STOPLIGHT [8]

1.3K 15 2
                                    

“Ang dami kong ikkwento sayo Bes. Namiss kitang kachikahan busy ka kasi masyado kay Jervis eh”

Namiss ko tong tambayan namin at ang bestfriend kong nagiinarte ngayon. Tagal ko na palang hindi nakatambay dito dahil lagi kaming gumagala ni Jervis. Naupo na ko sa tabi ni Bes, ang sarap talagang tumambay dito tahimik. Puno at bench lang pero solve na kami.

“Una na ko, may gagawin pa pala ko. Ingat kayo pag-uwi.”

“Anong problema nun?” – Micah

“Ewan ko dun sa lalaking yun. Nagaadik na ata eh.”

Luh? Bat ganun si Jervis? Hindi man lang tumingin habang nagpapaalam. Iniiwasan ba niya ko? Dalawang araw na siyang ganito simula nung meeting. Alam niyo yung magtatanong ako tapos sasagot siya tapos end of conversation na, nakakainis diba?

“Anyways yaan na muna natin ang pagaadik ni Jervis ngayon at tayo muna ang mag jowa for today.”

“Eww Bes kadiri!”

“HAHAHAHA ainaku Bes dali chika na.”

Inabot kami ng gabi kakadaldal hahahaha na kwento ko na sa kanya yung mga nangyari ng nung meeting. Isang araw lang pala nangyari lahat ng yun, grabe lang ah? Sana ginawa man lang 2 araw hahaha para hindi ako nagmukhang zombie nung araw na yun.

--

“Anong ginagawa mo dito?”

“Gusto sana kitang makausap.”

“Go.”

“Kinausap ka pala ni Annika.”

“Oo.”

“Andrea, napag isip-isip ko tama ka kailangan tanggapin ko na lang lahat ng to, ako din naman ang may kasalanan ng lahat ng to eh. Siguro magiging mabuting tatay na lang ako sa magiging anak namin.”

“At mabuting asawa sa bestfriend ko Warren.”

“Oo mabuting asawa at mabuting tatay. Sorry Andrea, sana mapatawad mo ko. Pipilitin kong kalimutan ka, gagawin ko yun para sa mag-ina ko.”

“Napatawad na kita matagal na.”

Niyakap niya ko, niyakap ko din siya. Sa wakas naayos na namin ni Warren at Annika yung problema namin. Hindi na siguro magiging close kagaya dati pero pwede pa naman mag-umpisa ulit diba?

“So friends?”

“Hmmm. Friends! Osya Warren na sarapan ka na sa pagyakap sakin hahahaha.”

Tinangal na niya yung pagkayakap sakin at natawa. After magkwentuhan nagpaalam na siya.

“Bye! Ingat paguwi”

Niyakap niya ulit ako at nagbeso

“Pumasok ka na gabi na. Alis na ko.”

--

“Hi Jervis”

“Hello.”

“Ok ka lang ba? May problema ba tayo?”

“Wala”

“Eh bat ganyan ka?”

“Wala nga.”

Medyo pasigaw yung pag sagot niya TT_TT Gusto kong umiyak, mukha na kong tanga sa ginagawa ni Jervis sakin. Bakit ganito siya? Akala ko ba mahal niya ko? Pero bakit parang iniiwasan niya naman ako.

“Bat umiiyak ka?”

Shit tumulo na pala luha ko! Great mukha na talaga akong tanga.

“Wala”

Lumabas ako ng classroom at pumunta sa tambayan, naguguluhan ako sa mga kinikilos ni Jervis akala ko pa naman magiging ok na lahat. Ok na ulit kami ni Warren at Annika pero si Jervis naman iniiwasan ako

“Panget mo BABE”

“Babe mo your face.”

“Ito naman joke lang, assuming to.”

“Aray!”

“Problema? Kwento mo dali.”

“Si Jervis kasi eh iniiwasan ata ako.” Tinignan ko si Warren. Bwiset to ikwento ko daw pero hindi naman nakikinig. Naglalaro lang sa phone niya. “Hindi ka naman nakikinig eh” Inagaw ko yung phone niya, inagaw niya ulit, inagaw ko ulit hahahaha ang ending naghaharutan kami hanggang sa napagod na ata siya sa kakaagaw.

“Bat ako makikinig? Eh yan yung pinalit mo sakin. Hindi ko naman sinabi sayo na hindi na kita agad mahal diba? Kaya ayokong makinig sa love life mo no! Love life ko nga hindi ko pa naayos eh.”

Binatukan ko siya hahahaha umaarte nanaman eh.

JERVIS’S POV

San kaya nagpunta si Annika, hindi pumasok ng first subject namin. Ah alam ko na, baka nasa tambayan yun vacant nga pala ni Micah ngayon baka masyadong nag enjoy sa pakikipagchikahan. Mapuntahan nga mag sosorry ako sa nangyari kanina.

T__________T

Tama nga! Nageenjoy nga siya! Nageenjoy kasama si Warren. Paiyak-iyak pa kanina si Warren lang naman pala gustong kausap.

Flashback

Sa takot kong malate sa meeting namin napaaga naman ang dating ko dito sa school mukhang wala pang mga estudyante. Akala ko kasi traffic ng ganitong oras. Papunta na ko sa room ng org namin, may narinig akong sumigaw

“Warren”

Nakita ko si Andrea na nakayakap kay Warren. Medyo madilim pero alam kong si Andrea yun.

“Kahit kalian talaga duwag ka.”

Niyakap din siya ni Warren at hinalikan. Tang*na kala ko ba hindi sila? Pero bakit sila magkasama at naghahalikan ngayon?

“Namiss ko yung ganito. Namiss ko yung pwede kitang halikan at yakapin, yung laging ako yung kasama mo. I love you Andrea alam mo yan.”

“Warren, mahal din kita p--“

Hinalikan ulit siya ni Warren, alam ko na kung ano yung naramdaman ni Andrea noon sa Parking lot. Umalis na ko hindi ko na kayang makita yung mga nangyayari.

--

Pumunta ko sa bahay nila Andrea para sana linawin na kung ano talaga ang meron sa kanila ni Warren at kung ano ako para sa kanya.

“Bye! Ingat paguwi”

“Pumasok ka na gabi na. Alis na ko.”

Muka namang nasagot na yung gusto kong malaman. Galing si Warren kanila Andrea at ang sweet nila.

End of Flashback

Pumayag siyang maging kabit ng lalaking yun! Ginagawa lang akong panakip butas ni Andrea. Pinaasa niya ako, hanggang kaibigan na lang talaga siguro ang kayang ibigay ni Andrea para sakin. Pero teka kaibigan pa din ba yung ganun? Pinagmumukha niya kong tanga kakahabol sa kanya. Tama na tong katangahan ko! Kakalimutan na kita Andrea.

StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon