STOPLIGHT [20]

430 10 3
                                    

“Bakla ang saya ng araw natin wala si Annika” - Step

“Korek te! napaka peaceful ng ating lunch.” - Mylene

Sabay-sabay kaming nagtawanan. Totoo naman ang normal kasi ng lunch namin. Walang Annika na puro reklamo at pagpaparinig lang ang ginagawa. Tawa at kwentuhan lang kaming tatlo, simula nung nag enroll ulit si Annika ngayon lang ata ulit ako naging normal sa lunch.

“Pero alam mo, minsan naawa ako dun sa babaeng yun.” – Mylene

“Naawa ka pa dun? Eh yung ginawa nga niya kay Andrea dati grabe.” - Step

“Ay oo nga te. Karma na niya siguro yung nangyayari sa kanya ngayon. Nainlove ba naman kasi sa lalaking sobrang babaero eh. Hindi niya ba naisip na nagawa ngang palitan ni Warren si Andrea, siya pa kaya?” -  Mylene na patuloy pa din sa pagkain habang nagsasalita.

“Grabe naman kayo, hindi naman babaero si Warren.” – Singgit ko sa pag-uusap nila. Hindi naman talaga babaero si Warren eh. Minsan talaga malandi lang siya.

“Affected te? Pinagtatanggol?” Affected? Medyo. Pinagtatanggol? Oo.

“Hindi ah? Hello ang ganda ko kaya.” *flip.hair* Tinignan lang nila ako ng masama at umiling.

“Asan nga pala si Jervis?”

“Nambababae.” Pero ang totoo nagpaalam siya kanina na makikipagkita sa parents niya sa mall. Hindi na ko sumama kasi gusto kong makasama tong dalawang to sakto naman na free cut pala ngayon kaya tamang tambay na lang kami dito sa caf. Sinabi ko lang yun para asarin sila. Alam ko kasi na kokontra agad tong mga to pag sinabi ko na nambabae si siya. Mga fan girls to ni Jervis eh.

“Pinapaalam na pala ang pang babae ngayon?” - Mylene

“Sus hindi naman siya maganda ah? Outfit lang niya maganda pero hindi siya maganda magdala. Sayang ang outfit bakla.” – Step

"Tska dito pa talaga sila sa school nag date ah?"

“Anong pinagsasabi niyo dyan?” Tumingin ako sa tinitignan nila. At nakita ko si Jervis at Cindy na papunta sa isang stall ng pagkain. Ang sabi niya sakin kanina parents niya ang kasama niya pero bakit si Cindy ang kasama niya?

"Hoy bakla san ka pupunta?"

"Sa CR natatae ako. Sama kayo?"

"Eeww kadiri ikaw na lang"

Naglakad ako palabas ng cafeteria. Sinigurado ko na hindi nila ako makikita.

"ARAY NAMAN TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO!"

"WAAAAA ANDREA SORRY." Naiiyak na sabi ni Annika

"Wag ka nga umiyak para kang bata dyan. Ok lang di naman masakit." Bigla niya kong niyakap ng mahigpit.

"Sorry kasi pinagdudahan kita. Napakawalang kwenta kong kaibigan. Akala ko kasi aagawin mo na sakin si Warren eh. Sorry talaga."

Edi lumabas din na talagang sadya mga pinagsasabi niya sakin nung mga nagdaang araw. Umalis siya sa pagkakayakap sakin.

"Jervis sorry din ah? Lagi ko kasi kayong ginugulo ni Andrea nung mga panahong napaparanoid ako." Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Jervis na tumango lang at naglakad palapit samin.

"Bigla kang nawala sa caf. Nakita na mo kami ni Cindy no?" Tumango lang ako. "Nagselos ka nanaman?" Tumango lang ulit ako. "Nagkita kasi kami kanina sa mall, nandun siya para mag lunch with her friends tapos nalaman ko din na free cut ngayon kaya hindi na ako sumabay sa lunch nila mama at nagmadali akong pumunta dito."

"Bakit di mo agad ako pinuntahan?"

"Nagugutom na kasi talaga ako eh hehehe kaya tumingin muna ako ng pwedeng kainin, nakita kita na palabas kaya ayun iniwan ko yung order ko. Tara na balik na tayo sa caf gutom na talaga ko baby eh."

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon