“ANO BA WARREN ANG BAGAL MOOOOOOOOOOOOOO”
Lumalabas na yung lalamunan ko kakasigaw kay Warren, ang bagal naman kasing kumilos kung kailan manganganak na si Annika tska pa na bakla.
“ETO NA ANDREA TEKA LANG NAMAN KASI EHHHHHHHHHHHHH”
“WAG KAYONG MAGSIGAWAN LALABAS NAAAAAAAAAAAAAAAAA”
Sabay kaming napahinto ni Warren sa paglabas ng bahay. Hala naku po! Mukhang hindi aabot si Annika, pano na yun? Wala akong alam sa pagpapaanak. Tinignan ko si Warren na mukhang ganun din ang nasa isip.
“WAG KAYONG TUMANGA DYAN LALABAS NA YUNG ANAK KOOOOOOOOOO”
Panic kailangan ko na mag panic wala talaga akong alam sa mga dapat gawin. Nakatayo pa din ako dito sa tapat ng pinto, tumakbo naman si Warren papunta kay Annika at inihiga ito sa kama. Humarap siya kay Annika at ayun mukha siya na ang magpapaanak sa asawa niya.
“Sh*t Warren alam mo ba gagawin mo?”
“Hindi, basta umire ka na lang pag bilang ko ng tatlo. 1 2 3 ire”
“AHHHHHHH”
“Annika wag kang pipikit, wag kang matutulog”
“Isa pa Annika 1 2 3 pushhhh”
-----
“Hoy Andrea nag-usap na ba kayo ni Jervis?”
Nadala na namin dito sa hospital si Annika at si baby. Nakakaloka yung nangyari kanina parang wala pa ko sa sarili ko hanggang ngayon. Kami ni Warren ang nagpaanak kay Annika. Mukhang pagod na pagod si Annika sa panganganak at sa pagsigaw samin kanina ni Warren kaya ito tulog na tulog.
“Hindi pa. Mukhang hindi na din naman kailangan eh, sarado yung isip niya sa kung ano lang yung nakikita niya. Wala siyang pakielam sa kung ano talaga yung totoo, basta kung ano yung gusto niyang paniwalaan yun ang paniniwalaan niya.”
“Gusto mo kausapin ko siya? Ako mag sasabi sa kanya kung ano yung totoo.”
“Hindi kailangan, mahirap magpaliwanag sa taong may saradong utak.”
----
Cafeteria
Start na ng panibagong sem at wala pa kong nakikitang Jervis, buti naman kung lumipat na siya ng school. Hindi ko na kasi alam kung ano pa yung nararamdaman ko para sa kanya, masasakit lahat ng sinabi niya sakin. Hindi man lang niya ko tinanong kung ano ba talaga yung totoo.
“First day nakasimangot?”
“Panget mo kasi!”
“Kaya pala in love na in love ka sakin dati.”
“Ikaw na nga ang may sabi D-A-T-I dati.” Tumawa siya ng mahina at pinisil yung pisngi ko. Kainis talaga tong lalaking to! Walang magawa sa buhay. Bat ba kasi hindi nag-enroll si Annika ngayong sem eh, at ito namang si Micah eh sa Paris na nag-aral. Wala tuloy akong choice kundi samahan si Warren. First day pero ito mamatay-matay na ko sa kunsume sa lalaking to.
“Classmate ko si Jervis kanina sa isang subject ah?”
ANO-NAMANG-PAKI-KO-LOOK lang ang binigay ko sa kanya at tinuloy na ang pagkain.
“Ang takaw mo para kang si Annika kung kumain parang walang bukas.”
“Seryoso? Pati pagkain ko pinakielaman? Bwiset ka talaga Warren.”
“Alam mo BABE ang sarap mo talagang pagtripan, napakapikon mo. Nga pala sasabay ka ba sakin pauwi?”
“Sasabay ako, coding ako ngayon. Ayokong mag cab ang ganda ko kaya.”
“Sige kita na lang tayo sa parking lot ng 6pm. Pero alam mo babe parang dapat mag cab ka na lang.”
“Alam mo Warren napaka walang kwenta mong lalaki. Maging gentleman ka naman minsan.”
“Eh kasi naman 4pm kaya ang uwian ko. Grabe naman mag-eeffort pa talaga akong antayin ka ng dalawang oras ganun? Chix ka ba?” Tinignan ko na lang siya ng masama hahahaha takot yan sa mga ganung tingin ko eh.
“Fine! Sige na pasok na ko baka mapaaway pa ko dito eh.” Tumayo na siya at hinalikan ako sa pisngi tska ginulo ang buhok ko.
Ano daw? Mapaaway? At sino naman ang aawayin niya? Ako? Nakakaloko talaga yung Warren na yun!
WARREN’S POV
Nakita ko si Jervis na nakatingin samin ni Andrea, makatingin kala mo papatay ng tao, pasalamat siya nandun si Andrea kundi sinugod ko na siya. Hindi pa ko nakakaganti sa kanya sa pag-agaw sakin niya kay Andrea at sa pagpapaiyak dito.
“Jervis, pwede ka bang makausap?” Nakita ko siyang lumabas ng cafeteria kaya sumunod ako sa kanya.
“Tungkol san?”
“Kay Andrea.”
“Oh bakit? Anong meron sa kanya? Wag kang mag-alala Warren hindi ko sasabihin kay Annika yung mga kalandian niyong dalawa.”
Napahiga siya sa suntok ko at unti-unti na nag lapitan yung mga usiserong estudyante na wala namang balak umawat. Tumayo siya at lumapit sakin habang pinupunasan yung dugo sa labi niya. Ganun pala kalakas yung suntok ko sa kanya.
“Hindi ako gaganti Warren, hindi ko kailangang makipagbasag ulo sa isang kagaya mo.” Tumalikod na siya at naglakad palayo.
---
“Ang tagal mo babe grabe nakakahiya naman sakin.”
“Tantanan mo ko kaka babe mo dyan Warren ah? Hindi mo kinagwapo yan.”
“Halika na nga ihahatid na kita sa inyo at para makauwi na ko dadaan pa ko kanila Annika para makita yung gwapo kong anak.” Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse at sumakay na din ako.
“Wow improving ka ah? Gentleman ka na agad? Ilang oras lang tayong hindi nagkasama nagkaganyan ka na? Ang bilis ng pagevolve mo ah grabe!” Hindi ko pinansin yung mga sinasabi niya. Unti-unti kong nilapit yung mukha ko sa mukha niya, napatingin ako sa mapupula niyang labi, gusto ko siyang halikan, bigla siyang namutla, yung nawalan bigla ng kulay.
"HAHAHAHAHAHAHA oh? Bat tumigil ka sa pagdaldal? Grabe ka Andrea hanggang ngayon ba naman may pagnanasa ka pa din sakin? Move on na oy”
“F*ck you!”
Ano ba tong ginagawa ko? Mali to! Hindi dapat ganito!
---
Unti-unti niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko, nakita ko siyang nakatingin sa mga labi ko na naging dahilan para mapatingin din ako sa labi niya. Palapit siya ng palapit, para kong mauubusan ng hiningan. Namumutla na ata ako, konting lapit pa hihimatayin na ko. Napapikit ako pero agad ding dumilat nung narinig ko siyang tumawa. Bwiset talaga tong lalaking to! Wala na siyang ibang ginawa kundi asarin ako.
“Nandito na tayo. Tara na”
“Tara ka dyan? Dito ka lang, hindi ka papasok sa loob.”
“Damot nito! Kakamustahin ko lang naman si mama eh.”
“Mama mo your face! Bahala ka dyan, alis nab aka gabihin ka pa pupunta ka pa kanila Annika.”
“Sasama ka ba kanila Annika?”
“Adik ka ba? Nandito na ko sa Makati pababalikin mo pa kong Manila? Shabu pa!” Natawa nanaman siya! Naiinis ako pag naririnig ko siyang tumatawa naalala ko yung kanina.
“Anong nakakatawa?”
“Pinapaalis mo na kasi ako kanina pa pero hindi ka pa din bumababa ng kotse ko. Ikaw andrea ah? Nagtataka na ko sayo.”
“Ewan ko sayo umuwi ka na nga. Ingat” Pagkasabi ko nun bumaba na ko sa kotse nung baliw na yun. Naalala ko nanaman yung kanina, napapangiti ako sa naging reaksyon ko nung lumapit siya sakin hahahahaha namutla ako.
“Bakit nandito ka? Anong kailangan mo?”
BINABASA MO ANG
Stoplight
Teen FictionRED means STOP – Stop holding on to your past YELLOW means READY – be Ready to fall in love again GREEN means GO –Go for the one you love Paano nga ba kalimutan ang nakaraan na puro magagandang ala-ala? Paano ba magmahal ulit kung ang tangging gusto...