STOPLIGHT [13]

1K 13 2
                                    

“Annikaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa”

“Namiss kita. Ilang linggo ka na hindi pumupunta dito! Ganun ka ba ka busy kay Jervis at nakalimutan mo na kami ng inaanak mo?”

“Hoy ang o.a mo ah? Kagabi lang naging kami ni Jervis .” Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig, ganun ako ka at home sa bahay niya. Sumunod naman si Annika sakin.

“Ano naman ang naisipan mo at bigla bigla naman ata na naging kayo?” Binaba ko ang hawak kong baso at humarap kay Annika.

“Hindi ko siya matiis eh kahit sabihin pa na halos murahin niya na buong pagkatao ko, wala eh mahal ko ata talaga.”

“Ata? So hindi ka pa ganung sure?”

“Sure ako no! Mahal na mahal ko si Jervis at hindi ako papayag na magkahiwalay kami.” Sabi ko habang naglalakad pa balik sa sala.

“Ang ingay mo naman! Kailangan sinisigaw talaga yung kabaliwan?” - Warren

“Wala kang paki Warren! Bat ba kasi ang sunggit mo ngayon ah? Hindi ka naman ganyan kahapon?”

“Eto nanaman po ang aso’t pusa. Wag kayong mag-away nagugulat yung anak ko oh?”

“Eto kasing boyfriend mo ang gulo ng utak, kagabi ang hyper napakalakas mang-asar tapos ngayon naman napakainit ng ulo. Nakakainis.”

“Parang hindi mo naman alam na may toyo sa utak yang lalaking yan.” Tumayo si Warren at mukhang lalabas ng bahay.

“San ka pupunta?”

“Magyoyosi lang saglit sa labas.”

“Oh sabi sayo eh. May topak yang boyfriend mo.”

“Baka nagseselos lang.”

“ANO?”

“Andrea! Sabing wag kang sumigaw nagugulat yung inaanak mo.”

“Ay sorry naman kasi eh, kung ano-ano naman kasi yung pinagsasabi mo dyan. Para kang tanga.”

Ano ba tong Annika na to! Kung ano-ano naiisip, si Warren magseselos? Adik ba siya? Tatay ng anak niya ganun na lang niya ibenta sa ibang tao? Hahahahahaha bat ko ba naging bestfriend to? Kaloka!

Bumalik na si Warren galing sa labas at balik na din siya sa pagiging hyper. Kinulit kami ng kinulit ni Annika, hindi tuloy makatulog anak nila.

“Dito ka na lang matulog BABE. Tinatamad na kong ihatid ka eh.”

“Edi wag mo kong ihatid. May taxi naman eh.”

“Oo nga Andrea tama si Warren dito ka na lang matulog.”

“Ha? Eh kasi ano eh.”

“Ako na lang magpapaalam kay tita kung yun ang problema mo.”

“Ah hindi naman yun eh. Ok lang naman kahit ako na magpaalam kay mommy.”

“Eh ano pang problema mo?”

“Hindi ko kasi ako nakapagsabi kay Jervis eh.”

“Edi sabihin mo. Tutal kanina pa naman kayo magkatext. Edi sabihin mo na.”

“Sige wait try ko ah?”

To: Jervis <3

Baby dito ako matutulog kanila Annika ah? Gabi na kasi eh, mahihirapan si Warren kung ihahatid niya pa ko sa bahay. I love you, tulog ka na.

“Hindi naman nagrereply eh. Uwi na lang ako.”

“Ano ka ba gabi na! Bukas ihahatid kita promise.” - Warren

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon