayo Warren wala kang kwentang kausap.”

“Ang akin lang Andrea, madami pang lalaki dyan. Bakit ka magtitiis sa taong judgemental?”

“Malay mo naman may dahilan yung Jervis nay un kaya niya nasabi yun? Malay mo nagseselos lang siya sayo kaya nasabi niya yun kay Andrea.”

Nag kwentuhan lang kami buong araw. Namiss ko tong dalawang to, buti naging ok na din talaga kami, nasasabi ko na ulit sa kanila yung mga problema ko.

“Uwi na ko gabi na pala.”

“Hatid mo na si Andrea Warren hindi niya ata dala kotse niya.”

“Hindi ok lang. May taxi naman eh.”

“Halika na aarte pa? hahahaha”

“Nakakainis ka talaga! Dapat si Annika lang naging kaibigan ko ulit eh, lagi mo kong inaasar.”

“Wala kang choice kadikit na ng pangalan ni Annika ang pangalan ko.”

“Ewan ko sayo. Bye Annika.”

“Bye! Thank you Andrea.”

“Balik ako mahal, hatid ko lang si Andrea.”

“Seryoso Annika at Warren ang panget ng tawagan niyo hahahahaha. Pumasok ka na Annika baka mahamugan ka.”

“Ingat kayo, text mo ko Andrea pag may ginawa sayong masama tong si Warren ah?”

Kakaibang araw to! Nawala nga siguro sakin si Jervis pero may bumalik naman na dalawa. Tatlo pa nga eh ^_______^ kinuha nila akong ninang. Awkward? Nung una akala ko ganun yung mararadaman ko nung kinausap nila ko pero ngayon parang walang nangyari siguro dahil talagang napatawad ko na sila at mas pinapahalagahan ko yung pagkakaibigan namin ni Annika at ni Warren.

“Thank you Andrea”

Nandito na kami sa gate ng bahay namin. 11pm na ata super late na.

“Ako nga dapat mag thank you kasi hinatid mo ko.”

“Thank you kasi tinanggap mo ulit kami ni Annika sa buhay mo. Thank you kasi napatawad mo na kami.”

“Madrama lang pare?”

“Tandaan mo Andrea, madaming lalaki dyan wag kang iiyak ah? Tama na yung pagiyak mo sakin, ang panget mo pa naman pag-umiiyak.”

“Sus!”

Niyakap niya ko, walang malisya. Talagang nakaMoveOn na ko sa mga nangyari samin ni Warren.

“Umuwi ka na. Inaantay ka ni Annika.”

Hindi pa nakakalayo yung sasakyan ni Warren nung may papalapit sakin na lalaki.

“Pumunta ko dito para mag sorry sa mga sinabi ko sayo kanina dahil alam ko nasaktan kita pero mukhang hindi naman kailangan yung sorry ko.”

Hindi ko siya pinansin o tignan man lang pero hindi ako makagalaw, hindi ako makapasok sa bahay namin, parang pinako yung mga paa ko sa lupa. Yung mga luha ko naguunahan nanaman sa pagtulo.

“Wala pala akong dapat ihingi ng sorry dahil napatunayan ko na tama lahat ng mga sinabi ko.”

Yun lang at umalis na siya. Ako naman naiwan sa kinakatayuan ko na hindi pa din tumitigil sa pag-iyak para akong sinaksak ng ilang beses. Sobrang sakit.

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon